top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 30, 2026



FRANKLY - BF NI NADINE, NAGPA-FREEZE NG SPERM SA FRANCE-IG _nadine

Photo: IG _nadine



Naiintindihan ng dyowa ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou kung ayaw pa ng aktres na magkaroon ng anak.


Sa panayam ng dalawa sa vlog ni Karen Davila, isa ito sa mga naitanong sa kanila at sey nila, ang pagkakaroon ng anak ay lagi raw nilang napag-uusapan.


“I would say that’s something that we’re not aligned with because s’ya (Chris) kasi, he wants kids,” sey ni Nadine.


“But right now, I don’t know if I want kids, so we’re very different in that,” dagdag ng aktres.

Sabi naman ni Chris, sa ngayon ay okay naman sa kanya na huwag munang magkaroon ng baby at gets naman daw niya kung bakit ayaw ni Nadine na magbuntis sa ngayon.


“I know what she feels about it. It’s like she doesn’t want all the changes and everything in her body, especially those things. It’s just something also I don’t want right now, anyway,” anang Filipino-French businessman.


Sinabi rin ni Chris na open naman sila na mag-adopt ng baby if ever.

“Maybe in a couple of years, like, even if it has to be adoption or like, you know, something like that, there’s a lot of options later on,” sey ng boyfie ni Nadine.


Hirit naman ni Karen, “Or IVF (in vitro fertilization). I hope you preserved your eggs.”

Inamin ni Chris na nagpa-freeze na siya ng kanyang sperm sa Paris nang magpagamot siya ng cancer.


“My stuff is frozen in Paris because of cancer. They do it automatically, like, it’s a thing there,” pagbabahagi ni Chris.


Hindi naman sinabi ni Nadine kung nagpa-preserve na rin ba siya ng kanyang eggs para sa proseso ng IVF o in vitro fertilization.





NANANATILING top TV show sa iWant ang Coco Martin’s Sigabo kasabay ng tumitinding kuwento nito dahil sisimulan na ni Coco Martin ang paghahanap sa karakter ni Edu Manzano na matagal na palang may atraso sa kanilang pamilya.


Dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang pamilya, buong-tapang na nangako si Gabo (Coco) na gagawin niya ang lahat upang matunton si Ricardo (Edu), ang dating kaibigan ng kanyang ama na si Rudy (Joey Marquez), na may kinalaman pala sa pagpatay sa nanay ni Gabo.


Sa pinakahuling episode, nabigyang-linaw ang masalimuot na nakaraan ng pamilya ni Gabo dahil ipinakita kung paano yumaman noong kabataan si Rudy, na ginagampanan ni Zanjoe Marudo, nang mahanap niya ang nawawalang ginto. Ngunit walang natira sa kanya ni isang kusing nang gantihan siya ni Ricardo at nakawin ang lahat ng kayamanan mula sa kanya.


Sa pagkabunyag ng nakaraan ni Gabo, hindi naman maitago ang saya ni Zanjoe sa pagganap niya bilang batang bersiyon ni Rudy sa serye dahil alam niyang tinututukan talaga ng mga Pilipino ang mga teleseryeng gawa ni Coco.


“Alam naman natin na ‘pag teleserye ni Coco Martin, laging inaabangan lalo na ng Pilipinong masa dahil s’yempre, idolo nila siya pagdating sa aksiyon at pagdating din sa romance at nakakakilig na eksena,” kuwento ni Zanjoe sa exclusive interview na inilabas ng CCM Film Productions.


Dapat namang abangan ang umaatikabong aksiyon sa susunod na mga episodes dahil tuluy-tuloy na ang mga misyon ni Gabo, habang sasabak din si NCIA agent Sam (Julia Montes) sa matinding bakbakan laban sa makapangyarihang pamilya Zafra.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 30, 2026



BULGARY - GOMA, ‘DI NAKIKIALAM SA RELASYON NINA JULIANA AT RICCI-IG _richardgomezph

Photo: IG _richardgomezph



Nakapanayam si Richard ‘Goma’ Gomez nang um-attend siya sa State of the Nation Address (SONA) 2026 ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) last Monday, July 27.


