top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 28, 2026



TALKIES - SUGAR, AYAW NA SA YATE, UGALI NA RAW ANG GUSTO SA DYOWA-IG _masugarmercado7

Photo: IG _masugarmercado7



Nagpakatotoo ang aktres na si Sugar Mercado nang mag-guest siya sa isang episode ng The People Have Spoken (TPHS), kung saan napunta ang usapan sa pagpili ng magiging karelasyon.


Kasama ni Sugar sa naturang episode ang content creator na kilala bilang ‘Pambansang Yobab’ na si Euleen Castro.


Tinanong ng host ng show na si Heart Evangelista si Sugar, “Para patunayang wala kang itinatago, payag ka bang ipaalam sa dyowa mo ang password mo sa social media?”


Agad namang sumagot si Sugar, “Yes po.”


Sa tanong ni Heart kung bakit, paliwanag ni Sugar, “Handa ako kasi wala naman akong dapat ilihim. Yes, maraming nagsasabi na privacy ‘yun. Pero kung wala ka naman talagang itinatago, bakit mo ililihim? ‘Pag nagkaroon kayo ng relasyon, iisa na kayo. So, dapat, wala kayong itinatago sa isa’t isa. Kasi ako, kahit alam ko ang password, ‘di ko naman ‘yun sisilipin lagi. Pero kampante ka lang na alam mong wala s’yang itinatago, carry na ‘yun.”


Sunod na tanong ni Heart, “May dyowa ka ba, Sugar, ngayon?”

Maikling sagot ni Sugar, “Wala.”


Pabirong hirit ni Heart, “‘Yun, kaya easy for you to say.”

Sinagot naman ito ni Sugar nang may halakhak, “Dahil nga ru’n, may nakita. Hahaha!”


Sa panayam, napag-usapan din kung ano ang mas mahalaga sa pagpili ng magiging dyowa — yaman ba o magandang ugali.


Tinanong ni Heart sina Sugar at Euleen, “Prangkahan na. Sa panahon ngayon, ano ang numero unong basehan n’yo sa pagpili ng dyowa?”


Agad namang sagot ni Sugar, “Ugali. Galing na ako sa mayaman. ‘Di naman nag-grow, charot!”


Samantala, ‘yaman’ naman ang naging tugon ni Euleen.

Pabirong idinagdag pa niya, “Okay lang umiyak sa yate kaysa sa bus!”


Sagot naman ni Sugar, “Ayaw ko na ru’n (sa yate)!” kaya nagtawanan ang audience.

Natawang bawi naman ni Sugar, “Joke lang, joke lang.”


Sinundan ito ni Heart ng pabirong komento, “Huy! Walang joke dito!” na lalo pang nagpasaya sa audience.


Well, at least minsan sa isang panahon, naging masaya rin si Sugar kasama ang may-ari ng yate. ‘Di ba naman, Willie Revillame?





Umamin ang sexy actress na si Maui Taylor tungkol sa isa sa mga pinakamasakit na karanasan niya sa industriya ng showbiz nang mag-guest siya kamakailan sa GMA podcast na Your Honor (YH), na pinangungunahan nina Chariz Solomon at Buboy Villar.


Sa panayam, inamin niyang nagdulot sa kanya ng trauma ang pambabastos na naranasan niya habang pababa ng entablado.


Tinanong siya ni Buboy kung paano niya pinoprotektahan ang sarili sa tuwing humaharap siya sa publiko, lalo na’t hindi maiiwasang may ilang tao na lumalampas sa hangganan.


Inamin ni Maui na ilang beses na siyang nakaranas na mahipuan.

“Marami nang times na either ako or kasama ko ‘yung grupo ko, ‘yung Viva Hot Babes, na talagang nahahawakan kami. ‘Di ko makakalimutan ang isang area sa Rizal, kasi ‘yun talagang frozen in place ako after.


“Group performance kami nu’n. Habang pababa kami ng stage, s’yempre, nagkagulo. May humahawak sa akin sa ibaba. Talagang napa-ganu’n (frozen) na lang ako, ‘di na ako nakagalaw. Tapos, hinatak na lang ako nu’ng mga bouncers namin,” kuwento ni Maui.


Tinanong naman ni Buboy kung nagdulot ba ito ng trauma sa kanya.

“Oo,” maikling sagot ni Maui.


Well, sa mga susubok mambastos sa mga artista tulad ng nangyari kay Maui, siguradong may pananagutan kayong haharapin. Good luck na lang sa karma.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 28, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - TESSIE TOMAS MGA KORUP, ‘DI TATAGAL!-IG _akotessietomas

Photo: IG _akotessietomas




In good mood ang veteran actress-comedienne-TV host na si Ms. Tessie Tomas nang dumalo sa movies launching ng A&S Productions last Thursday sa Manila Hotel, kung saan isa ang pelikula nila nina Nova Villa at Noel Trinidad na Senior Moments sa mga pelikulang ginawa ng movie production company ni Ms. Sucil Nipa.


