top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 5, 2026



FRANKLY - CLAUDINE, UMAMING ‘DI NAGING MABUTING MISIS KAY RAYMART KAYA NAGHIWALAY-IG _claubarretto & _raymartsantiago

Photo: IG _claubarretto & _raymartsantiago



Inamin ni Claudine Barretto na hindi rin siya naging mabuting asawa kay Raymart Santiago at may kasalanan din siya kaya humantong sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.


Sinabi ito ng aktres sa kanyang panayam sa vlog ng aktres-komedyanang si Dang Cruz kung saan napag-usapan nila ang mga lalaking minahal niya tulad nina Mark Anthony Fernandez, the late Rico Yan at ang estranged husband na si Raymart.


Tanong ni Dang kay Claudine, “What went wrong sa inyo ni Raymart?”

Sagot ng aktres, “Um, alam mo, ‘di rin ako naging mabuting asawa, ha? ‘Di rin naman talaga lahat kasalanan ni Raymart.”


Paliwanag niya, “‘Di kasi ako submissive o ‘di ko naibigay sa kanya ‘yung pagmamahal na naibigay ko kay Rico. Yes, du’n aminado ako. ‘Pag mali ako, mali naman talaga ako. Inaamin ko ‘yun.”


Aminado ang aktres na hindi siya talaga naging 100% submissive wife kay Raymart.

“No. ‘Di ako 100%. I think, 50 lang talaga,” aniya.


In fairness ay naging okay naman daw talagang mister ang aktor at ipinagdarasal daw niya na maging okay na sila ni Raymart.


“You know, he was really also good naman sa akin. ‘Yung medyo end na lang talaga nagkaproblema.


“But you know, Raymart talaga, even up to now, ang prayer ko lang talaga is that maging okay na kami.


“Kasi ang ganda na nu’ng samahan namin, eh. Ang ganda na nu’ng co-parenting namin. For a while, it was okay na. We could trust each other na talaga and all.


“And you know, I just wish lang talaga na maging masaya na s’ya,” pahayag ni Claudine.

Sey naman ni Dang, “And you, maging masaya ka.”


Sagot naman ng aktres, “Yes, yes. But siguro, more than me, mas gusto ko sanang maging masaya na talaga si Raymart kasi I think I owe him that.”


Sa ngayon ay hindi raw sila nag-uusap ng aktor at hangad niyang magkapatawaran na sila. Dalangin din daw niya na makakita ito ng babaeng magbibigay ng pagmamahal na hindi niya naibigay.


“‘Yun ang prayer ko talaga, na sana magkapatawaran talaga kami. Para matapos na at makapag-move on na s’ya at makahanap s’ya ng... Ang wish ko for Raymart talaga is makahanap s’ya ng taong magmamahal sa kanya. ‘Yung love na ‘di ko naibigay sa kanya. ‘Yung love na dapat talaga, supposedly, naibigay ko sa kanya. Kasi sa 100%, alam ko talaga, 50% lang siguro ang naibigay ko ru’n,” pahayag ni Claudine.


Inamin din niya na kung maibabalik lang niya ang panahon, marami raw siyang babaguhin sa kanyang mga ginawa noong nagsasama pa sila ng aktor.


“Kung puwede lang ibalik ‘yung dati, ang dami kong iibahin sa sarili ko. Kung dati, kung puwede ko lang i-rewrite ‘yung istorya namin ni Raymart, ang dami kong mas gagawin para lang mas naging stronger ‘yung foundation ng pagsasama namin for our children,” pag-amin ni Claudine.


As for her personal life, may mga nagpapakilig naman daw pero hanggang doon lang at ayaw na muna niyang makipagrelasyon sa ngayon.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 5, 2026



BULGARY - WILBERT, PROUD NA KAHIT PROMDI, SOLD-OUT ANG 2-DAY CONCERT-IG _itswilbertross

Photo: IG _itswilbertross



Late ang pasasalamat ni Wilbert Ross sa mga nanood ng kanyang first concert. Ngayon lang daw kasi nag-sink in sa kanyang isip ang naganap noong dalawang gabi siyang nagtanghal.


