ni Beth Gelena @Bulgary | July 24, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess
How true kaya ang tsikang aalis umano si Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) kapag hindi tinanggal si Kim Chiu dahil hindi na raw niya matiis ang ugali nito?
Ang tungkol diyan ay naka-post sa Threads (@) at viral ngayon sa ibang social media platforms.
Komento naman ng mga netizens…
“Stop, Showtime. Kabastusan lang ang natututunan ng mga bata at tao sa inyo. Dapat kayo ang gabay ng bayan, puro kabastusan lang ang ginawa n’yo.”
“Fake news. Love na love ni Vice si Kim.”
“Vice, ikaw ang nagsu-support sa kanya. Natabunan ka na ba?”
“Bakit aalis si Vice dahil kay Kim Chiu, eh, sa tingin ko, napakabait ni Kim. Baka ikaw lang ang ‘di magandang pag-uugali. ‘Di porke sikat ka na, umabuso ka na rin sa mga ginagawa mong ‘di maganda. Tagahanga ako ng Showtime, halos araw-araw pinapanood ko kayo.”
Well, nagsimula ang issue kina Vice at Kim sa hindi raw pagbanggit ni Meme sa pangalan ng aktres-co-host sa mga pinasalamatan niya nang manalo ang komedyante sa 1st FAMAS Broadcast Awards.
May mga fans ni Kim ang nang-bash kay Vice dahil du'n kaya tinawag na “cheap" at “toxic” ng komedyante ang mga fans ng aktres.
Ipinagtanggol naman ni Kim ang mga fans niya at nagpasalamat sa support ng mga ito sa kanya.
Well, hintayin na lang natin kung ano talaga ang totoo.
Nagbalik-tanaw ang American country music singer-songwriter na si Bryan White nang bumisita siya sa Pilipinas noong 2015.
That time ay kasagsagan ng AlDub love team (Alden Richards-Maine Mendoza) fandom. Naging guest ang foreign singer sa Eat… Bulaga! (EB!).
Sa kanyang Instagram (IG) post ay pinasalamatan niya sina Alden Richards at Maine Mendoza na kilalang-kilala noon bilang AlDub.
Kalakip ang larawan nilang tatlo nina Maine at Alden ay sinulatan niya ito ng caption, “This is a great memory that just popped up in my feed. This was my second trip to the Philippines. I got hang with Alden Richards and Maine Mendoza on the set of #eatbulaga. I owe them a lot. They were huge fans of my song #GodGaveMeYou and made it their theme song. The rest is history. #onthisday #aldubnation #aldubforever.”
Dahil dito ay muling nabuhay ang AlDub Nation at ang komento nila ay ang hindi matigil na may anak na umano ang AlDub.
Sey ng mga fans…
“Isa ‘yan sa mga ninong ng anak nina Maine at Alden! Mabuhay ang AlDub. Hahaha!"
“Malaki na siguro mga anak nila. Sana, makilala din natin, tutal ang tagal na nilang inilihim ‘yan.”
“Ang daya naman ng AlDub, ‘di i-share ang mga anak nila. Matagal nila (fans) ‘yang inilaban, eh, lumipas na ang panahon, malalaki na ang mga anak, bakit ‘di pa aminin sa lahat?”
Sabi naman ng iba, “To be fair, maganda rin for both Maine and Alden na nangyari ang AlDub para makatulong sa career nila. But then alam natin ‘di forever ‘yan kasi ‘di naman sila in real life.”
“Napakagandang komento. Ang ganda na in-acknowledge n’ya ‘yung contribution nila. More success sa kanya!”
“Oo, napaka-down-to-earth na tao!”
“God Gave Me You is such a beautiful love song. Sobrang ganda ng story ng AlDub. Thank you, Mr. Bryan White, for the song.”

