top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 23, 2026



SPECIAL - AWRA, SUMAKSES ANG IPINARETOKENG ILONG, MALA-KENDRA KRAMER NA ANG GANDA-IG _awrabriguela

Photo: IG _awrabriguela



Tinalbugan ni Yassi Pressman ang kabonggahan ng kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co.


Imagine, engagement proposal pa lang ang naganap kina Yassi at CamSur Cong. Luigi Villafuerte, pero ang chika sa amin, bukod sa engagement ring, binigyan din daw ng 5 hectares na lupa sa Camarines Sur at malaking halaga ng pera si Yassi para maging savings nito?


Oh, ‘di ba, winner?! Ano pa kaya kapag ikinasal na sina Yassi at Luigi, ilang hektarya ng lupa pa kaya ang ireregalo ng very generous palang kongresista sa kanyang misis?


Well, inggit-pikit na lang siguro ang iba pang celebrities na rumored GF din ng mga richie-richie businessmen at politicians. Talbog sila ni Yassi Pressman! Hahaha!





“Nasa itaas kami, nasa ibaba kayo” ikinorek… GOV. VILMA: ALAM KO NA, ‘PAG MABUNGA ANG PUNO, BINABATO!





“Okay, alam ko na, ‘pag mabunga ang puno, binabato!” ang binitiwang pahayag ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na sinundan ng masayang halakhak na ikinatawa na lang din ng mga kaibigang entertainment press na kanyang hinarap para sa one-on-one interview matapos ang matagumpay niyang State of the Province Address (SOPA) sa Batangas Province Events Center nu’ng Lunes.


Naging malaking isyu nga kasi sa social media ang minsang nasabi ni Gov. Vilma na “Nasa itaas kami, nasa ibaba kayo” nang mahingan siya ng komento tungkol sa mga bashers ng kanilang pamilya.


Bagama’t walang masamang intensiyon si Ate Vi at kilala naman siya ng mas nakararami kung gaano siya ka-transparent at kung paanong pantay-pantay ang tingin niya sa lahat ng klase ng tao, minasama pa rin ito ng ilang kampo, lalo na ng kanyang mga kalaban, na ginamit ang isyu para maging nega sila.


Kaya nang matanong namin ang gobernadora kung paano siya pinatatag ng fake news sa loob ng isang taong panunungkulan niya uli sa Batangas, kung saan paborito siyang batuhin ng maiintrigang balita, ito ang naging pahayag ni Ate Vi.


“Kasi ‘pag fake news, obvious naman. Ang pinakamabuti d’yan is kung ano ‘yung iniiwan mong totoo sa tao because ang mga tao ang maninindigan na ‘Hindi naman totoo ‘yan.’ ‘Yun lang ‘yun, eh.”


Although aminado rin naman siyang matindi talaga ang epekto ng social media ngayon, hindi lang sa mga tulad niyang public servant kundi maging sa mga artista.


“Pero wala ka nang laban sa social media ngayon, especially if you have the clout. Wala nang takot, eh. Kaya nga sometimes, kesa bigyan mo ng panahon ‘yan, I’d rather focus on my job. Kasi at the end of the day, ito ang maghuhusga sa akin, hindi ang social media.”


At nang matanong nga kung nasasaktan pa rin ba siya sa mga intriga, aniya, sa showbiz ay manageable ito, habang sa pulitika ay mas mahirap, na pinahirap pa raw nang times 10 dahil sa social media.


Tama naman, kahit anong gawing pagtatanggol ni Ate Vi sa sarili niya at sa kanyang pamilya, kung sarado na ang isip ng taong galit sa kanila, hindi na ito mababago.


Kaya naman, napakaganda ng naisip ng local government ng Batangas ng presentasyon ng isang taong achievement ng pamumuno ni Gov. Vilma Santos-Recto.


Idinaan ito sa theatrical presentation at hindi mismo sa bibig ni Gov. Vilma nanggaling ang pagmamalaki sa malalaking pagbabago na nagawa niya sa Batangas. 