Happy si Tita Tessie na finally, maipapalabas na sa mga sinehan ngayong August, 2026 ang Senior Moments na aniya ay isang napakamakabuluhang pelikula at maraming senior citizens ang tiyak na makaka-relate sa kuwento.


Dahil nakilala namin si Tita Tessie bilang isang matalino at napakaprangkang aktres, hiningan namin ito ng opinyon bilang isang senior citizen kung ano ang nararamdaman niya sa mga nangyayaring problema ngayon sa bansa.



veteran actress-comedienne-TV host na si Ms. Tessie Tomas


Bungad nito, “Well, alam mo naman ako, taga-UP ako eh, kaya I’m very politicized person and I want to be counted.


“Ahhh, nakakagulat na umabot tayo d’yan sa male-maletang milyones. Imbes na mag-improve, nag-deteriorate tayo. Tapos, may mga nakukulong sa plunder cases and all. 


“Sana lang mag-improve at matauhan ‘yang mga corrupt politicians, na it never pays to do this because nakita naman natin ang kinahinatnan ni Marcos (Sr.) at ng mga iba pang dictators. We should learn from that. Even Trump (US president), he will not last.”

At sa nangyayari raw sa atin ngayon, idinadaan na lang ni Tita Tessie sa dasal for world peace.


Tama nga naman. Kapag ‘di na natin kontrolado ang sitwasyon, idaan na lang sa dasal at ipaubaya na kay Lord. 





Anak, todo-enjoy naman daw… GOV. VILMA, INUUMAGA SA PAGTUTURO KAY CONG. RYAN KUNG PAANO GUMAWA NG BATAS



Batangas Governor Vilma Santos-Recto


BILANG ina, siyempre ay very proud si Batangas Governor Vilma Santos-Recto para sa bunsong anak na si Cong. Ryan Christian Recto, na sa unang term pa lang bilang representative ng 6th District ng Batangas ay kinakikitaan na ng sipag at dedikasyon sa kanyang trabaho.


At masuwerte si Cong. Ryan dahil kahit gaano kaabala si Gov. Vi para sa kanyang sariling programang H.E.A.R.T.S. sa Batangas, basta lumapit ang anak ay laging may time ang ina ng lalawigan para makinig at magpayo.


Kuwento nga sa amin ni Gov. Vi nang makapanayam siya ng mga kaibigang entertainment media pagkatapos ng ginanap na State of the Province Address niya last week, inaabot sila ng 3 AM ni Cong. Ryan dahil kapag may mga hindi pa ito masyadong naiintindihan sa paggawa ng batas, sa kanya lumalapit. 


At dahil kumuha ng crash course sa Public Administration sa University of the Phils. ang dating Lipa mayor at congresswoman na ngayon ay balik-gobernador sa Batangas, ipinapasa niya sa anak na kongresista ang kanyang mga natutunan at naging karanasan para mai-apply naman nito ngayon.


At hindi lang talino ang ipinapasa ni Gov. Vilma sa kanyang anak kundi pati ang puso sa paglilingkod, kaya no wonder na positive rin ang feedback ng mga Batangueño sa performance ni Cong. Ryan Christian Recto.

Well, sabi nga, kung ano ang puno, siya rin ang bunga!





Photo: FFCCCII officers by Jazzmars Santos

Photo: FFCCCII officers by Jazzmars Santos



MATAPOS dalhin sa ‘Pinas ang sikat na Chinese actress na si Zhang Yingfei a.k.a. Linda Walker ng Chinese vertical series na The Heiress Who Won With Brains, ang Chinese box office hit movie naman sa Asya na Dear You (Love Letters to Grandma, original title in Chinese) ang dinala sa Pilipinas ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) in partnership with Anvil Business Club.


Inianunsiyo ito sa ginanap na mediacon sa Kamuning Bakery last July 24 kung saan present ang mga officers ng FFCCCII sa pangunguna ng presidente nitong si Mr. Victor Lim.


Kasama niyang humarap sa mediacon sina FFCCCII Public Information Committee Co-Chairman Eduardo Cobankiat, Assistant Secretary General Gino Chen, Anvil Business Club President William Lim Jr., at Pandesal Forum moderator Wilson Lee Flores.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Pres. Victor Lim ang walang hanggang misyon ng pederasyon na itaguyod ang napapanatiling pag-unlad, edukasyon, palitan ng kultura, at international goodwill. 


"Ang kultura ay may kapangyarihang pag-isahin ang mga tao sa kabila ng mga hangganan," sabi ni Lim, na binanggit na ang mga pelikulang tulad ng Dear You ay nagbibigay-inspirasyon lalo’t ang pelikula ay nagtuturo ng magandang family values. 


Ang Dear You ay nagsasalaysay ng isang nakakaantig na kuwento ng karanasan ng mga Tsino sa ibang bansa sa pagitan ng Thailand at timog Tsina, na nagsasaliksik ng mga tema ng pamilya, sakripisyo, katatagan, migrasyon, at pag-asa. 


Sinabi ni Lim na ang mga unibersal na halagang ito ay malakas na sumasalamin sa milyun-milyong Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang mga pamilya, na ang mga sakripisyo ay patuloy na nagpapanatili sa bansa. 


