ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 1, 2026

Photo: FB Nadia Montenegro
Maayos naman ang co-parenting setup nina Nadia Montenegro at Baron Geisler hinggil sa kanilang anak na si Sophia, who is now 20 years old at pumasok na rin sa showbiz.
Sey ni Nadia nang makausap ng ilang entertainment press sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 last Thursday na ginanap sa Shangri-La Hotel, anytime raw na gustong makasama ni Baron si Sophia ay okay naman din sa kanya.
“Actually, last year pa, 1 year tumira si Sophia sa kanya kasi malapit sa school ni Sophia. So, okay naman. Pero ngayon, Sophia is living in a different place na nearer sa school n’ya. ‘Di na s’ya ru’n kay Baron,” tsika ng dating aktres.
Tungkol naman sa pagpasok na rin sa pag-aartista ng kanilang anak, sey ni Nadia ay mukhang nagmana raw ito ng kahusayan sa pag-arte kay Baron.
Pero usapan daw nila ni Sophia na tapusin muna ang pag-aaral bago mag-focus sa pag-aartista.
Nang matanong kung payag ba siyang magkasama silang tatlo nina Baron sa isang project, ayon kay Nadia ay pag-iisipan muna niya.
“Silang dalawa, baka. Pero kaming tatlo, let’s see…” aniya.
Natanong din ang dating aktres kung hindi ba siya natatakot para kay Sophia dahil sa mga balita lately na bumabalik na naman umano ang dating bisyo ni Baron.
“Na-pull-out ko na si Sophia sa bahay ni Baron, February pa. Matagal nang wala si Sophia sa kanya. Pero ‘yung relationship naman nilang mag-ama, secure naman ako ru’n. Alam ko naman na ‘di n’ya siguro idadamay ‘yung anak ko sa ganyan,” sagot ni Nadia.
“‘Yun lang ang text ko sa kanya, ‘Hoy, ingatan mo si Sophia. ‘Wag mo s’yang idamay sa gulo n’yo at ‘wag mo s’yang gagamitin sa kung anu-anong problema.’
“So, very honest naman ako sa kanya. Although ‘di n’ya nga ako sinasagot,” dagdag pa ni Nadia.
Samantala, napuno ng kinang at ningning ang Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 dahil sa pagdalo at pagrampa ng ating mga sikat na celebrities.
Ilan sa mga rumampa suot ang mga nagkikinangang diamond jewelries from Maddox ay sina Ryza Cenon, Diego Loyzaga, AJ Raval, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Edgar Allan ‘EA’ Guzman, Polo Ravales, Ara Mina, Diana Zubiri, Claudine Barretto, Aubrey Miles, Troy Montero at marami pang iba.
Ang nasabing event ay inorganisa ni Ms. Charo Cordial, founder, president and CEO of Maddox Jewelry, isang sikat na jewelry brand sa Pilipinas offering affordable natural and lab-grown diamonds.
SPEAKING of Maddox Jewelry CEO (Chief Executive Officer) na si Ms. Charo Cordial, nakausap din siya ng ilang entertainment press sa fashion show event at dito ay naitsika niyang gusto niyang makilala at regaluhan ng diamonds si Marian Rivera.
Gandang-ganda raw siya sa Kapuso Primetime Queen at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niya itong makilala nang personal.
Samantala, nang tanungin kung sino ang napipisil niyang gumanap sa karakter niya sakaling isapelikula ang success story niya, kaagad niyang binanggit ang kaibigang si Claudine Barretto.
Well, sa nasabing interview ay binalikan din ng tinaguriang Diamonds Queen kung paano siya nagsimula sa jewelry business noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Aniya, out of boredom ay nag-online selling siya noong 2020 at sa simula ay bags lang ang kanyang ibinebenta. Pero dahil mahirap daw i-ship, naisip niyang alahas na lang. Itinuluy-tuloy na niya ang pagbebenta ng alahas hanggang sa nakapagpatayo na siya ng sariling kumpanya na Maddox Jewelry, and the rest is history.
Ngayon ay isa na ang Maddox sa pinakamalaking jewelry companies sa bansa. Dito na rin niya nagsimulang makilala ang mga showbiz personalities na mga customers niya.
“Nu’ng una nito, wala kaming plan to have mga ganitong fashion show. Pero habang lumalaki po kasi ang Maddox, we cater many customers already, even mga celebrities.
Ang isa sa mga mission and vision namin is maging super-affordable ‘yung diamond jewelry, luxury sa lahat po ng Pilipinas. So ito, isang way po namin ‘to para makita po ng lahat ng ‘di pa nakakakilala sa amin na meron pong diamond jewelry na puwede pong bilhin kahit ng mga ordinaryong tao. Na kaya pala naming bilhin s’ya, na ‘di lang s’ya pang-millions, pang-mga alta. So, all Filipinos can afford. Parang we want to spread the means para sa lahat from Maddox Jewelry,” pahayag ni Cordial.



