top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 27, 2026



FRANKLY - DANICA AT OYO, TANGGAP NA WALANG MANA KINA DINA AT VIC-IG _dinabonnevie

Photo: IG _dinabonnevie



Ibinunyag na ni Coco Martin ang collaboration project nila ni Dingdong Dantes kasama ang AKTOR League of Filipino Actors.


Sa panayam ng ABS-CBN sa Kapamilya Primetime King, sinabi niyang binabalak niyang mag-produce ng stage play kasama ang organisasyon.


Kuwento niya, nagsimula raw mabuo ang planong ito nang magkaroon sila ng first meeting with Charo Santos at Dingdong Dantes. Dito ay sinabi raw niya ang kanyang plano.


“Gusto ko pong mag-produce ng isang stage play. Sana sa AKTOR PH, tayo ang nagbibigay ng trabaho. Sabi ko, ako ang magpo-produce, isip tayo ng konsepto,” sey ni Coco.

Sinabi rin ng aktor-direktor-producer na touched siya sa pahayag ni Dingdong nang mag-post ito ng larawan nila sa social media.


“Kami ni Kuya Dong, iisa ang hangarin. Sobra nga akong natuwa sa message n’ya na kahit magkaiba kami ng network, at magkatapat pa ‘yung show namin ngayon, pero ‘yung hangarin namin na makatulong sa industriya, lalung-lalo na kami na nandito ngayon at may kakayahan nang makatulong sa artista, bakit hindi?” saad ni Coco, na bagong miyembro ng AKTOR.


Wala pang sinabing detalye ang aktor tungkol sa stage play na gagawin nila kaya abangan na lang natin ang kanilang mga susunod na announcement.





NAPANOOD na namin ang first two episodes ng Someone, Someday (SS), ang much-awaited teleserye comeback nina James Reid at Kathryn Bernardo sa special screening na ginanap noong Lunes. 


Ang masasabi lang namin, sulit ang lahat ng paghihintay ng mga fans sa pagbabalik sa telebisyon ng kanilang mga idolo.


Sa totoo lang, na-miss namin si James sa ganitong klaseng role matapos ang On the Wings of Love (OTWOL) at Till I Met You (TIMY) nila ni Nadine Lustre noong 2015-2017.


And mind you, he still has that same heartthrob aura at parang hindi siya tumatanda, huh?!


In fairness, first episode pa lang, ramdam na namin ang malakas na chemistry nila ni Kathryn, especially sa dance scene nila.


Sa first episode pa lang ay mahu-hook ka na dahil wedding scene agad ni Kathryn bilang Billy ang tatambad. Hindi na namin sasabihin pa kung ano ang mangyayari sa kasalan.


Kaabang-abang din ang karakter ni Maja bilang Abby na nagpatikim na agad ng kahusayan sa pag-arte. Gustung-gusto namin ang eksena niya sa cliffhanger ng Episode 2 na nakangiti lang, walang dialogue pero kikilabutan ka.


Iikot ang kuwento ng SS sa buhay ni Billy, isang babaeng nagpupursige para sa kanyang pamilya bilang boss ng sarili niyang kumpanya at may matinding malasakit para sa ikabubuti ng mga kababaihan.


Sa kabila ng kanyang pagiging CEO ng dating app na ‘Love List’, mas importante para kay Billy na mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pinakamamahal na pamilya, lalung-lalo na ang kapatid niyang si Oliver (Migz Casimiro), na mag-isa niyang pinalaki.


Sa pagharap niya sa mga pagsubok sa buhay, mas magiging close si Billy sa best friend niyang si Jordan (James), lalo na nang pumasok sa buhay niya si Abby, isang misteryosong babae na tila may kahina-hinalang motibo.


Ang Someone, Someday ay mula sa direksiyon nina Chad V. Vidanes at Dolly Dulu. 

Kasama rin dito sina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy De Leon, Daniela Stranner, at Migz Casimiro.


Mapapanood na ang modern, feel-good at progressive series with a heart simula July 27, 8:45 PM sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook (FB) at YouTube (YT).


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 27, 2026



BULGARY - MATTEO 38TH B-DAY NI SARAH, BEST YEAR EVER-IG _matteog

Photo: IG _matteog



Birthday ni Sarah Geronimo noong July 25 at masayang binati ni Matteo Guidicelli ang kanyang misis.


Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Happy birthday, my love! This will be the best year ever,” kalakip ang red heart emoji.


Dahil dito, marami ang nag-speculate na buntis na si Sarah. Kapansin-pansin ang ilang komento ng mga netizens.

