top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 21, 2026



Bong Revilla at Jinggoy Estrada BJMP prisoner

Photo: Files



Halos araw-araw palang dumadalaw si Niño Muhlach kay Sen. Bong Revilla, Jr. sa Quezon City Jail (QCJ) sa Payatas. Ito ang paraan ni Onin ng pagbibigay ng moral support sa kaibigang aktor-politician.


Naging close si Niño kay Bong nang magkasama sila sa pelikula at TV show.

Isa sa masasabing tapat na kaibigan si Niño dahil dinamayan niya ang dating senador sa panahon ng matinding pagsubok sa kanyang buhay.


Samantala, hindi raw magkasama sa isang selda sina Sen. Bong at Sen. Jinggoy. Nasa hiwalay na floor daw ang isa kaya wala silang pagkakataong magkita at magkausap ng BFF. Hindi katulad noong nasa Camp Crame sila na magkatabi lang ang kanilang detention cell.


Marami rin ang dumadalaw noon kina Bong at Sen. Jinggoy, at may pa-misa pa sila tuwing araw ng Linggo.


Wish ng mga kaibigan ni Bong na mabigyan siya ng chance na maipagtanggol ang kanyang sarili.


Samantala, si Jinggoy ay ilang buwan nang suspendido bilang senador at handa niyang harapin ang mga akusasyon sa kanya.





‘Di na raw maghihiwalay…

DINGDONG AT MARIAN, PAREHO NANG BILYONARYO



TEKA NGA - DINGDONG AT MARIAN, PREHO NANG BILYONARYO-IG _dongdantes


Dahil sa nagkatotoong hula ng tarot card reader na si Niki Vizcarra kay Bea Alonzo, maraming celebrities ang nagkainteres na hanapin siya upang ipabasa ang kanilang love life at career.


Limang taon na ang nakararaan nang gawin ni Niki ang pagbasa sa kapalaran ng aktres. Kasama niya noon ang kaibigang si Cacai Bautista.


Tinanong ng aktres sa tarot card reader kung ikakasal pa ba siya.


Naalala lang bigla ngayon ang hulang ito nang biglaang magpakasal sina Bea at Vincent Co.


Sinabi rin ni Niki na medyo mature (may-edad na) ang lalaking pakakasalan ni Bea, at nagkatotoo nga ito.


Samantala, ang “Royal Couple” na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay binasahan naman ni Jovi Vargas sa tarot cards. At positibo ang nakikita niya sa mag-asawa. Matibay daw ang pagsasama ng mga ito at hindi na sila maghihiwalay. Magpapatuloy din ang pagdating ng magagandang blessings sa kanilang career. 


Matatag ang kanilang kabuhayan. Parehong financially secure sina Marian at Dingdong. In fact, nasa Top 10 sila sa listahan ng mga celebrity billionaires.

Si Dingdong Dantes ay may estimated net worth na P1.6 billion, samantalang si Marian ay may estimated assets na P1.5 billion.





PAHINGA muna si Yul Servo sa pulitika dahil hindi siya pinalad noong nakaraang eleksiyon. Pero may pinagkakaabalahan siya ngayon na nagbibigay sa kanya ng malaking kita. 


Isa siyang metal visual artist at nakapagpinta na ng marami niyang obra. Kasama rin siya sa mga mag-e-exhibit sa 29th Graphic Expo 2026.


Nagpapasalamat din si Yul kay Piolo Pascual dahil kinuha siya ng aktor upang pintahan ang isang blank space sa kanyang bahay sa Batangas.


Matagal na silang magkaibigan. At sa huli nilang pagkikita noong kaarawan ni Joel Torre, doon siya sinabihan ng aktor na pintahan ang isang bahagi ng kanyang bahay.

