top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 3, 2026



WINNER - YNEZ LITO DE GUZMAN, MAKAKALABAS DIN-FB Lito De Guzman & Ynez Veneracion

Photo: FB Lito De Guzman & Ynez Veneracion



Naniniwala si Ynez Veneracion na malalampasan ng ex-manager niyang si Lito de Guzman ang pinagdaraanan nito ngayon.


Dinakip si Lito ng National Bureau of Investigation (NBI) agents sa isang entrapment operation sa Manila Hotel.


Sangkot diumano si Lito sa naudlot na planong i-honeytrap si Executive Secretary Ralph Recto, habang may limang babae ang inilagay under protective custody at iniligtas mula sa alleged human trafficking scheme.


“Tingin ko naman, magiging okay din s’ya. Dadaan lang sa tamang proseso,” pahayag ni Ynez nang makausap namin sa Maddox Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel last Thursday.


Nagkaroon ng chance si Ynez na makausap si Lito pagkatapos arestuhin ng NBI agents.

Aniya, “Sinabi naman n’ya sa akin, naipit s’ya. Wala raw s’yang kasalanan, ‘yun ang sabi n’yang ganu’n. Pero ‘di ba, lalabas naman ang totoo? Sa lahat naman ng kaso, lumalabas ang totoo, ‘di ba?


“Kung ano ang totoo, ‘yun ang lalabas. Kung may pagbabayaran o wala, kung meron dapat pagbayaran, eh, di pagbayaran.”


Nakausap daw ni Ynez si Lito through a friend.

Kuwento ni Ynez, “Tapos, ibinalita sa akin, nakita raw sa TV. Although, ‘yung shot, blurred naman.


“Pero s’yempre, nakilala ko. Tapos, sabi pa sa akin, ‘Naku, baka ‘di makalabas, ah.’

“Uhm, sabi ko, ‘Dasal na lang tayo. Sana, makalabas.’ Lahat naman ng problema, may solusyon, ‘di ba? Dadaan lang ‘yan, ‘wag tambayan.”


Idinawit ang pangalan ni Ynez sa ilang news online sa pag-aresto kay Lito dahil isa siya sa mga artists na hina-handle dati ng controversial manager.


“Pero ngayon kasi, tinanong ako kung sinu-sino ‘yung mga babae. Lima yata sila, ‘di ko naman sila kilala. Pero nag-aarti-artista na yata sila sa Viva kineme,” tsika ni Ynez.

Plano ni Ynez na dalawin si Lito sa piitan.


“Oo naman, bakit hindi?” reaksiyon ni Ynez. 

Paliwanag niya, “S’yempre, may pinagsamahan din naman kami ni Kuya. Kinumusta ko nga agad, eh.


“Minessage ko nga s’ya agad, eh, ‘O, kumusta ka?’ Tinawagan ko. Sabi n’ya, okay naman daw s’ya.


“Natatawagan ko s’ya sa Messenger. O baka trusted na tao ang pinahawakan n’ya ng kanyang phone na nakaantabay sa kanya.”


Samantala, inamin ni Ynez na kinabahan siya sa pagrampa ng mga alahas ni Charo Cordial, ang may-ari ng Maddox Jewelries.


Pag-amin ni Ynez, “First time kong rumampa sa runway. Tapos, ang laki-laki pa ng stage. Kasi, ‘di ba, alam n’yo naman, kumakanta lang tayo, umaarte. So, first time kong rumampa sa isang fashion show. Tapos, diamond jewelries pa ang inirampa namin. O, ‘di ba? Pak!”

Hindi naman daw nagpakabog si Ynez sa mga kasama niyang celebrities sa pagrampa on stage.


“Lahat kami, may sari-sariling style ng pagrampa, ng paglakad, ng pag-pose.

“Just do your best. ‘Yun lang naman ang iniisip ko. Alam ko, lahat naman kami, magaganda. Lahat kami, may style,” sey pa ni Ynez.





Japan invasion ang plano ng walang takot na si Giselle Sanchez. Handa na si Giselle na sakupin ang Japan sa kanyang pinakamalaking international stand-up comedy special na BAD EXAMPLE! (BE!).


Pagkatapos ng ilang dekadang pamamayagpag sa TV, pelikula, teatro, at live shows, dadalhin na ni Giselle ang kanyang matatalim na hirit, nakakagulat na kuwento, at walang takot na pagpapatawa sa harap ng live audience sa Japan.


This will be the biggest Filipino comedy event na magaganap sa ibang bansa.


Ang taping ng BE! ay magaganap sa Higashibetsuin Kaikan Hall sa Nagoya, Japan sa Setyembre 20, 2026, alas-5:00 ng hapon.


At eto ang pasabog, libre ang admission para sa lahat ng NDM PLUS Platinum Members!