Sinusuportahan ng FFCCCII ang dalawang paunang pagpapalabas ng Dear You sa Agosto 5 sa SM Mall of Asia IMAX Theatre at, sa pakikipagtulungan sa Anvil Business Club, sa Agosto 8 sa SM North EDSA. 


Inaabangan na kung sinu-sinong mga local stars natin ang darating sa mga naturang screening bilang suporta sa pelikula.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 28, 2026



FRANKLY - BF NI NADINE, TINANINGAN NA NG DOKTOR, NABUHAY PA RIN-IG _cbariou

Photo: IG _cbariou



Aminado ang boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou na hindi biro ang dinaanan niyang journey sa pakikipaglaban niya sa cancer nitong nakaraang mga taon bago pa niya nakilala ang aktres.


Sa guesting ng dalawa sa vlog ni Karen Davila ay nag-open up ang Filipino-French businessman tungkol sa naging battle niya with the ‘Big C’ na talaga raw humamon sa kanyang katatagan.


“I was battling cancer, it was a rare form of lymphoma, so the lymphatic system,” aniya.

Nang makilala raw niya si Nadine ay katatapos lang ng mga session niya ng chemotherapy.


“When I met Nadine, I was coming back from those 6 months of chemotherapy,” kuwento niya.


“I was still recovering (at that time). Now I can truly say I recovered but the first two years were the toughest. So I was still recovering having some, you know, like brain fog or like forgetting stuff.


“So yeah, when I met her actually, I didn’t know exactly where I was in my life,” aniya.

Ayon sa kuwento ni Chris ay binigyan na siya noon ng doktor ng taning na ilang linggo na lang ang itatagal niya at talagang naihanda na rin niya ang sarili na mamamatay na siya.


“I was led to believe that I was gonna die within the next weeks, like 100%. So I went through all these emotions, you know, like deep fear, like rage also, injustice, unfairness. Why does it happen to me? You know, like I’m not a bad person, I’m doing good stuff, I’m trying at least. So, yeah, I went through all of these,” lahad niya.


Natanong naman si Nadine kung may takot ba siya para sa future ng boyfriend.

“Not really. I mean, I do believe that he’s fine now. And the doctors did say that he’s all clear, which is something that I’m really proud of with him. And he’s a pure soul, you know, so, I do know that it’s not going to happen soon,” pahayag ng aktres.


Sa kanyang TikTok (TT) post ay naikuwento ni Chris na nagpagamot siya sa France at nagkaroon agad siya ng full remission after two months of intense chemotherapy and immunotherapy.


“Something I learned from this, going through all the terrible side effects of the chemo, is that despite everything, my life goals did not change at all. I wanted to get back on my feet as fast as possible and continue everything I started, but with more intention and even more motivation,” saad ni Chris sa kanyang post.





DREAM come true para kay Beaver Magtalas ang coming-of-age film na Kaka sa Yawan (KSY) (Brothers by the River), na isa sa mga official entries para sa Cinemalaya 2026.


Ayon kay Beaver sa ginanap na mediacon last Sunday, nagsisimula pa lang daw siya sa industriya ay pangarap na niyang magkaroon ng Cinemalaya project kaya naman talagang nag-audition siya para mapasama sa cast ng movie.


Pang-792 daw siya sa pila ng audition at talagang tiniyaga niya ito kaya ganu’n na lang ang saya niya nang makuha ang role dahil sulit ang lahat ng pagod at paghihintay niya.


“S’yempre, as an actor po, dati pa, isa na po ‘yan sa mga goals ko na magkaroon ng Cinemalaya project and super-saya ko po na makuha ‘to, s’yempre,” sey ng aktor.

Ginagampanan ni Beaver ang papel ng adult Niko habang ang baguhang child actor naman na si Bryce Nicolo ang batang bersiyon nito.


Aminado ang aktor na medyo nanibago siya ulit sa pag-arte dahil 2024 pa ang kanyang last film na When Magic Hurts (WMH), gayundin ang teleseryeng Pamilya Sagrado (PS).


“I feel like para akong nanibago. Parang I haven’t acted in a year, or maybe more, kasi I’ve been focusing po entirely on training po sa P-pop. Nagte-training po ako ng P-pop under Star Hunt Academy for a year now. One year na po kaming nagte-training,” aniya.


“Ang schedule po kasi namin sa training, Mondays to Fridays, du’n kami sa kanila. So, parang wala talagang time to do acting workshops, or to do other projects,” dagdag pa niya.


Kaya naman kahit mahirap ay nilagare talaga ni Beaver ang shooting at training niya sa Star Hunt Academy.


Malaking challenge rin sa kanila ang shooting dahil kinunan ang ilang eksena ng pelikula sa Tadyawan-Mangyan community ng Sitio Gran Vida, Socorro, Oriental Mindoro, kung saan walang cellphone signal.


Anyway, kasama rin sa cast ng movie sina Nikki Valdez, Luis Alandy, Queenay Mercado, Karl Medina, at Noelle Polack.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page