“Ohhh, buntis na?”


“Happy birthday, SGG (Sarah Geronimo-Guidicelli), literally +1 na ba? Saw a clip on X (dating Twitter).”


“Manifesting... to be manifested.”


“Happy birthday, our queen, and congratulations in advance!”

“Happy birthday @justsarahgph. ‘Best year’ as in your birth of a child? Hopefully.”

“Yes! Mini Sarah soon!”

“Sana, may maternity shoot soon.”

"Beautiful mommy Sarah."





Kasama ang pamangkin…

BEA, NAGIMPAKE NA NG MGA GAMIT



Nag-uumpisa nang maglipat si Bea Alonzo sa kanyang bagong tahanan.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Ilang kahon ang makikitang nakaempake habang naghahanda siya sa paglipat.

Ipinakilala niya ang kanyang batang pamangkin bilang kanyang ‘little helper’.

Ang kanyang mga update ay nagbigay sa mga fans ng isang nakaaantig na sulyap sa isang abala ngunit hindi malilimutang araw.


Hindi isiniwalat ni Bea kung saan siya lilipat o kung ano ang nag-udyok sa paglipat. 

Sa halip na mag-post ng mahabang paliwanag, pinaikli ni Bea ang kanyang mga update at hinayaan ang mga larawan na magsalaysay ng kuwento.


Pinili rin ng aktres na huwag nang magbahagi ng karagdagang detalye tungkol sa paglipat, kung ito ay pansamantala o permanente.


Haka-haka ng mga netizens, baka raw tuluyan na siyang lumipat sa condo ni Vincent Co, ang kanyang mister, o may bago na silang property na titirhan.





BINATIKOS ng international singer na si Katy Perry ang White House matapos gamitin ang kanyang hit na Firework bilang background music sa isang TikTok (TT) video na may kaugnayan sa U.S. military strikes sa Iran.


Ayon kay Perry, ‘deeply appalled’ siya o labis na nabigla, nadismaya, o nandidiri sa isang bagay dahil itinuturing itong mali. Sinabi rin niyang tila ‘weaponized’ ang kanyang awitin. Ibig sabihin, ginamit ito sa paraang sumusuporta o nagbibigay-diin sa isang mensahe tungkol sa karahasan at aksiyong militar, na taliwas sa layunin ng kanta.


Ang Firework ay kilala bilang awiting tungkol sa pag-asa, pagpapalakas ng loob, at pagdiriwang ng sariling halaga.


Dahil dito, iginiit ni Perry na hindi niya sinasang-ayunan ang paggamit nito sa konteksto ng digmaan o karahasan.

Sey ng mga netizens:

“She can sue?”


“‘Di mo kasi kapartido at ‘di bayad ang pag-play.”

“Artists should have control of how their material is used for political propaganda.”

“She sold her songs to the highest bidder in 2023. She has no say now.”

“I wonder if she was even told about the embassy hostages Iran took when they invaded America in 1979.”


“Let’s see... The rights to Katy Perry’s song Firework are owned by Litmus Music, along with the original co-writers and publishers who share the underlying composition. Katy Perry sold her stake in her master recordings and music publishing catalog to Litmus Music in

September 2023 for $225 million.' You didn't care enough to keep it in your domain? So STFU and cry into your $225 million.”

“Nakakadiri!”


“Katy, baka gusto mong kausapin ang music label mo, ‘di ang White House. ‘Di sa ‘yo ang musika mo, pagmamay-ari ito ng music label mo.”


“Itinampok din ang kanyang kanta sa The Interview, ang pelikula tungkol sa pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un. Isa itong kathang-isip na pelikula, s’yempre, ngunit alam mo kung paano madalas na pinipili ang musika upang tumugma sa tema at tono ng isang bagay.”


“Don’t put the song on TikTok if you don't want it used.”


Ganern?

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 27, 2026



BIDA - SARAH, MUKHANG 3 MONTHS PREGGY SA LAKI NG TIYAN-IG _justsarahg

Photo: IG _justsarahg



Pinagtatalunan kung buntis ba si Sarah Geronimo o hindi. Dahil ito sa napansin ng mga fans sa latest photos nito na kasama ang asawang si Matteo Guidicelli na parang may baby bump siya. Pati nga raw puwit ni Sarah ay lumaki at pinansin din ang mabagal nitong paglalakad.


