top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 24, 2026



BULGARY - VICE, LALAYAS DAW SA IT'S SHOWTIME KAPAG ‘DI TINANGGAL SI KIM-IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess

Photo: IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess



How true kaya ang tsikang aalis umano si Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) kapag hindi tinanggal si Kim Chiu dahil hindi na raw niya matiis ang ugali nito?


Ang tungkol diyan ay naka-post sa Threads (@) at viral ngayon sa ibang social media platforms.


Komento naman ng mga netizens…


“Stop, Showtime. Kabastusan lang ang natututunan ng mga bata at tao sa inyo. Dapat kayo ang gabay ng bayan, puro kabastusan lang ang ginawa n’yo.”

“Fake news. Love na love ni Vice si Kim.”


“Vice, ikaw ang nagsu-support sa kanya. Natabunan ka na ba?”


“Bakit aalis si Vice dahil kay Kim Chiu, eh, sa tingin ko, napakabait ni Kim. Baka ikaw lang ang ‘di magandang pag-uugali. ‘Di porke sikat ka na, umabuso ka na rin sa mga ginagawa mong ‘di maganda. Tagahanga ako ng Showtime, halos araw-araw pinapanood ko kayo.”


Well, nagsimula ang issue kina Vice at Kim sa hindi raw pagbanggit ni Meme sa pangalan ng aktres-co-host sa mga pinasalamatan niya nang manalo ang komedyante sa 1st FAMAS Broadcast Awards.


May mga fans ni Kim ang nang-bash kay Vice dahil du'n kaya tinawag na “cheap" at “toxic” ng komedyante ang mga fans ng aktres.


Ipinagtanggol naman ni Kim ang mga fans niya at nagpasalamat sa support ng mga ito sa kanya.


Well, hintayin na lang natin kung ano talaga ang totoo.





Nagbalik-tanaw ang American country music singer-songwriter na si Bryan White nang bumisita siya sa Pilipinas noong 2015. 


That time ay kasagsagan ng AlDub love team (Alden Richards-Maine Mendoza) fandom. Naging guest ang foreign singer sa Eat… Bulaga! (EB!).


Sa kanyang Instagram (IG) post ay pinasalamatan niya sina Alden Richards at Maine Mendoza na kilalang-kilala noon bilang AlDub.


Kalakip ang larawan nilang tatlo nina Maine at Alden ay sinulatan niya ito ng caption, “This is a great memory that just popped up in my feed. This was my second trip to the Philippines. I got hang with Alden Richards and Maine Mendoza on the set of #eatbulaga. I owe them a lot. They were huge fans of my song #GodGaveMeYou and made it their theme song. The rest is history. #onthisday #aldubnation #aldubforever.”


Dahil dito ay muling nabuhay ang AlDub Nation at ang komento nila ay ang hindi matigil na may anak na umano ang AlDub.

Sey ng mga fans…


“Isa ‘yan sa mga ninong ng anak nina Maine at Alden! Mabuhay ang AlDub. Hahaha!"

“Malaki na siguro mga anak nila. Sana, makilala din natin, tutal ang tagal na nilang inilihim ‘yan.”


“Ang daya naman ng AlDub, ‘di i-share ang mga anak nila. Matagal nila (fans) ‘yang inilaban, eh, lumipas na ang panahon, malalaki na ang mga anak, bakit ‘di pa aminin sa lahat?”

Sabi naman ng iba, “To be fair, maganda rin for both Maine and Alden na nangyari ang AlDub para makatulong sa career nila. But then alam natin ‘di forever ‘yan kasi ‘di naman sila in real life.”


“Napakagandang komento. Ang ganda na in-acknowledge n’ya ‘yung contribution nila. More success sa kanya!”


“Oo, napaka-down-to-earth na tao!”


God Gave Me You is such a beautiful love song. Sobrang ganda ng story ng AlDub. Thank you, Mr. Bryan White, for the song.”