Ang espesyal na palabas ay isang NDM Original Comedy Special na hatid ng NDMstudios at mapapanood sa buong mundo, eksklusibo sa NDM PLUS, ang Singapore-based members-only entertainment platform na kilala sa premium films, original productions, celebrity events, at red-carpet exclusives.


Hindi rin basta-basta ang mga utak sa likod ng proyekto. Ang direktor at producer nito ay ang award-winning filmmaker na si Nijel de Mesa.


Samantala, bumubuo naman ng matinding writers’ room ang mga beteranong Bubble Gang (BG) writers na sina Henry Maceda at Ferdie Aguas, kasama sina Patrick Alcantara at Jarvin Pastor ng Pencil Box. Kaya asahan na ang walang humpay na tawanan at mga banat na tatatak sa isip ng audience.


Kung may isang komedyanteng kayang pagsamahin ang katatawanan, katotohanan, at katapangan sa isang entablado, si Giselle na ‘yun!


Sa BE!, ipapakita niyang walang hangganan ang Pinoy humor. Kahit sa international stage, panalo pa rin!


Kaya humanda na dahil kapag nagsimula nang bumira si Giselle Sanchez, baka sumakit ang tiyan mo sa kakatawa. Ang BAD EXAMPLE! ang comedy special na ayaw mong ma-miss!


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 3, 2026



TEKA NGA - PAGLAYA NI BONG, PINALAGAN NG MGA BASHERS-FB Ramon Bong Revilla Jr.

Photo: FB Ramon Bong Revilla Jr.



Marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang natuwa sa pansamantalang paglaya ni dating Senador Bong Revilla, Jr. matapos ang halos anim na buwan niyang pagkakakulong kaugnay ng kasong may kinalaman sa umano’y maanomalyang flood control projects.


Ang Sandiganbayan Third Division ang nagdesisyon na payagan siyang makapagpiyansa ng P1 milyon, na nagbunsod sa kanyang pansamantalang paglaya.


Kabi-kabila ang negative reaction at banat sa paglayang ito ni Bong. Hindi siya tinantanan ng mga kalaban na ang layunin ay ibagsak siya at tuluyang burahin sa mundo ng pulitika.


Sa unang araw pa lang ng kanyang pagkakakulong ay nagdiwang na ang kanyang mga kritiko at agad siyang hinusgahan.


Pero ang tatag ng loob at matibay na pananampalataya sa Diyos ang naging sandigan ni Bong upang harapin at kayanin ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.


Marami ang nagdasal para sa kanyang paglaya. Naniniwala ang kanyang mga supporters na lalabas din ang katotohanan at malilinis ang pangalan ni Bong Revilla, Jr..


Nagdiriwang man ang mga taong gustong ibagsak siya at sirain ang kanyang pagkatao, tanging dasal at matibay na pananalig ang sandata niya upang makamit ang hustisya at ganap na kalayaan.





MARAMING naiinggit kay Marian Rivera dahil nakapag-asawa siya ng isang tulad ni Dingdong Dantes. Bukod sa guwapo at sikat na aktor, mabait, mapagmahal at isa siyang responsableng padre de familia.


Bibihira na ang lalaking tulad ni Dong. Nang magpakasal sila ni Marian ay ginampanan na niya ang pagiging mapagmahal na katuwang sa buhay. Good provider ito at hindi nakakalimot sa kanyang tungkulin sa pamilya.


Kahit na gaano pa kaabala ang aktor sa kanyang career, lagi siyang naglalaan ng panahon para kay Marian at sa dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto. May oras siya para sa bonding nilang mag-anak.


Nagagawa pa nilang magbakasyon abroad kahit na may dalawa siyang shows sa GMA-7, ang The Master Cutter (TMC) at ang game show na Family Feud (FF)

Naging bahagi rin ng kanyang ika-46 na birthday celebration ang bakasyon nila sa Japan.


Wala nang mahihiling pa si Marian sa pagkakaroon ng mister na tulad ni Dingdong. Successful na siya sa kanyang career, masuwerte pa siya sa kanyang marriage.





MAY mga fans ang nagtatanong kung ano na raw ang status ngayon ni David Licauco sa GMA Network. Bakit daw nananahimik ang career ng aktor at walang bagong show? Sana raw ay ibalik na lang ng GMA-7 ang tambalang BarDa (Barbie Forteza at David) na hinihintay ng kanilang mga fans.


Malalaking endorsements ang dumating sa aktor nang mag-hit ang love team, kaya marami ang nagtataka kung bakit bigla na lang silang pinaghiwalay. Sinubukan na itambal sa iba si David pero si Barbie pa rin ang gusto ng mga fans na makatambal nito.


