top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 17, 2026



TEKA NGA - MIMIYUUUH, AFTER PAGKAKITAAN SI HEART, PINATUTSADAHAN SA SOURCE NG YAMAN-IG _mimiyuuuh & _iamhearte

Photo: IG mimiyuuuh & _iamhearte



Matapos ang biglaan at sikretong pagpapakasal, maraming fans ni Bea Alonzo ang nag-aabang sa mga susunod na kaganapan sa buhay nila ni Vincent Co bilang mag-asawa.


Saan daw ba magha-honeymoon sina Bea at Vincent? Saan sila titira ngayong kasal na sila? Maaapektuhan ba ang career ng aktres ngayong Mrs. Co na siya?


Excited ang lahat at nagwi-wish na sana ay mabiyayaan sila agad ng mga anak.

Well, isang linggo bago ang kanilang civil wedding ay may nai-post sa social media na babalik na ang aktres sa dati niyang bahay sa Quezon City. Ito kaya ang dati nilang bahay sa White Plains? Ito na kaya ang magiging love nest nila ng mister?


Samantala, isang reliable source ang nagkuwento sa amin na lahat ng kapatid ni Vincent na nag-asawa na ay may kani-kanyang bahay sa compound ng pamilyang Co na nasa Dasmariñas Village sa Makati. Hiwalay ito sa bahay ng parents nina Vincent.


Gusto ng parents ng mga ito na dito rin sa compound tumira sina Vincent at Bea, pero mukhang gusto ng aktres na humiwalay sila ng mister.





SERYOSO si Rufa Mae Quinto na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa ‘Pinas. Wala na siyang balak na manatili nang matagal sa Amerika. Mas komportable siyang magtrabaho sa ‘Pinas dahil narito ang mga dati niyang kaibigan.


Kaya kapag may offers na dumarating ay hindi niya pinalalampas. Wala man siyang exclusive contract ay puwede siyang magtrabaho sa Kapuso, Kapamilya at Kapatid Network.


Nag-e-effort si Rufa Mae na i-reinvent ang kanyang sarili upang puwede siya sa kahit anong klaseng role. Hindi man siya singer o dancer, kinakaya niya at walang inuurungang challenge.


Hindi man siya ang bida sa show, ang mahalaga ay may trabaho siya at kumikita para sa future ng kanyang unica hija.





GRABE ang suportang ibinibigay ng mga fans ni Dustin Yu. Talagang gumagastos sila sa mga events para sa kanilang idolo. Okey silang gumastos makita lang at maka-bonding ang aktor.


Aktibung-aktibo ang mga leaders ng fans club ni Dustin. Sila ang nag-o-organize ng meet and greet events. Kadalasan ay may bayad na P1 thousand ang bawat fan na gustong dumalo sa meet and greet event.


Kasama na sa bayad ang libreng merienda, giveaways at iba pang freebies. At may photo op pa sila kay Dustin.


Iba na nga ang henerasyon ng mga fans ngayon. Dati ay mga artista ang gumagastos sa meet and greet ng kanilang mga fans. Ang mga artista rin ang naghahanda ng food at namimigay ng giveaways. Minsan, may transportation allowance pa.


Pero maraming fans ni Dustin ang belong sa upper class at can afford na gumastos.

Ang aktor ay BFF ni David Licauco. Pero mukhang walang mga diehard fans si David na nag-o-organize ng kanyang meet and greet event. Sikat na sikat na kasi siya ngayon at busy sa kanyang mga negosyo.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 17, 2026



TALKIES - CIVIL WEDDING NINA BEA AT VINCENT, NA-TAKE 2-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



May ‘take two’ raw ang isang bahagi ng civil wedding ceremony nina Bea Alonzo at Vincent Co na ginanap noong Lunes, Hulyo 13, sa opisina ni Makati Mayor Nancy Binay sa Makati City Hall.


Ayon sa ulat ng broadcast journalist na si Maris Umali sa GMA News, inulit ang bahaging iyon ng seremonya matapos maiwan ni Bea ang kanyang bouquet sa mesa.


Dahil dito, isinagawa muli ang eksenang hawak na niya ito.

Isang malaking congratulations, Bea and Vincent! Best wishes sa bagong yugto ng inyong buhay bilang mag-asawa.