Sinabi ng aktor-pulitiko na hindi niya pinakikialaman ang buhay-pag-ibig ng nag-iisang anak na si Juliana Gomez. Ipinaliwanag ng aktor-pulitiko na nasa hustong gulang na ito para magdesisyon para sa sarili.


Pero bilang ama, binigyan niya ito ng isang malinaw na tuntunin kung paano dapat pormal na ligawan siya ng isang lalaki. 


“Wala namang problema sa akin kung nakikita silang dalawa, lumalabas sila. Alam mo, si Juliana is of age already, and wala namang bawal.


“Basta sinabi ko sa kanya nu’ng una, kung manliligaw sa ‘yo ‘yung lalaki, du’n s’ya manligaw sa bahay,” bulalas ni Goma.


Tinanong din ang kongresista kung kinausap ba siya ni Ricci bago nito niligawan si Juliana. Kilala na niya si Ricci dahil napanood na niya itong maglaro noong nasa

Unibersidad ng Pilipinas (UP) pa ito.


“Nalaman ko talaga na may nanliligaw pala sa kanya na basketball player. Oo nga, oo nga. Kasi napapanood ko sila dati nu’ng player pa sila sa UP,” pagbabahagi niya.


Tinanong kung binalaan ba niya si Ricci na huwag saktan ang kanyang anak. Sabi ng aktor, hindi na siya nagbigay ng ganoong babala.


“‘Di naman. Basta nakikita ko lang sila na masaya, okay na ako,” saad ni Goma.

Wala namang tinukoy si Goma kung kailan nagsimula ang relasyon nina Juliana at R





INAMIN ni IC Mendoza na muli siyang nanigarilyo matapos ang walong taon na pagiging smoke-free.


Nagsimula umano ito nang bumiyahe siya sa South Korea, kung saan paminsan-minsan niyang ginagawa ito hanggang sa maging regular uli.


Sa halip na sisihin ang sarili, nagpasya siyang huminto ulit at ibinahagi ito sa publiko upang maging accountable sa kanyang pangako.


Sey niya, “Ngayon, pinili kong sumuko muli. Walang pagkakasala. Walang dahilan. Isang panibagong pangako lamang.”


Dagdag pa niya, “Kinaya ko ng 8 years, so for sure, kayang-kaya ko ulitin... This time, for good na!”


Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at nagsabing naging inspirasyon ang kanyang pagiging tapat tungkol sa pagkakaroon ng setback.


Si IC ay apo ng yumaong Inday Badiday (RIP), na ang tunay na pangalan ay Lourdes ‘Luds’ Carvajal.


Ang ina ni IC ay si Dolly Anne Carvajal, anak ni Inday Badiday.





EXCITED ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa pagbibidahang entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026, ang Haunted Carnival (HC)


Pinuri ng beteranong aktres ang husay sa pag-arte ni Fyang Smith matapos niya itong makatrabaho noon sa isang vlog.


Ibinahagi ni Marya na tuwang-tuwa siyang malaman na makakatrabaho niya sina Fyang at Julia Barretto. 


“Na-excite ako kasi nai-guest ko na s’ya sa vlog ko. Pinaarte ko ‘tong batang ‘to. Sabi ko, 'Ah, ang husay-husay mo naman pala!' Tuwang-tuwa talaga ako sa kanya kasi ang galing-galing n’ya. Sabi ko, ‘Anak, ang husay-husay mo!’ Tapos, nu’ng malaman ko na ang makakasama ko rito ay s’ya at si Julia (Barretto), sabi ko, ang gaganda ng mga kasama ko at saka mga ka-height ko lang sila,” sabay tawa ni Marya.


