top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 24, 2026



BULGARY - VICE, LALAYAS DAW SA IT'S SHOWTIME KAPAG ‘DI TINANGGAL SI KIM-IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess

Photo: IG _praybeytbenjamin & _chinitaprincess



How true kaya ang tsikang aalis umano si Vice Ganda sa It’s Showtime (IS) kapag hindi tinanggal si Kim Chiu dahil hindi na raw niya matiis ang ugali nito?


Ang tungkol diyan ay naka-post sa Threads (@) at viral ngayon sa ibang social media platforms.


Komento naman ng mga netizens…


“Stop, Showtime. Kabastusan lang ang natututunan ng mga bata at tao sa inyo. Dapat kayo ang gabay ng bayan, puro kabastusan lang ang ginawa n’yo.”

“Fake news. Love na love ni Vice si Kim.”


“Vice, ikaw ang nagsu-support sa kanya. Natabunan ka na ba?”


“Bakit aalis si Vice dahil kay Kim Chiu, eh, sa tingin ko, napakabait ni Kim. Baka ikaw lang ang ‘di magandang pag-uugali. ‘Di porke sikat ka na, umabuso ka na rin sa mga ginagawa mong ‘di maganda. Tagahanga ako ng Showtime, halos araw-araw pinapanood ko kayo.”


Well, nagsimula ang issue kina Vice at Kim sa hindi raw pagbanggit ni Meme sa pangalan ng aktres-co-host sa mga pinasalamatan niya nang manalo ang komedyante sa 1st FAMAS Broadcast Awards.


May mga fans ni Kim ang nang-bash kay Vice dahil du'n kaya tinawag na “cheap" at “toxic” ng komedyante ang mga fans ng aktres.


Ipinagtanggol naman ni Kim ang mga fans niya at nagpasalamat sa support ng mga ito sa kanya.


Well, hintayin na lang natin kung ano talaga ang totoo.





Nagbalik-tanaw ang American country music singer-songwriter na si Bryan White nang bumisita siya sa Pilipinas noong 2015. 


That time ay kasagsagan ng AlDub love team (Alden Richards-Maine Mendoza) fandom. Naging guest ang foreign singer sa Eat… Bulaga! (EB!).


Sa kanyang Instagram (IG) post ay pinasalamatan niya sina Alden Richards at Maine Mendoza na kilalang-kilala noon bilang AlDub.


Kalakip ang larawan nilang tatlo nina Maine at Alden ay sinulatan niya ito ng caption, “This is a great memory that just popped up in my feed. This was my second trip to the Philippines. I got hang with Alden Richards and Maine Mendoza on the set of #eatbulaga. I owe them a lot. They were huge fans of my song #GodGaveMeYou and made it their theme song. The rest is history. #onthisday #aldubnation #aldubforever.”


Dahil dito ay muling nabuhay ang AlDub Nation at ang komento nila ay ang hindi matigil na may anak na umano ang AlDub.

Sey ng mga fans…


“Isa ‘yan sa mga ninong ng anak nina Maine at Alden! Mabuhay ang AlDub. Hahaha!"

“Malaki na siguro mga anak nila. Sana, makilala din natin, tutal ang tagal na nilang inilihim ‘yan.”


“Ang daya naman ng AlDub, ‘di i-share ang mga anak nila. Matagal nila (fans) ‘yang inilaban, eh, lumipas na ang panahon, malalaki na ang mga anak, bakit ‘di pa aminin sa lahat?”

Sabi naman ng iba, “To be fair, maganda rin for both Maine and Alden na nangyari ang AlDub para makatulong sa career nila. But then alam natin ‘di forever ‘yan kasi ‘di naman sila in real life.”


“Napakagandang komento. Ang ganda na in-acknowledge n’ya ‘yung contribution nila. More success sa kanya!”


“Oo, napaka-down-to-earth na tao!”


God Gave Me You is such a beautiful love song. Sobrang ganda ng story ng AlDub. Thank you, Mr. Bryan White, for the song.”

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 8, 2023




Pinabulaanan ng taga-TAPE, Inc. ang kumakalat na kuwentong hanggang Hulyo 29, 2023 na lang ang "Eat Bulaga."


Katunayan, naghahanda na sila ng kanilang malaking selebrasyon para ipagdiwang ang ika-44 na anibersaryo ng longest-running noontime show.


Buong buwan ng Hulyo ang anniversary month, at sa Hulyo 29 ang "Big Day" ng selebrasyon.


Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque, "There is no reason for that... We don't contest that on July 1, mababa ang rating ng 'Eat Bulaga,' because of the anticipation of people on the launch of new shows, but thereafter, makikitang tumataas na ulit ang ratings nito."


Mahirap ang pinagdaanan ng bagong hosts ng 'Eat Bulaga' dahil, bukod sa naba-bash, ginagawan pa sila ng fake news kagaya nito.


Gustong linawin ng taga-TAPE na masaya sila sa performance ng mga host, pati sa ratings at pasok ng commercial loads.


Ngayong Sabado, pinapirma na nila ng long-term contract ang main hosts na sina Paolo Contis at Yorme Isko Moreno.


Ani Paolo Contis: "I'm very thankful sa tiwala ng TAPE sa akin at kay Yorme... Pare-pareho kami ng commitment to bring tulong at saya sa viewers for a long time kaya sobrang importante itong araw na ito for me. Katulad ng lagi naming sinasabi, 'Eat Bulaga' will stay hangga't nandyan ang audience. Sila ang 'Eat Bulaga,' hindi kaming hosts."


Ayon naman kay Yorme Isko Moreno: "Thank you very much sa Creative and Production ng 'G sa Gedli.' Yun din naman ang layunin namin ni Paolo at ng bagong 'Eat Bulaga' -- ang makapagdulot ng tulong at saya. This time, talagang ang viewers natin ang bida."


Ani Atty. Maggie Garduque: "Regarding the issue that 'Eat Bulaga' will end on July 29, 2023, this is not true. Kung meron pong magtatapos sa July 29, ito ay ang 43rd year ng 'Eat Bulaga,' kasi po 44th Anniversary ng EB ang July 29, 2023...


"Sa araw na 'yun, maraming inihandang sorpresa ang EB! sa mga manonood na dapat talagang abangan...


"Until 2024 ang contract ng TAPE, Inc. with GMA-7, so 'Eat Bulaga' is committed to give fun, entertainment and help to all our Kapuso, 45th Year and Beyond.


"With the directive of our President and CEO Romy Jalosjos, we are starting to professionalize everything also like doing contract-signing with employees and talents as this does not only benefit the company but more so the talents and employees who will be secured of the terms and conditions of their engagements.


"Masaya naman si EB President and CEO Romy Jalosjos sa EB! hosts at sa development sa show...


"Masaya ang show and the rating would speak for itself... This is a testament that people like the show. Thus, apt for the execution of long-term contract with the hosts, simula kina Yorme at Paolo, at sa susunod na linggo, ang iba pang hosts," dagdag pa ni Atty. Garduque.


Nasa contract-signing sina TAPE, Inc. President at CEO John Jalosjos, Chief Finance Officer Mayor Bullet Jalosjos, at Sparkle VP Joy Marcelo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page