At dahil kilala ni Yul ang mga hilig na obra ni Piolo, alam na niya kung ano’ng tema ang babagay sa gagawin niyang painting.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 21, 2026



Heart Evangelista - IG iamhearte

Photo: Heart Evangelista - IG iamhearte



Inamin ng aktres-global fashion icon na si Heart Evangelista na marami sa kanyang mga naging kaibigan ang nangutang sa kanya ngunit hindi na nagbayad.


Ibinahagi ni Heart ang karanasang ito sa The People Have Spoken (TPHS), ang original game show ng GMA Network na kanyang hino-host kasama ang Sparkle artist na si Sean Lucas.


Sa isang bahagi ng programa, natanong ni Heart si Sean, “Ikaw ba, inutangan ka na ba ng kaibigan mo at ‘di ka binayaran?”


Pabirong sagot ni Sean, “Feeling ko, kailangan kong mag-shoutout kasi ako ‘yung maraming utang, eh.”


Napangiti si Heart at sinabing “Ganu’n ba?”

Dagdag pang biro ni Sean, “Oo. Baka marinig nila ako. Shoutout sa inyo, guys. Past is past na tayo, ha?”


Pagkatapos ay ibinalik ni Sean ang tanong kay Heart, “Pero ikaw, Heart, sinu-sino naman ang umutang sa ‘yo? Sigurado, marami ‘yan.”


Diretsahang sagot ni Heart, “Oo, ang daming umutang sa ‘kin. Friend ko pa naman sila, pero ngayon, ‘di na,” sabay tawa.


Natawa rin si Sean at humirit, “Akala ko matatapos na ru’n sa ‘Friend ko pa rin naman sila,’ eh.”


Paliwanag naman ni Heart, “Hinayaan ko pa, eh. Hanggang naubos.”

In fairness, maraming netizens ang humanga sa pagiging totoo ni Heart. Ayon pa nga sa isang netizen, “Tama naman ang desisyon ni Heart. Respect na lang natin.”





SEY ng aktor na si Jake Vargas, malaking bentahe sa kanyang showbiz career ang pagiging mukhang bata.


Sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan ang kanyang edad. Si Jake, na ipinanganak noong Hulyo 9, 1992 ay 34 taong gulang na.


Tinanong siya ni Boy Abunda kung marami pa rin bang nagugulat kapag nalalaman ang kanyang tunay na edad.


“Jake, marami pa rin ba ang nasu-surprise na treintahin ka na?” tanong ni Boy.

“Actually, Tito Boy, oo. Minsan, ‘pag may nakakasalubong ako, tapos sinabi ko ‘yung tunay kong edad, ang sinasabi nila, ‘Ha? 34 ka na? Mukha kang 20!’” sagot ni Jake.

Sunod na tinanong ni Boy, “As an actor, is that good? Is that bad?”


“It’s good, Tito Boy. Kasi malaking bagay para sa akin ‘yun dahil mukha pa rin akong bata,” sey ng aktor.


In fairness, super lucky ni Jake dahil nabiyayaan siya ng baby face, ‘di ba naman, Inah de Belen?





LALO pang hinahangaan ng maraming tao si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin habang mas nakikilala nila ang kanyang kabutihan at malasakit sa kapwa.


Madalas siyang maiugnay sa pagtulong sa mga mahihirap na pasyenteng nangangailangan ng tulong para sa kanilang pagpapagamot at gastusin sa ospital.


Hindi lamang sa kanyang tungkulin sa PCSO umiikot ang kanyang pagtulong. Sa pamamagitan ng Imelda Papin Foundation, patuloy din siyang nag-aabot ng tulong sa mga kapuspalad, lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan ng pambili ng gamot, laboratory tests, at iba pang pangangailangang medikal.


Sa kabila ng kanyang matagal nang tagumpay sa mundo ng musika, patuloy na isinusulong ni Imelda ang pagtulong sa kapwa.


At dahil sa mga kabutihang iniuugnay sa kanya, maraming tao ang naghihikayat kay Imelda na subukan ang mas mataas na posisyon sa pamahalaan. May mga nagsasabing nais nila itong makitang tumakbo bilang senador sa 2028 national elections.