Hindi sukat-akalain ng aktor na magiging matagumpay ang kanyang concert na ginanap kamakailan sa New Frontier Theater. Dahil sa sold-out na ticket at sa kagustuhang mapagbigyan ang lahat ng kanyang mga tagahanga, nagdagdag pa sila ng isang gabi ng pagtatanghal.


Sa social media ni Wilbert, isang mahabang mensahe ang kanyang isinulat kung saan binalikan niya ang kanyang pinagdaanan bago naabot ang tagumpay.

Sinimulan niya ito sa pagpapakilala sa sarili.


Aniya, “Hi, ako nga pala si Wilbert Rosalyn (totoo niyang pangalan). Isang nangangarap mula sa Hagonoy, Davao del Sur.”


Aniya, sa isang dekadang nagdaan, isa siyang probinsyano na sumuong sa Maynila para abutin ang pangarap. Sumubok sa iba’t ibang pagkakataon para magkaroon ng puwang sa industriya.


Pahayag ni Wilbert, “‘Di naging madali ang aking pinagdaanan. Maraming pagsubok ang dumating, pero isang bagay ang hindi kailanman nawala—ang apoy sa puso ko at ang matinding kagustuhang maabot ang aking mga pangarap.


“Dati, baka isipin ng iba na isa lang akong dakilang ‘manifestor’ sa social media. Pero sa likod ng lahat ng ‘yun, tahimik kong binubuo ang bawat hakbang. Pinaghirapan ko ang lahat, pinag-isipan ang bawat desisyon, at naghanda para sa tamang panahon.

“At nang dumating ang pagkakataon… handang-handa na ako.


“Ang dati’y pangarap lamang na makakanta sa isang malaking concert venue at marinig kayong sabay-sabay na umaawit ng mga isinulat kong kanta ay natupad na.


“Mula sa puso ng isang probinsyanong nangarap, maraming-maraming salamat sa inyo na pumunta, nakiisa sa pag-awit, naiyak, at naging bahagi ng dalawang gabing hinding-hindi ko malilimutan. Kayo ang naging patunay na ang mga pangarap at manifestation ay puwedeng maging realidad. Maraming salamat sa inyong tiwala. Hanggang sa muli nating pagkikita at pagkanta!”


Pinasalamatan din niya ang lahat ng taong tumulong upang maisakatuparan ang kanyang concert — mula sa Viva Artists Agency, Viva Records at mga executives nito, sa kanyang handler at production team, direktor, atbp., gayundin ang lahat ng kanyang guest performers.


Personal din niyang pinasalamatan ang kanyang kaibigang si Mika Salamanca, ang mga dati niyang kasama sa Hashtags, si Bea Binene at si Vice Ganda, na matagal nang naniniwala sa kanyang kakayahan, gayundin ang kanyang glam team, pamilya, mga kaibigan, at higit sa lahat, ang kanyang mga tagahanga — ang kanyang ‘Fanmily’ — na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Sey ng mga netizens:


“Simula pa lang ito ng Team Wilbert! Congrats sa ating lahat!”

“It’s been 5 years since we broke up. You said after natin maghiwalay baka ‘di mo kayanin ‘pag wala ako, but look at you now, little by little mo nang naaabot ang mga pangarap mo. Congrats, babe!" ani ng isang nagngangalang Farah Lopez.


“Bea Binene, Wilbert Ross. Ikaw at si Bea ang isa sa pinakamalaking inspirasyon ko. ‘Di lang basta kilig ang naibibigay n’yo sa akin, pati eyebags dahil sa rodeo dance mo. Hahaha!”