At take note, walang maibubutas sa kanya ang mga kalaban dahil suportado ito ng FACTS at hindi basta boka lang. Kumpleto ang mga dokumento, numero, larawan at mga taong nagpapatunay ng mga improvements na nagawa sa Batangas kaugnay ng H.E.A.R.T.S. (Health, Education and Environment, Agriculture, Roads and Infrastructure, Tourism and Technology, Social Services and Security) program para sa “MAS MATATAG NA BATANGAS”.


Nagtatanungan nga kami ng mga katabi namin kung ano kaya’ng nararamdaman ni former Gov. Hermilando Mandanas habang isa-isang ipinepresenta ang mga naging pagbabago sa panunungkulan ni Gov. Vilma, samantalang nandu’n mismo sa harap ng entablado ang ngayon ay vice-governor naman ng Batangas.

Well….




 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 23, 2026



RUN WILD - HEART, ITINAOB SI J.LO SA PARIS HAUTE COUTURE WEEK-IG _iamhearte & _jlo

Photo: IG _iamhearte & _jlo



Nanguna si Heart Evangelista bilang top celebrity voice sa Paris Haute Couture Week Fall/Winter 2026-2027.


Nakamit niya ang pinakamataas na media impact value (MIV) na umabot sa $7.5 million o humigit-kumulang P462.3 million.


Base sa inilabas na datos ng Launchmetrics last Friday, July 17, nasa No. 1 spot si Heart sa listahan ng celebrities na may pinakamalaking impluwensiya at exposure sa nasabing fashion event.


Pumangalawa naman ang Indian actress-model na si Esha Gupta na nakapagtala ng $1.7 million o mahigit P104 million MIV, na malayo ang agwat kay Heart.


Kinabog din ni Heart ang American actress-singer na si Jennifer Lopez na nasa ikatlong puwesto at may $1 million o nasa P61.6 million MIV.


Ayon pa sa ulat, nakalikom ang Paris Haute Couture Week ng kabuuang $239 million o mahigit P14 billion media impact value.


Sa latest achievement na ito ni Heart, ramdam ang kanyang kaligayahan at labis na nagpasalamat ang Pinay fashion icon. Nag-iwan din siya ng tatlong red heart emojis sa comment section.





Ka-tie si Kara…

IVANA, TINAOB SINA JESSICA SOHO, ATTY. PERSIDA ACOSTA, DRA. EDINELL CALVARIO AT VICKY MORALES, WAGING PUBLIC SERVICE HOST



HINDI pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi na nagwagi siya ng dalawang awards sa 1st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Broadcast Awards.


Wagi si Ivana bilang Best Host for Public Service at ka-tie niya ang broadcast journalist na si Kara David.


Nakamit din niya ang tropeo para sa Best Public Service Show dahil sa mga ginagawa niyang pagtulong sa pamamagitan ng kanyang vlogs.


Sa Facebook (FB) post niya, mababasa, “Still can’t believe na nanalo tayo ng 2 FAMAS Awards.





“Thank You, Lord, for always reminding me that Your plans are always greater than mine. Lagi Mo akong sinusurpresa sa tamang panahon.


“Maraming salamat, FAMAS, sa tiwala. At higit sa lahat, maraming salamat sa bawat isa sa inyo na patuloy na nanonood, sumusuporta, at naniniwala sa lahat ng ginagawa ko.”


Dagdag pa ng actress-vlogger, “Nagsimula lang ako sa simpleng pangarap na makapagpasaya at makatulong sa kapwa. Kaya bawat blessing na natatanggap ko, mas lalo akong naniniwala na ‘di ‘to para sa akin lang, kundi para maibahagi rin sa mas maraming tao.


“Hangga’t may kakayahan ako, ‘di ako magsasawang tumulong at ibalik ang pagmamahal na ibinibigay ninyo sa akin.


“Maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo.”


Parehong present sina Kara at Ivana para personal na tanggapin ang kani-kanilang award.


Sa kanyang acceptance speech, ibinahagi ni Ivana ang kanyang award sa kapwa niya mga nominado na sina Kara David, Jessica Soho, PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, Dra. Edinell Calvario at Vicky Morales.


“Maraming-maraming salamat po ulit sa FAMAS for this award. I actually want to share this also with my co-nominees dahil napakaganda talaga ng mga ginagawa rin nila.