Kung pagbibigyan ni Imelda ang mga panawagang ito, panahon lamang ang makapagsasabi. 


Sa kasalukuyan, wala pa siyang inilalabas na pormal na pahayag hinggil sa usapin. Hinihintay na lamang ng publiko kung ano ang magiging pasya niya kaugnay ng 2028 national elections.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 21, 2026



Kuya Jobert at Ivana Alawi - FB IG

Photo: Kuya Jobert at Ivana Alawi - FB IG



Inokray ni Kuya Jobert Austria o mas kilala bilang Kuya Jobert, na isang TV host-comedian, si Ivana Alawi dahil sa pagpo-promote nito ng online gambling.


Pinuna ni Kuya Jobert ang content creator na mamimigay daw ng expensive cellphones tapos ay sabay magpo-promote ng online gambling na dapat i-follow para makakuha ng mamahaling phone.


Ipinost ng komedyante sa kanyang Facebook (FB) account ang saloobin niya kay Ivana.


“Namimigay ka nga, inengganyo mo naman sila magsugal. Kulang pa ba ‘yung blessing na meron kayo?”


May nagkomentong netizen na si April Cortes Titong, “Seeing the 100 iPhone giveaway used to promote online gambling was heartbreaking.


“All I could think about was the thousands of Filipinos who might be encouraged to gamble because someone they look up to made it seem exciting or rewarding.”

Ang iba pang komento ng mga netizens na sinang-ayunan si Kuya Jobert…

“Greedy mode.”


“Dapat ginamit na lang sa mga may cancer patients at senior citizens na hirap na maghanapbuhay. iPhone, kahit gaano kamahal, walang halaga. Kuya Jobert, da best ka.”


“Okay lang daw, sabi ni Ate Ivana. Next month, magpapamigay naman siya ng 1 million. Mamimili siya ng mga 10 families, ganu’n. Magaling naman s’ya gumawa ng vlogs. Buti daw mabilis naman makalimot mga tao. Hehehe!”

“The more, the merrier daw, P’re.”


Anyway, marami pa kaming nabasa na medyo off kaya hindi na lang namin isinulat.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Ivana tungkol sa isyung ito.





UNPREDICTABLE ang kuwento ng Someone, Someday (SS) dahil akala namin ay dramedy at rom-com ito base sa trailer na halatang gusto nina James Reid at Kathryn Bernardo ang isa’t isa pero pigil dahil nga mag-best friend.


Kaya naman dramedy dahil papasok si Maja Salvador na diehard fan ni Kathryn at may sariling personal na problema na nai-share niya sa unang pagkikita nila sa foundation na pinamumunuan ni Dimples Romana.


Inakala rin naming si Maja ang third wheel kina Kath at James. Hindi pala, kundi si Daniella Stranner na effective naman, kaya lang OA ang pagkainis niya sa una lalo na noong hindi tinanggap ni Jordan (James) ang marriage proposal niya.


Hindi pa nai-reveal sa tatlong episodes na napanood namin kung sino ang stalker ni Kathryn na gagawa sa kanya ng hindi maganda dahil halatang may galit ito, lalo na nang pinturahan ng ‘bitch’ ang sasakyan ni Billy (Kathryn).


Kaya rito papasok ang thriller genre ng SS dahil sino ang taong laging nakasubaybay kay Kathryn? Naisip namin na si Maja ito lalo’t ipinakita na lahat ng nangyayari sa buhay ni Billy ay alam ni Abi (Maja). 


Mala-The Bodyguard ni Whitney Houston ang kuwento ng upcoming series na handog ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN Productions na isinulat ni Joel Mercado at idinirehe nina Chad Vidanes at Dolly Dulu.


Maraming layers ang Someone, Someday na aabangan sa Netflix simula July 24 at mapapanood naman sa July 27, sa ganap na 8:45 PM, sa ALLTV 2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook (FB) at YouTube (YT).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page