top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 16, 2026



Kinumpirma ng abogado ng aktres… BEA AT VINCENT, PUMIRMA SA PRENUP AGREEMENT BAGO IKINASAL

Photo: IG @bealonzo



Nagkaroon pala muna ng pirmahan ng prenuptial agreement sina Vincent Co at Bea Alonzo bago sila ikinasal nitong Lunes, Hulyo 13, sa Makati City Hall na in-officiate ni Mayor Nancy Binay.


Eksklusibong nakausap ng GMA News ang abogado ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng The Law Firm of Garcia Elauria Ruanto and Associates (GERA LAW) Office nu’ng Martes nang gabi at iniere ang pahayag nito sa nasabing news program.


Pahayag nito, “Yes, I confirm that the civil wedding of Bea Alonzo and Mr. Vincent Co took place yesterday evening at around 7:00 PM at the Makati City Hall, and the ceremony was solemnized by Mayor Nancy Binay.”


Nabanggit din ng legal counsel ng aktres, “With regard to the alleged issues on the prenup agreement, I must state clearly and unequivocally, for the record and in fairness to all concerned, that the prenuptial agreement was duly signed, executed, and entered into freely and voluntarily by the contracting parties, Bea Alonzo and Mr. Vincent Co, without issue.”


Sa madaling salita, maayos ang naging pirmahan ng mag-asawa at walang naging sagabal sa magkabilang kampo.


Dagdag pa, “The earlier reports suggesting that there was any dispute, hesitation, or unresolved issue concerning a prenuptial agreement are not accurate.”





HINDI naman pala nalalayo ang gagampanang karakter ni James Reid bilang si Jordan Valentin sa upcoming TV series na Someone, Someday (SS) dahil musician, bar owner, at composer ito.


Sa totoong buhay ay ito rin ang trabaho ng singer-actor at may restobar siya sa Makati City kaya hindi mahirap ang naging adjustment sa role niya.


Pero inamin ng aktor na super-nerbiyos siya sa unang taping day niya dahil isang dekada rin siyang nawala sa paggawa ng serye.


“It has been a great experience working with Kathryn (Bernardo) and Maja (Salvador) even

though we do not have too many scenes together. I love Ate Maja. Of course, working with Directors Chad (Vidanes) and Dolly (Dulu) was highly collaborative and welcoming. To my Dreamscape family, thank you so much,” sey ni James.


Nabanggit pa ng aktor na it feels like he never really left dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Dreamscape Entertainment.


Anyway, tinanong namin si James kung ano ang naging dahilan at napaoo siya sa SS para balikan ang pag-arte at paano niya ito pinaghandaan.


“Actually, I always knew that I would go back to acting. Since 2019 or 2020, when I decided to take a pause, I always said I planned to come back to acting. It was never really goodbye for me,” sagot ng binata.


Nagbigay siya ng panahon sa sarili upang kapag bumalik siya ay kaya na niyang gawin muli ang lahat. Dahil sa mga nangyari noon, sa tingin niya ay perfect time na ngayon ang pagbabalik niya sa paggawa ng serye.


“Maybe it’s an emotional thing. I’m in a good place right now. I can handle the workload. I can handle everything that comes with it again,” sabi pa.


Ang Someone, Someday ay kinatatampukan din nina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro. Mula ito sa direksiyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu.


Mapapanood ito simula Hulyo 27, 8:45 PM, sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB). 


Una itong mapapanood sa Netflix sa Hulyo 24 at sa iWant sa Hulyo 25. Magiging available rin ito sa TFC.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 16, 2026



SHEET - ATTY. KAPUNAN DON’T GET MARRIED!-House of Representatives & _bealonzo

Photo: House of Representatives & _bealonzo



Nakausap din ng GMA News ang isa pang legal counsel ni Bea Alonzo na si Atty. Lorna Kapunan sa isang presscon at naisingit ang tanong tungkol sa prenuptial agreement.


“People are asking, did I make the prenuptial agreement? Actually, I wish I did,” sambit ni Atty. Kapunan.


Wala umanong alam si Atty. Kapunan tungkol sa prenup kaya binalikan niya ng tanong ang female reporter.


Sey niya, “Where did you get that (prenup issue)?”

May binanggit na vlog ang reporter kung saan niya ito napanood.


At dito inamin ng isa sa legal counsel ng aktres, “I really have no personal knowledge. Well, putting on my lawyer’s hat, I’ll advise all of you girls here, don’t get married.”


Bago nagpaliwanag si Atty. Lorna tungkol sa prenup ay binati muna niya si Bea.

Mensahe niya sa aktres, “I wish you well, Bea.”