“And again, with everything that’s happening in this world, I think it’s very important na nagse-share tayo ng positive content at tumutulong tayo sa ating mga kababayan because ‘di ba, sino pa bang magtutulungan kundi tayu-tayo lang,” pahayag pa ni Ivana, na kahit bina-bash ay patuloy ang natatanggap na blessings at nadaragdagan ang kanyang milyun-milyong followers.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 23, 2026



FRANKLY - COCO AT DINGDONG, MAY NILULUTO, NAG-COLLAB-IG _dongdantes

Photo: IG _dongdantes



Ibinunyag na ni Coco Martin ang collaboration project nila ni Dingdong Dantes kasama ang AKTOR League of Filipino Actors.


Sa panayam ng ABS-CBN sa Kapamilya Primetime King, sinabi niyang binabalak niyang mag-produce ng stage play kasama ang organisasyon.


Kuwento niya, nagsimula raw mabuo ang planong ito nang magkaroon sila ng first meeting with Charo Santos at Dingdong Dantes. Dito ay sinabi raw niya ang kanyang plano.


“Gusto ko pong mag-produce ng isang stage play. Sana sa AKTOR PH, tayo ang nagbibigay ng trabaho. Sabi ko, ako ang magpo-produce, isip tayo ng konsepto,” sey ni Coco.

Sinabi rin ng aktor-direktor-producer na touched siya sa pahayag ni Dingdong nang mag-post ito ng larawan nila sa social media.


“Kami ni Kuya Dong, iisa ang hangarin. Sobra nga akong natuwa sa message n’ya na kahit magkaiba kami ng network, at magkatapat pa ‘yung show namin ngayon, pero ‘yung hangarin namin na makatulong sa industriya, lalung-lalo na kami na nandito ngayon at may kakayahan nang makatulong sa artista, bakit hindi?” saad ni Coco, na bagong miyembro ng AKTOR.


Wala pang sinabing detalye ang aktor tungkol sa stage play na gagawin nila kaya abangan na lang natin ang kanilang mga susunod na announcement.





NAPANOOD na namin ang first two episodes ng Someone, Someday (SS), ang much-awaited teleserye comeback nina James Reid at Kathryn Bernardo sa special screening na ginanap noong Lunes. 


Ang masasabi lang namin, sulit ang lahat ng paghihintay ng mga fans sa pagbabalik sa telebisyon ng kanilang mga idolo.


Sa totoo lang, na-miss namin si James sa ganitong klaseng role matapos ang On the Wings of Love (OTWOL) at Till I Met You (TIMY) nila ni Nadine Lustre noong 2015-2017.


And mind you, he still has that same heartthrob aura at parang hindi siya tumatanda, huh?!


In fairness, first episode pa lang, ramdam na namin ang malakas na chemistry nila ni Kathryn, especially sa dance scene nila.


Sa first episode pa lang ay mahu-hook ka na dahil wedding scene agad ni Kathryn bilang Billy ang tatambad. Hindi na namin sasabihin pa kung ano ang mangyayari sa kasalan.


Kaabang-abang din ang karakter ni Maja bilang Abby na nagpatikim na agad ng kahusayan sa pag-arte. Gustung-gusto namin ang eksena niya sa cliffhanger ng Episode 2 na nakangiti lang, walang dialogue pero kikilabutan ka.


Iikot ang kuwento ng SS sa buhay ni Billy, isang babaeng nagpupursige para sa kanyang pamilya bilang boss ng sarili niyang kumpanya at may matinding malasakit para sa ikabubuti ng mga kababaihan.


Sa kabila ng kanyang pagiging CEO ng dating app na ‘Love List’, mas importante para kay Billy na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pinakamamahal na pamilya, lalung-lalo na ang kapatid niyang si Oliver (Migz Casimiro), na mag-isa niyang pinalaki.


Sa pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay, mas magiging close si Billy sa best friend niyang si Jordan (James), lalo na nang pumasok sa buhay niya si Abby, isang misteryosong babae na tila may kahina-hinalang motibo.


Ang Someone, Someday ay mula sa direksiyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu. 

Kasama rin dito sina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro.


Mapapanood na ang modern, feel-good at progressive series with a heart simula July 27, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook (FB) at YouTube (YT).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page