Ine-encourage niya ang aktres na yakapin kung ano siya at hayaan ang mga tao na makilala siya sa sarili niyang mga tagumpay sa halip na ikumpara ang sarili sa mga nauna nang sumikat na artista.


“Nakakataba ng puso ‘yan. Pero ang gusto ko i-advise sa kanya, 'Alam mo, anak, you’re your own person. ‘Pag dumating ‘yung tamang pagkakataon, maipapakita mo sa kanila ‘yung totoong Fyang, ‘di ba? Kasi gusto ko, ikaw. Dahil dapat, ikaw ang makita nila. I want them to see you—kung gaano kalayo na ang narating mo, kung gaano kataas na ang naabot mo,'” taos-pusong sabi ni Marya.


Samantala, bagama’t hindi pa nagsisimula ang paggawa ng pelikula, inamin ng premyadong aktres na nasasabik na siya sa horror project na kanilang gagawin. 

Ibinahagi ni Maricel na hindi pa niya nababasa ang kumpletong iskrip. 


Aniya, “‘Di ko pa nabasa ‘yung script pero nakita ko agad, ang dami mo kasing puwedeng gawin sa karnabal na nakakatakot. Ang dami. Siguradong magiging maganda.”

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 29, 2026



WINNER - SHARON, HEART AT MAINE, NO SHOW SA SONA 2026-IG _reallysharoncuneta & _iamhearte _mainedcm

Photo: IG _reallysharoncuneta & _iamhearte _mainedcm



Pinaningning ni Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos ang Plenary Hall ng Batasang Pambansa dahil siya ang pinakamaningning na bituin, as far as showbiz celebrities are concerned, na dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa House of Representatives noong Lunes, July 27.

Nakasuot ng ternong Filipiniana si Gov. Vi kasama ang kanyang mister na si Executive Secretary Ralph Recto.


Siyempre, nasa VIP section sina Gov. Vi at ES Ralph, kahanay ng iba pang special guests.

Sa kanyang Instagram (IG) ay ipinost ni Gov. Vi ang mga larawan sa kanyang pagdalo sa SONA.


Caption ni Gov. Vi: “Inspired by the responsibility to serve and the hope for a better tomorrow (pray, like & heart emoji)!”


Hindi naman nagpaawat ang mga IG followers ni Gov. Vi sa mga papuri nila para sa Star for All Seasons:


“So beautiful po, my dearest Mommy Gov!”

“Very regal si Ate Vi!”

“Stunning.”


“Beautiful and revered public servant.”

“Gorgeous.”


“Ang ganda-ganda n’yo po. Stay healthy.”

Super agree!





Sabay na dumating ang mga senador na sina Kiko Pangilinan at Chiz Escudero sa Batasang Pambansa para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM), at pareho nilang hindi kasama ang kani-kanilang misis na sina Sharon Cuneta at Heart Evangelista.


Marami pa naman ang nag-aabang sa kanila, especially kay Heart na every year ay laging pinag-uusapan ang kanyang outfit sa SONA.


Disappointed tuloy ang mga fashion uzis (usisera) na nag-abang kay Heart kung ilang milyong piso na naman ang halaga ng kabuuan ng kanyang look.


Baka raw gustong ibigay muna ni Heart ang ‘korona’ sa ibang misis ng mga pulitiko na um-attend sa SONA. 


Kaya lang, kung kailan wala si Heart, saka naman nagpa-low profile ang mga esmi ng mga senador at kongresista, pati na rin ang mga ‘nepo’ babies na politicians.

Bukod kina Megastar at Heart, kahina-hinala rin ang hindi pagsama ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang misis na si Maine Mendoza.


Anyway, ang iba pang celebrities na dumating sa SONA ay sina Yassi Pressman, na bitbit ng kanyang fiancé na si Luigi Villafuerte, Zsa Zsa Padilla kasama ang partner niyang si Conrad Onglao, Richard Gomez, Isko Moreno, at ang boxing legend na si Manny Pacquiao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page