top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 17, 2026



SHEET - DOMINIC AT SUE, KASAMA ANG WEDDING SUPPLIER, PIKTYUR KUMALAT-IG _dominicroque.

Photo: IG _dominicroque



Sina Dominic Roque at Sue Ramirez kaya ang susunod na ikakasal? 

Ito ang topic sa Showbiz Update (SU) vlog nina Ogie Diaz, Ate Mrena, Tita Cora, Tamerlane Mopia at Mama Loi kagabi.


May nakitang post sina Ogie sa social media na kasama nina Dominic at Sue ang team ng wedding and events supplier na tila katatapos lang ng meeting.

Ang ganda ng ngiti ng celebrity couple kaya napaisip ang mga hosts na baka may mahalagang pinag-usapan.


Sabi ni Ogie, “Tinanong kasi ng mga tao, since nandu’n na ‘yung mga wedding, events planner, and supplier, ano ‘to? Ikakasal na ba sina Dominic at Sue?”


At bilang isang event planner din si Mama Loi ay sinang-ayunan niya ang komento ng co-host niya, pero baka hindi raw ito tungkol sa kasal kundi para sa nalalapit na kaarawan nina Dom at Sue sa darating na Hulyo 20.


“Meron ngang event na magaganap, pero ‘di wedding. Eh, kasi nga, magse-celebrate ng birthday itong si Dominic Roque at si Sue Ramirez nang sabay kasi sabay ‘yung birthday nila,” paliwanag ni Mama Loi.


Oo nga naman, kasi kung tungkol ito sa kasal ay parang nauna pa itong planuhin kaysa sa marriage proposal. 


And for sure, surprise ito ni Dom kay Sue if ever maisip na niya ito.

At muling balikan ang sinabi ng aktres na gusto na niyang magkaanak at siyempre, si Dominic ang ama, na naniniwala si Sue na magiging good at ideal dad ang kanyang boyfriend.


“Nakikita ko how he is with his family. Mahal na mahal n’ya ang mga pamangkin niya. Even with my dogs, ang laki ng puso n’ya at napakabuti n’ya,” paglalarawan ni Sue kay Dominic.

Kaya ang aabangan ay kung kailan magpo-propose ang aktor.





KINLARO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman na si Atty. Don Artes na hindi suspendido si Gabriel Go, ang MMDA Special Operations Group-Strike Force head na sumita sa isang guro na hindi nakasuot ng helmet habang sakay ng kanyang motorsiklo.


Napanood namin ang post ni Gabriel Go sa kanyang Facebook account kung paano niya hinuli ang guro.


Tinanong nito kung ano ang trabaho nito at sinagot siya ng lalaki na teacher.

“Teacher ka, tapos wala kang helmet? Paano naman natin tuturuan ang ating mga estudyante kung ganu’n?” katwiran ni Gabriel Go.


In fairness, humingi ng paumanhin ang guro at nakiusap na huwag siyang kunan ng video dahil kilala siya sa lugar na iyon.

Sabi naman ni Go na ibe-blur naman ang mukha at huwag na lang banggitin ang pangalan.


Nagulat na lang daw ang guro nang makita niyang ipinost ito ni Gab Go sa kanyang Facebook (FB) account na blurred naman ang mukha.


Nag-react ang ACT Teachers Representative na si Antonio Tinio at tinawag na abusado ang ginawang pagsita sa guro gayung nakiusap na itong huwag siyang kunan ng video.


Ayon kay MMDA Chair Artes ay iimbestigahan ang pangyayari kaya hindi muna sasama si Gabriel Go sa operations at nilinaw na hindi siya suspendido.


Samantala, may komento naman si Go sa mga bumatikos sa kanyang netizens.

Aniya, “Ang problema natin sa kalsada transcends beyond mga motorista or mga naglalakad, whatever your profession, you are never ENTITLED FOR EXEMPTION.

“This goes to show that the problem of disorder on our streets is not just about the implementation of the law. It also raises questions about the role of our schools in shaping discipline, responsibility, and respect for rules. Schools are meant to be a second home, and teachers are expected to serve as guardians and role models for the youth.


“In fact, educators are expected to uphold a higher standard because their actions influence the next generation.