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 24, 2026



BIDA - BIMBY, NAGALIT NANG MAGPAKITA NG PUWET ANG NURSE-FB Jack Salvador

Photo: Circulated / FB Jack Salvador



Sa bahay nag-taping… KRIS, BALIK-TAPING NA



Excited na ang mga nakakita sa Instagram (IG) Story post ng make-up artist ni Kris Aquino na si RB Chanco na parang nagte-taping si Kris. 


Nakadagdag sa excitement ang overlay text ni RB sa post niya na, “The Real Queen we’ve all been waiting for. Coming soon!”


Sa una, inakala naming TVC shoot ang ginawa ni Kris, pero nang i-check pa namin ang post, parang nagte-taping nga siya. 


Sa loob ng bahay ang setup at hindi sa studio. Inisip din namin na baka sinimulan na ni Kris ang kanyang vlog na una niyang nabanggit na March niya sisimulan, na hindi naman nangyari.


Anyway, sabi ni RB, “Coming soon!” kung anumang project ang ginagawa ni Kris. Posible ring TVC na sa loob ng bahay at sa sala ang setting. 


Kahit anumang project ang ginagawa niya, siguradong hihintayin at aabangan ng kanyang mga fans na matagal na siyang nami-miss.





Kung may balita kay Kris Aquino, may balita rin sa bunso niyang si Bimby Aquino. 

Naaliw ang mga fans nito nang makita ang pagiging conservative ni Bimby sa naging reaksiyon nito nang mag-flex sa harap ng camera ang nurse ni Kris habang nagla-live stream si Bimby sa TikTok (TT).


Habang nagla-live stream si Bimby, nagsalita ang nurse kaya tinawag niya ito para mag-“Hi!” 


Bumati naman sa mga viewers ng live stream ni Bimby ang nurse, pero hindi roon nagtapos ang pag-awra nito.


Bumalik ito, humarap sa camera at habang nasa likod siya ni Bimby, naglakad na parang nagpa-fashion show. 


Sa huling pose, ipinakita nito ang likod at ang puwet. Dito na nag-react si Bimby at makikitang nag-iba ang kanyang mukha.


Sabi ni Bimby, “Ay, ba’t ganyan? Magagalit boyfriend mo ‘pag ganyan. She’s making pakita ng puwet! ‘Wag na! Don’t show that!” 


Makikitang lumapit ang nurse kay Bimby at nag-sorry.

Comment ng mga fans, “Conservative Bimby. Protected na sa nurse n’ya, what if pa kaya sa future girlfriend?”


Nagkasunud-sunod na ang comments na conservative nga ang bunso ni Kris. Ilan pa sa mga comments ay… “Maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Kris,” “Ang pogi na bata, mabait at marespeto pa,” “Tama ang ginawa ni Bimby kasi pinalaki s’ya na may discipline. Iniwas lang n’ya ang nurse sa mga tao at maaaring ma-bash sa ginawa n’ya,” “Ayaw ni Bimb ng ganyan,” at “Cute lalo ‘pag nagagalit.”





MASAYA ang WillCa fans nina Will Ashley at Mika Salamanca dahil tinupad ng GMA ang request nilang pagsamahin ang dalawa sa isang show. 


Noong isang araw, nag-photo shoot ang dalawa para sa publicity photos ng pagtatambalan nilang tawa-serye na Delivery Boi (DB).


Nagpahayag ng tuwa si Will na makatrabaho si Mika. Magaling daw ito at komportable siyang kasama. Bagay din daw kay Mika ang role ni Sheryl at alam na kaya ang concept ng show dahil maraming personality ang girlfriend (?).


Pinuri rin ni Mika si Will. Mahusay daw ang aktor kahit ano’ng role ang gampanan at very professional pa. Hindi raw nito sinayang ang 10 years nito sa showbiz at magaan katrabaho.


Naninibago ang aktor sa role niya sa tawa-serye bilang si Boi dahil comedy ito at talagang maraming tawa. Nasanay daw siya sa mga role na drama at umiiyak, pero kakayanin niyang magpatawa at magpakilig sa DB.


Nali-link sina Will at Mika kahit noong nasa Bahay ni Kuya pa sila at nang magtapos ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE), mas lumakas ang pagli-link sa kanila lalo na at madalas silang magkasama at nagta-travel sa ibang bansa.