HINDI man imbitado sa naganap na civil wedding, super-saya ang naramdaman ng aktres na si Dimples Romana para sa kanyang kaibigan na si Bea Alonzo na ikinasal na nga last July 13 kay Vincent Co.


Ayon kay Dimples, “I’m very happy, nakita ko ‘yung mga ngiti nila. You can only pray that all from this day on, they got to live their lives the most beautiful way. 


“Kasi, always for me, the birth of a child, wedding are always the new beginning of a journey that you will be spending with somebody else. Sina Bea at Vincent, matagal na rin naman sila and I’ve seen them together.”


Matatandaang nagsama sina Dimples at Bea sa hit romantic-drama film na One More Chance na ipinalabas noong 2007 kaya naging mag-best friend sila.





MAY sey ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang Instagram (IG) Story kaugnay ng dokumentaryo ng broadcast journalist na si Kara David na pinamagatang ‘Ibinasurang Paraiso’.


Pahayag ng aktres, “This is just heartbreaking. Such an injustice to the Aeta people, their ancestral land, and the environment. Pa’nong ‘di ka magagalit?


“Nakakatawa na lang na 2026 na, ‘di pa rin natin alam kung ano ang gagawin sa mga basura natin. Mukha namang afford na nating gumawa ng proper disposal plan sa dami ng pera natin. Ay! Oo nga pala…”


Well, pak na pak ‘yan, Nadine! As in, tumpak!

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni KyleSheeren Bago (OJT) @Special Article | July 17, 2026



SPECIAL ARTICLE - ANGEL, IN-UNFOLLOW NI MARIEL-IG _therealangellocsin & FB _marieltpadilla

Photo: IG _therealangellocsin & FB _marieltpadilla



Umani ng samu't saring reaksiyon ang umano'y pag-unfollow ni Mariel Padilla kay Angel Locsin sa social media matapos itong mapansin ng mga netizens. 


Naging usap-usapan ito kasunod ng matapang na pahayag ni Angel laban kay Senador Robin Padilla na umaming komunista.


Ani Angel patungkol kay Sen. Robin, "Ang tanong ko lang, nasaan ka nu’ng panahong nire-red-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at ka-chika-han ‘yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit sa katotohanan." 


Lalong umugong ang espekulasyon dahil kilala si Mariel na madalas tawaging "Mare" si Angel sa kanyang mga social media posts, na para sa marami ay sumasalamin sa kanilang malapit na pagkakaibigan. 


Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag sina Mariel at Angel kaugnay sa isyu. 





Si Kim lang ang kasama…

BELA, OUT SA POST NI ANGELICA



USAP-USAPAN ngayon sa social media ang latest appreciation post ni Angelica Panganiban, na napansin ng mga netizens na tila wala rito si Bela Padilla. 


Sa Instagram post nitong Martes, ibinahagi ni Angelica ang mga larawan kasama ang ilan sa kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga kasamahan sa industriya, kabilang si Kim Chiu. 


Kalakip nito ang mensahe niyang, "Here's to working out and working in. Showing up not showing off. Laughing louder and living deeper. Cheers to life."


Ngunit imbes na ang mensahe ang pagtuunan ng pansin, maraming netizens ang napansin ang pagkawala ni Bela sa mga larawan. 


Nagbunsod na naman tuloy ito ng espekulasyon na baka friendship over na nga ang "AngBeKi" na sina Angelica, Kim, at Bela.


Matatandaang ilang buwan na ring laman ng usap-usapan ang umano'y lumamig na samahan nina Kim at Bela. Isa sa mga iniuugnay ng ilang netizens ay ang naging panayam ni Bela kung saan nabanggit nito ang personal na desisyon ni Kim sa pagpapa-freeze ng eggs. 


Bagama't ikinabahala ito ng ilan dahil pribadong usapin umano ito, wala namang anumang pahayag mula kina Kim at Bela na nagpapatunay na ito ang naging dahilan ng isyu.


Samantala, may mga netizens ding naniniwalang walang katotohanan ang mga haka-haka. Itinuro nila ang naging guesting ni Bela sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan kusa pa itong nagbahagi ng kuwento tungkol kay Kim kahit hindi ito direktang naitanong.


Sa ngayon, nananatiling espekulasyon lamang ang isyu dahil wala pang inilalabas na opisyal na pahayag sina Angelica, Kim at Bela tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagkakaibigan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page