“Ang mas nakakalungkot, nahuli na nga dahil sa paglabag, nag-attempt pa umanong tumakbo. Kung ganito ang ipinapakitang halimbawa ng ilan sa mga inaasahan nating humuhubog sa kabataan, marahil panahon na ring pagnilayan kung paano natin mas mapapalakas ang kultura ng accountability, disiplina, at pagiging huwaran sa loob ng ating educational system.”


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 17, 2026



BULGARY - BEA AT VINCENT, MAY BONGGANG CHURCH WEDDING-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Hindi lang sa balita naging opisyal ang kasalan nina Bea Alonzo at Vincent Co dahil pati ang Wikipedia entry ng aktres ay pinalitan na ang kanyang legal name.


Agad itong napansin ng mga netizens na ang real name ni Bea Alonzo ay ginawa nang Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom-Co matapos silang ikasal ng businessman na si Vincent Co nu’ng July 13, 2026.


Samantala, inaabangan na ang bonggang kasal sa simbahan dahil ito ang hula kay Bea nu’ng 2021, after ng secret civil wedding, bonggang church wedding ang kasunod.





BFF nila, pakialamera raw…

ANGELICA, KINAMPIHAN SI KIM KESA KAY BELA



DEKADA na ring magkakaibigan sina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, na mas kilala bilang AngBeKi.


Napansin ng maraming fans na wala si Bela sa carousel of photos and videos na ibinahagi ni Angelica sa Instagram (IG) bilang pasasalamat sa mga taong naging mahalagang bahagi ng kanyang masaya at magandang buhay.


Dahil dito, maraming netizens ang nagtatanong kung may nangyari bang tampuhan o kung maaayos pa rin ang kanilang samahan.

Sey ng mga netizens:


“Ang pagkakaibigan ng mga babae ay maaaring maging kumplikado minsan. Kung medyo maliit na problema, mas mainam na bigyan ito ng espasyo kaysa palalain ang sitwasyon.”

“Sana nga, simpleng tampuhan lang, ‘di ba? I really think Bela crossed some boundaries with her know-it-all approach sa interviews kasi naikuwento pa n’ya ‘yung personal ni Kimmy sa promo n’ya before. It could be without consent, pero nasobrahan s’ya when it’s not her story to tell.”


“Sana, matuto na si Bela na ‘wag pangunahan ang ibang tao sa sarili nilang sitwasyon at mag-know-it-all…”


“Tanungin dapat si Bela kung bakit kailangan pa n’yang i-divulge ‘yung personal info tungkol kay Kim during a promo interview for her project. Si Angelica nga, na-ask din before, but she knows how to set boundaries and respect Kim’s privacy, without turning personal matters into talking points for clout or publicity. 


“Kung true friend talaga ang tingin ni Bela kay Kim, ‘di dapat pinangunahan o in-entertain ang mga personal na tanong. Kung ito ay personal na kuwento ng ibang tao, hayaan silang magbahagi nito mismo kung at ‘pag handa na sila!”


“Naku, wala bang self-awareness si Bela pagdating sa interviews? ‘Di na rin naman s’ya newbie para ‘di ma-realize kung paano mate-take ng tao ang mga sinasabi n’ya. O baka gusto lang mag-trend to gain more attention sa media? Sayang talaga ang AngBeKi kung lumala ang away nila.”


“Sisihin si Tito Boy. Si Bela lang ang ini-interview, idinamay pa si Kim Chiu na wala naman du’n at mukhang iwas na magpa-interview tungkol sa personal n’yang buhay.”


“Baka kinampihan ni Angge si Kim kasi mukhang kay Kim lang may atraso si Bela.”

“‘Di rin natin sure. Malakas din ang personality ni Angge, pero mukhang nag-mature na s’ya. Actually, silang tatlo naman, mukhang classy ang approach sa mga ganitong bagay. As much as possible, inilalayo nila sa press ang anumang issues. Baka puwede pa itong maayos eventually.”


“Kahit BFF ni Bela na si Dani (Barretto), ‘di na rin bumabati at wala nang recent pics together.”


