ni Nitz Miralles @Bida | August 8, 2026

Photo: File / Marvin at Jolina - Karen Davila - YT
Biniro ng press si Marvin Agustin na inangkin ang anak ni Jolina Magdangal na si Vika na present sa Tara, Kapatid! Midyear & Media Celebration ng TV5, kung saan ang upcoming romcom series nila na Mommy Guard (MG) ay kabilang sa mga bagong shows ng network na magpi-premiere.
Nabanggit kasi ang mga anak ni Jolina at sabi agad ni Marvin, “Mga anak namin,” na agad ding binawi. “‘Yun s’ya,” ang reaksiyon ni Jolina na itinuro kay Marvin ang puwesto ng anak.
Hindi naman siguro isinumbong ni Vika sa dad niyang si Mark Escueta si Marvin dahil nagbibiro lang ito.
Ibinabalik nga ng TV5 ang tambalan nina Jolina at Marvin sa nasabing romcom series. Much-awaited reunion ito, matagal nang pinag-usapan at ang TV5 lang pala ang nakapagbigay sa matagal nang request ng mga fans.
Sa teaser na aming napanood, security guard si Jolina as Tina, mahigpit at sinusungitan si Pio (Marvin). Sa teaser pa lang, kinilig na ang mga fans at hindi na makapaghintay sa airing nito sa September sa TV5, bago ang Eat… Bulaga! (EB!)
Sey ni Marvin, “‘Di namin akalain na after all these years, magkakasama ulit kami ni Jolina sa isang TV series.
“Our last teleserye together was FlordeLisa 10 years ago — a beautiful story filled with drama. This time, we’re coming back with something lighter, full of kilig, and with a nostalgic 90s romcom feel.
“Thank you, TV5, for trusting us with Mommy Guard. We’re both excited and grateful to do what we love again — magpapakilig, magpatawa, at magdala ng ngiti sa inyong lahat. May drama pa rin, s’yempre... pero mas maraming saya.
“See you this September.”
Kung si Daboy, sa Phil. Marine…
LORNA, PROUD NA PHIL. NAVY RESERVIST NA
“Discipline is choosing to finish, even when it’s hard. Just finished. Lorna Tolentino Fernandez, at your service. Philippine Navy Reserve Command. Mabuhay ang Pilipinas!” ang post ni Lorna Tolentino bilang pagbabalita na isa na siyang Philippine Navy reservist.
May kasamang photos sa pagtatapos ng kanyang training ang post ni Lorna at sa isang photo, kasama nito ang anak na si Rap Fernandez at ang pamilya nito.
Ang daming nag-congratulate kay LT at may mga nagulat din dahil hindi nila inakala na magiging reservist ang aktres sa Philippine Navy. Sana raw, magkuwento siya ng pinagdaanang training para lang malaman.
Parehong Philippine Navy reservist sina LT at Dingdong Dantes, at si LT ang pinaka-latest na celebrity who joined the PN as reservist.
May nagpaalala naman na ang late husband ng aktres na si Rudy Fernandez ay isang Philippine Marine reservist.
MAY comment pala si David Licauco sa statement ni Barbie Forteza na, “Finally, nagkaroon na ako ng leading man na maayos.”
Sagot ni David, “I wish her [Barbie] well.”
Sa statement ni Barbie at reaction ni David, feeling ng mga fans, may isyu sa dalawa. Hindi lang daw nila masabi nang diretso at idinaan ni Barbie sa statement at sinagot naman ni David ng may pagpapakumbaba.
Nalungkot ang BarDa fans nina Barbie at David sa nangyari at tila malabo sa ngayon na magtambal pa sila. Wala silang project sa TV at ganoon din sa pelikula. Iba ang leading man ni Barbie sa mga projects niya at si David ay lumayo kay Barbie.
Pumirma kasi si David ng film contract sa Viva at sa rami ng contract stars, mas pipiliin nila ang kanilang talent na ipareha kay David sa halip na kunin si Barbie.
Kahit ka-collab ng Viva ang GMA-7, puwedeng tumanggi si David.
Kahapon ang contract signing ni David sa Viva na ang sabi, “A new chapter begins on the big screen! David Licauco is officially signing a film contract with Viva Films, in partnership with ALV Talent Circuit and GMA Sparkle, marking the start of an exciting new journey.”
Kung may isyu man kina Barbie at David, kailangan siguro nilang mag-usap para ayusin ang dapat ayusin. Para rin hindi nalulungkot ang BarDa fans na baka hindi na sila magsama pa sa project.