Kaya mababasa ang mga comments na, “HBD, SG (Happy birthday, Sarah Geronimo). Wow! Buntis ba s’ya? So happy for her,” “Mukha s’yang 3 months preggy here, pati ‘yung lakad, jusko! Kaka-pressure naman. Mommy Sarah G? Ang dream n’ya, dapat 32, eh, 38 na s’ya. ‘Kaloka! Pray na sana okay lang s’ya,” “Baka nga buntis s’ya. ‘Di s’ya tumuloy nu’ng Aurora Festival last May. Baka ‘yan ‘yung reason, buntis s’ya,” “OMG, teka lang! So happy for you, Sarah,” at ang nakakatuwang “Hala, nagka-chest na rin si ateh.” 


Ang ibig tukuyin ng mga fans, pati boobs ni Sarah ay lumaki na.

Kaya lang, may kumontra sa inakalang preggy ang misis ni Matteo at nag-comment ng “Maka-assume naman mga tao. Labo ng photo. But if she is, happy for her.” 


May nag-comment pa ng “‘Di ba puwedeng naparami lang ng food? Buntis agad,” at “Sorry to burst your bubble but she’s not preggy. Busy s’ya with her new album and concert soon.”

May pelikula pang gagawin si Sarah sa Viva Films at mukhang tuloy na ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz. Paalala pa ng ibang Sarah G. fans, hintayin ang announcement kung buntis nga siya para hindi mapahiya.





TINANGGAP ni Kim Atienza ang pagso-sorry ni Fr. Jowell Jomarsus P. Gatus na nag-comment ng “Ang daming taong may sakit sa ospital, lumalaban sa hamon ng buhay. Ikaw na pagkalusug-lusog, nade-depress.”


Sagot ni Kuya Kim na ipinost sa Facebook (FB), “Depression is a sickness, a medical condition. Ang taong may mental illness ay lumalaban sa hamon ng buhay at ayaw magpaospital dahil sa ganitong stigma, sa ganitong pag-iisip, Father.”


Mixed ang reaction ng mga nakabasa sa post ni Kuya Kim. May kumampi sa kanya at may kumampi rin kay Fr. Jomarsus. Maganda ang naging palitan ng point of view ng dalawang kampo at maraming matututunan ang mga nakabasa.


Later on, sinagot ni Fr. Jomarsus si Kuya Kim. Mahaba ang sagot niya, kaya inilagay na lang namin ang ilang parte ng kanyang post. Sa una pa lang, nag-sorry na ito.


Aniya, “I have been reflecting on the words I said in one of my homilies, and after learning that they caused you pain, I felt the need to write to you personally.

“From the bottom of my heart, I am truly sorry.


“It was never my intention to hurt you or your family, nor was it my intention to discredit the experiences of those who suffer from depression. I realize now that my words may have sounded as if I was diminishing a pain that is very real. For that, I sincerely ask for your forgiveness.”


Sagot ni Kuya Kim, “I am sorry as well that some took it personally because they themselves are depressed or have lost loved ones because of depression.

“I know you mean well. Take care, Father. All the best.”


Mabilis na naayos ang isyu at may dahilan ang reaksiyon ni Kuya Kim dahil ang bunso nila na si Emman Atienza ay nawala dahil sa depression.





MAY Instagram (IG) Story si Bea Alonzo na nasa harap siya ng balikbayan boxes at may caption na ‘Moving Day’. Sa tabi niya, makikita ang shelf na walang laman, pero hindi malinaw kung parte ba ng bahay niya iyon o opisina.


Ang malinaw ay naglilipat o nakalipat na ang aktres at gustong isipin ng mga fans nito na sa sariling bahay na nila ng asawang si Vincent Co. Request ng mga fans, mag-update si Bea kung nakalipat na siya at kung sa bahay man nila ni Vincent, sana raw ay magpasilip man lang siya ng ilang bahagi.


Busy si Bea, tinatapos ang taping ng drama-political series ng GMA na Whispers from Heaven (WFH) at busy din sa collab project nila ni Anne Curtis. Isa pang nagpapa-busy sa aktres ang bago niyang role bilang Mrs. Vincent Co. Curious ang fans nito kung paano siya bilang misis ni Vincent.


Anyway, may mga naghihintay din kung kailan magkikita-kita sina Bea at mga kaibigan para sa isang after-wedding party. Wala silang reception ni Vincent nang sila’y ikasal kaya hindi siya personal na na-congratulate ng mga kaibigan. Masaya raw sigurong magsama-sama sila nina Anne, Heart Evangelista, Dimples Romana at iba pang close sa kanya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page