“I love how he mentioned ‘to THE Bea Binene.’ Taas ng respect talaga n’ya sa isang Bea Binene. ‘Kala ko nga ‘to my,’ pero ‘to THE’ talaga, big letters pa ang ‘THE’. Ang galing. Iba ‘yun! With high respect and honor! ‘Di lang basta love team.”


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 4, 2026



WINNER - BEA, IPINASILIP NA ANG CONDO NILA NI VINCENT-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Unintentional na ipinasilip ni Bea Alonzo ang lovenest nila ng kanyang mister na si Vincent Co sa social media.


Dahil diyan ay lalong tumibay ang tsikang nakalipat na nga si Bea sa ‘pugad’ nila ni Vincent.


May series of photos na ipinost si Bea sa kanyang Instagram (IG) recently. Iba-iba ang anggulo ng picture ni Bea na nakatayo malapit sa bintana ng condo unit. At isa sa mga larawan ay may konting pasilip sa loob nito.


Nakasuot si Bea ng Filipiniana blouse na kapareho ng suot niya noong nagpunta siya sa simbahan malapit sa dati nilang bahay sa Pasig City last Saturday.

Tanaw sa bintana ang kalsada sa labas ng condo ni Bea.

Caption ni Bea, “TERNOing page.”


What’s more interesting sa latest IG post ni Bea ay ang background music na ginamit.

Ang titulo ng kanta ay Ikaw at Ako ni Johnoy Danao.


Sabi sa kanta, “Ikaw at ako, pinagtagpo. Nag-usap ang ating puso. Nagkasundo, magkasama habang buhay. Nagsumpaan sa Maykapal, walang iwanan, tag-init o tag-ulan….”


Napakaromantiko ng Tagalog song kaya hinala tuloy ng mga netizens na ito ang theme song nina Bea at Vincent.


Sey ng mga fans…

“Diyos ko, theme song n’yo ‘yan?”

“Love the audio!”


“Praying with you as you turn the page into this beautiful new chapter. Wishing you nothing but love, joy, and God’s abundant blessings.”

Puwede.





NAKAKA-INSPIRE ang kuwento ng buhay ng dating sexy star na si Leandro Baldemor. Si Leandro ay isa sa top male stars ng Seiko Films noong dekada ‘90.


Na-discover siya ni Bobby Yalong at dinala agad sa opisina ng Seiko Films producer na si Robbie Tan. 


Nursing student sa Far Eastern University (FEU) si Leandro.

Pagkakita sa kanya ni Robbie ay ginawa agad siyang leading man ni Abby Viduya o ni Priscilla Almeda. Hanggang sa nakapareha na niya ang Sex Goddess noon na si Rosanna Roces.


Pero hindi nagtagal, nagpunta si Leandro sa Japan bilang hosto, tatlong taon daw siya roon. At pagkatapos, pumirmi na rin siya sa ‘Pinas.


Non-showbiz ang kanyang misis na childhood crush na niya sa Laguna. May tatlo silang anak. At graduate na ng Civil Engineering ang kanyang panganay.


Nagbalik-showbiz si Leandro, and at the same time, nag-focus din siya sa family business nila na paglililok ng mga imahe.


Nakapagpatayo na siya ng bahay ngayon sa kanyang four-hectare land sa Paete, Laguna.


At bukod sa paglililok, may events place at resort din si Leandro sa kanyang lupain.


Pero naintriga kami sa pagpapalipad ng kalapati ni Leandro. Inilalaban pala niya ang kanyang mga alaga sa derby.


Dadalhin daw niya sa malayong lugar ang kanyang mga kalapati at doon pakakawalan. Oorasan daw ang paglipad pabalik sa bahay ni Leandro sa pamamagitan ng isang app sa cellphone. 


At hindi basta-basta ang premyo, huh? Paiba-iba raw ang premyo, from HiLux o Prado na kotse hanggang sa milyong piso.

At least, hindi mga kalapating mababa ang lipad ang ipinande-derby ni Leandro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page