For the record, kay Kapunan ipinagkatiwala ni Bea ang paghawak sa mga personal nitong kontrata at ilang high-profile civil matters, kaya tinanong siya tungkol sa prenup, pero nagulat ang lahat na wala siyang alam tungkol dito.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | July 16, 2026



INSIDER - DIEGO, UMAMING SI SOFIA ANG TOTGA-IG _diegoloyzaga & _iamsofiaandres

Photo: IG _diegoloyzaga & _iamsofiaandres



Isa kami sa madalas sumulat noon tungkol sa nakaraang relasyon nina Sofia Andres at Diego Loyzaga kaya hindi na kami nagulat sa naging rebelasyon ng aktor sa pakikipag-usap niya sa Maddox Jewelry owner na si Ms. Charo Cordial na si Sofia pala ang itinuturing niyang TOTGA o “the one that got away”.


Maalab, emosyonal, at masalimuot ang naging relasyon ng dalawa, kung saan naituro ngang ang kanilang paghihiwalay at depresyon ang naging dahilan ng nabalitang attempted suicide ng aktor noong 2018.


Pero bukod kay Sofia ay nabanggit din ni Diego na may isa pa siyang kinokonsiderang TOTGA, pero hindi na lang ito pinangalanan ng aktor.


Inamin din niya na lubhang nakapagbigay ng pressure sa kanya noon ang pagiging anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano, kung saan naapektuhan siya sa mga nagsasabing kailangan niyang patunayan ang sarili sa industriya.


Sa ngayon ay mas pokus at mas positibo na si Diego, at malaking dahilan nito ang kanyang anak na nagsisilbing inspirasyon sa kanya para mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho at itama ang mga nagawang mali sa buhay.


Sa naturang interview ay ipinagtapat din ni Diego na mayroon siyang biniling diamond earrings na regalo sana niya sa babaeng minamahal, pero hindi ito tinanggap ng babae dahil mas gusto umano nito ang luxury bag. 


Dahil dito ay napagpasyahan niyang ipa-trade ang diamond earrings sa Maddox Jewelry habang naghahanap ng iba pang alahas.





Mula sa box-office success ng kanilang Metro Manila Film Festival movie na Rewind na kumita ng P924 million worldwide, balik-tambalan ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pelikulang Remember na kinunan pa sa Quebec, Canada. 


Para sa Family Feud (FF) host, laging napakasarap sa pakiramdam na makapunta sa ganito kagandang lugar, lalo na’t kasama niya ang kanyang misis.


Ayon kay Dingdong, tuluy-tuloy ang shooting nila at malapit-lapit na rin itong matapos na tiyak na ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga DongYan fans. 


Tinanong namin si Dingdong kung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure dahil tiyak na aasahan ng iba na hihigitan ng Remember ang kinita ng Rewind, at mas maganda dapat ang istorya. 


Ayon sa Kapuso actor, ang pokus lang nila ay magampanan nang maayos ang kanilang mga role at maitawid nang maayos ang pelikula.


Dagdag pang pahayag ni Dingdong, kahit noong ginagawa nila ang Rewind ay hindi sila nagpadaig sa pressure dahil naniniwala silang kapag nagpa-pressure sila ay maaaring malihis sila sa kanilang layunin na makagawa ng isang magandang pelikulang magugustuhan ng publiko.


Napapanood ngayon bilang Atoy sa Kapuso primetime series na The Master Cutter (TMC), siniguro ni Dingdong na marami pang dapat abangan sa pinagbibidahan niyang serye lalo’t nagkikita na sila nina Elaine/Audrey (Max Collins) at Ibyang (Sienna Stevens).


Nahingan din namin ng reaksiyon si Dingdong sa naging pahayag ng all-girl group na Baby Dolls na siya ang gusto nilang maka-collaborate sa hit nilang Oohh Lala Baby

Agad namang umoo ang Kapuso actor at sinabing aaralin muna niya ang mga steps na una niyang nakita sa kanyang misis.





NANG huli naming makita ang singer-songwriter na si Moira Dela Torre sa nakaraang 17th Star Awards for Music, kung saan siya itinanghal na Female Recording Artist of the Year, mukhang naka-move on na siya sa mga mabibigat na pinagdaanan niya sa buhay.


Sa ngayon ay may sarili na siyang management na siyang nagha-handle sa kanyang singing career. 


Ayon kay Moira, marami siyang natutunan mula sa Cornerstone, ang dati niyang management, at nagpapasalamat siya sa tiwala at pag-aalaga na ginawa ng mga ito sa kanya noong nagsisimula pa lang siya.


Pahayag sa amin ni Moira, mukhang lahat ay naka-move on na, nag-mature, at kung anumang sugat ang nangyari ay napaghilom na ng panahon.


Ipinarinig din sa naturang event ang kanta niyang Sa’n Ka Na, na kung liriko ang papakinggan ay tiyak na maiisip ng iba na baka patama ito sa dating mister na si Jason Marvin. 


Para kay Moira, bilang singer at songwriter ay wala na siyang kontrol sa maaaring isipin o sabihin ng ibang tao kapag may kanta siyang nailabas.


Samantala, pansamantalang namahinga si Moira dahil mukhang nag-ipon muna ng mga bagong kanta na mapapakinggan ng publiko. 


Isa sa nakakapagpa-excite sa kanya ay ang collaboration nila ng Parokya ni Edgar lead singer na si Chito Miranda na matagal na niyang pangarap na maka-collab.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page