Marami ring fans ang WillCa at ‘yung duet nga nila ay million ang mga viewers. Hopefully, maging maganda ang resulta ng first series nila na sila ang mga bida para masundan pa at lalong sumaya ang kanilang mga fans.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 23, 2026



WINNER - GOV. VILMA MGA KONTRIBUSYON KO SA SHOWBIZ SA 63 YRS., SAPAT NA!-FB Vilma Santos-Recto

Photo: FB Vilma Santos-Recto



Wala pa ring kupas ang karisma at ningning ng nag-iisang Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto.


Witness kami at ilang miyembro ng entertainment media kung paano siya dinumog ng mga Batangueño sa kanyang first State of the Province Address (SOPA) last Monday.


Naka-one year na kasi si Ate Vi sa kanyang pagbabalik bilang gobernador ng Batangas. At nakaka-impress na ang dami na niya agad nagawa para sa kanyang mga kababayang Batangueño sa loob lamang ng isang taon.


Isa sa mga pangunahing tampok sa ulat ni Governor Vi ay ang patuloy na pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan.


Inamin ni Governor Vi na unang hiniling ng mga kababayan niya ang maayos na ospital, napabayaan daw kasi ito kaya iyon agad ang tinutukan niya.


Pangalawa ang edukasyon na mas pinalawak ng Kapitolyo ang suporta. Imagine, more than P400 million ang inilaan para sa edukasyon ng mahigit 76,000 Batangueño scholars na dati ay 42,678.


Mas pinalawak din daw ang suporta ni Gov. Vi sa agriculture, tourism, environment, at social services.


No wonder kung bakit hindi na muna itinuloy ni Governor Vi ang paggawa muli ng pelikula pagkatapos ng Uninvited. May napusuan pa naman siyang proyekto mula sa script ng National Artist na si Ricky Lee.


“Supposedly, gagawin ko na sana, ‘no? Uh, because of more important circumstances, I had to choose, eh,” pahayag ni Governor Vi nang hinarap niya ang media pagkatapos ng kanyang SOPA na ginanap sa Batangas Province Events Center.


Dahil first year pa lang daw niya, kulang ang panahon niya para asikasuhin ang kanyang

mga proyekto. Kaya hindi raw niya maiwan ang Batangas.


“Although ang puso ko, eh, nasa showbiz. Nanghihinayang ako. Pero ‘di ko makakalimutan

ang showbiz. I don’t know when, pero given a chance gusto kong gumawa. Ang ganda pa naman ng script. Believe me. Ang ganda-ganda,” bulalas pa ni Governor Vi.


And speaking of National Artist, tinanong namin si Governor Vi tungkol sa reaksiyon niya sa tila nade-delay na announcement ng kinauukulan para sa mga napili bilang National Artist this year.


“Wala akong alam d’yan,” sey ni Governor Vi.


Paliwanag niya, “Showbiz is my life. I started from there. Kung saan man ako naroroon, utang na loob ko ‘to sa showbiz.”


Sa 63 taon daw niya sa industriya, sobrang sapat na marahil ang naging legacy niya at mga naging contribution.


Pahayag ni Gov. Vi, “Siguro naman ay nasuklian nang tama ng industriya ang mga nagawa ko, by making me the person that I am today. And for that, I will be forever grateful, thankful.

“At ‘yung klase rin ng respeto at pagmamahal na ibinibigay ng mga co-workers ko sa industry, mga kapwa-artista, nagtitiwalang producers, writers, mga fans, lahat sila, more than enough na award para sa akin.”


There’s so much in life, ayon pa kay Gov. Vi.


“Life is beautiful. And with the responsibilities that I have, helping other people, which is very fulfilling, and then at the same time, thank you, Lord, for my family. Thank you, Lord, for our health.


“Although it is a prestige for your career. Malaking bagay din. Pero ‘di para kontrolin ang buhay ko. ‘Pag ‘di ko nakuha, ‘di naman. There’s so much in life,” diin pa ni Governor Vi.

True!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page