Samantalang ang aktres naman ay nakatrabaho sa isang movie project ang mga veteran stars na sina Boots Anson-Rodriguez at Charo Santos. May bago rin siyang serye sa GMA-7 kung saan makakasama niya ang Megastar na si Sharon Cuneta. At may movie siya sa Regal Films na kakaiba ang tema, ang Saving Cherry (SC).


Kaya gustong malaman ng mga fans ni David kung ano na ang mga ganap sa career niya. Mabuti na lang at muling ibinabalik ng Kapuso Network ang dati nilang seryeng Maria Clara at Ibarra (MCAI) na mapapanood araw-araw sa afternoon slot. Sa seryeng ito nagsimula ang kilig ng mga viewers sa tambalang BarDa. Muling manunumbalik ang magaganda at masasaya nilang alaala.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 3, 2026



TALKIES - KRIS, TODO-IYAK PA RIN SA SAKIT NG MGA BUTO-IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Emosyonal na nagbahagi ng mensahe ang aktres-TV host na si Kris Aquino bilang paggunita sa ika-17 anibersaryo ng pagpanaw ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino.


Ayon kay Kris, “17 years ago at 2 AM, we lost our mom. We accepted her death intellectually because we witnessed how much she suffered. But can someone you cherished ever be forgotten? Until now, when I watch families in conflict, I say, ‘Sorry, Mom. You never deserved any of that.’”


Ibinahagi rin ni Kris na agad umalis ang kanyang anak na si Bimby matapos ang 47th anniversary celebration ng Eat… Bulaga! nang matapos magpasalamat ang TVJ.


Aniya, “Bimb left the 47th anniversary celebration immediately after TVJ said their THANK YOUs because I was actually in the car from the time he tried to sing Vic Sotto’s Ipagpatawad Mo. (We are very honest. I love Bimb’s Maybe This Time, Pangako Sa ‘Yo made me cry because of the innocent emotions Bimb gave the song.) Kuya went to Manila Memorial, and Bimb went home to watch over me because I again tried another form of treatment which has worked for some international celebrities as well as a few friends.


“I promised my sons I was going to fight until the end. I have never given details about the treatments that failed, the nights I cried until sunrise because the bones from 3 inches above my knee all the way to my ankle and up to the soles of my feet hurt with such cruelty that I broke my rule and sobbed in Bimb’s arms. No child, especially one raised by a single parent, should ever see the pain their mama or papa goes through because to worry is ours and not theirs.


“Just last week, Kuya Josh was told by my nurses to let me sleep because I hadn’t slept well for over 3 nights. I could hear Kuya saying, ‘Fast only, say hello to Mama only.’ I buried my head further under the comforter, not wanting him to see how much tissue I wasn’t fast enough to hide. Kuya saw my tear-streaked face. He pleaded, ‘Mama, please don’t cry. I love you. I’ll make you bantay. Mama, here’s my arm.’ Kuya knew being cradled in his left arm and lying down where I can almost hear his heartbeat is a source of comfort that gives me hope and reminds me just for whom I continue to fight. The next infusion is on Wednesday.


“Mom, please continue looking after your baby because I have 6’3 and 6’2 giant babies who pray every day and believe that God does answer prayers.”


Wishing you a speedy recovery, Kris. God bless you and your family.





Mag-asawa, sabay pang maysakit…

DOC WILLIE, MAY STAGE 4 SARCOMA, DOC LIZA, BREAST CANCER NAMAN





Ibinahagi ng media personality na si Doc Willie Ong sa kanyang social media account ang mensahe ng journalist na si Cheryl Cosim para sa kanya at sa kanyang misis na si Doc. Liza Ong.


Ayon kay Doc Willie, nagpaabot si Cheryl ng suporta at panalangin sa kanilang dalawa.


Ani Cheryl, “Doc Willie and Doc Liza, you are both in my heart and prayers.

“Knowing what you’re both going through now brings me back to our ‘Salamat Dok’ days, especially our medical missions. ‘Di ko makakalimutan kung gaano kalaki ang puso ninyo para sa mga pasyenteng walang kakayahang magpagamot. Ang dami nating natulungan dahil sa malasakit at serbisyo ninyong dalawa.


“Kaya masakit isipin na ngayon, kayong buong buhay na tumutulong at nagpapagaling ng iba, ang humaharap sa sarili ninyong laban.


“Maraming salamat for being such a meaningful part of my ‘Salamat Dok’ journey. I’m praying for your healing, strength and peace. May God continue to carry you both through this.


“Love you both. I’m here for you and will keep praying and believing with you.”

Ilang araw pa lang ang nakararaan ay lumabas ang balitang hindi lang si Doc Willie ang kasalukuyang lumalaban sa Stage 4 sarcoma kundi maging ang misis niyang si Doc Liza na may breast cancer naman.


Praying for a fast recovery for both of you, Doc Willie and Doc Liza. God bless you!

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page