“Very wrong naman kasi si Bela. ‘Wag n’yang sabihin na ‘di naman big deal ang pag-freeze ng eggs ni Kim. Logic dictates that this shouldn’t be coming from you. It’s not your story to tell. Bakit ba may mga ganyang friends na napakapakialamera? Kaya deserve n’ya na layuan s’ya ng AngKi (Angge at Kim).”


“Wala kaming pakialam kay Angelica. Imbes na pagbatiin sina Kim at Bela, sulsol pa s’ya kay Kim. Way to go, Angge!”


“Malay mo naman, ginawa na n’ya ‘yan, kaso ayaw ni Kim.”

Ganern?

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 16, 2026



WINNER - BEA AT VINCENT, WALANG HONEYMOON AFTER NG KASAL-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Nakausap ni King of Talk Boy Abunda si Vincent Co bago at pagkatapos ng kasal nila ni Bea Alonzo.


Ikinuwento ni Kuya Boy sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang naganap na pag-uusap nila ni Vincent.


Pahayag ni Kuya Boy, “These past few weeks, Vincent Co and I have been talking to each other because of a proposed project that I have for him. Ito po’y may kinalaman sa pelikula. So, we’ve been talking about it. Pero not once did we talk about his wedding. Wala po tayong kamuwang-muwang, kaalam-alam at ‘di natin pakikialaman ‘yun.”


At noong Martes, July 14, lumabas na ang balita tungkol sa wedding nina Vincent at Bea. Nakausap daw ni Kuya Boy si Vincent sa telepono.


“I spoke to him. Nagkausap kami ni Vincent Co and very matter-of-factly tinanong ko siya, ‘Vincent, kayo ba’y kasal na ni Bea?’ Sabi n’ya, very, very matter-of-factly din. Sabi niya, ‘Opo.’ And I was very happy for them,” kuwento ni Kuya Boy.


Tinanong ni Kuya Boy si Vincent kung magta-travel ba sila ng kanyang misis para sa kanilang honeymoon. Hindi raw, sabi ni Vincent. Marami raw silang trabaho ni Bea na dapat unahin.


Like si Bea, balik-taping na ulit siya sa serye niyang Whispers From Heaven (WFH) kahapon, Miyerkules.


At noong Martes, nasa photoshoot naman si Bea para sa bagong campaign ng isa niyang product endorsement.


Ayon sa aming source, pansamantalang nakatira sina Vincent at Bea sa isang condo. Ipina-renovate raw ni Vincent ang condo bago ang wedding. Pursigido raw ito sa muling panunuyo kay Bea.


At habang ginagawa raw ni Vincent ang panunuyo kay Bea, sinimulan na ang renovation ng magiging pugad ng pagmamahalan nilang dalawa.

Alam na!





Kahit na-bash dahil sablay…

POPS, NAGPASALAMAT SA STATUE SA STARTISTA GALLERY



NAGSALITA na si Pops Fernandez tungkol sa na-bash na statue niya sa STARtista Gallery ng Star City dahil malayo raw ito sa mukha ng Concert Queen.


During her live streaming sa Instagram (IG), humiling si Pops na bigyan ng second chance ng kanyang mga fans ang gumawa ng kanyang statue.


Isa sa mga tanong kay Pops ay kung ano ang masasabi niya sa kanyang statue.

Pahayag ni Pops, “Actually, the idea of the whole wax museum is actually very good. It is to honor the athletes, our heroes, the celebrities through wax figures.


“Actually, napakagandang idea talaga ‘yun and it’s really honoring us. So, for that, maraming-maraming salamat to Star City and, of course, for honoring the artists, the other prominent figures, of course, dito sa Philippines.


“Ah, nag-promise naman po sila na gagalingan nila. So, alam n’yo, bigyan naman natin sila ng chance. ‘Wag paulit-ulit.


“Kasi minsan, kawawa rin. Siyempre, nag-effort din naman sila. So, I understand it. And I know some of you probably nag-react lang. Wala kasi ako nu’n, eh.


“So, let us appreciate why they did it. So, appreciate na lang po natin ‘yun, ‘di ba? So, maraming salamat for that also.


“‘Di naman lahat ay nagbibigay ng honor sa mga celebrities, artists, athletes at kung sinu-sino pa for their effort and for their concept. Thank you very much.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page