top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 9, 2026



SHEET - NEIL ARCE, GAME GASTUSAN SI ANGEL PARA SA INCOGNITO 2-FB Angel Locsin

Photo: FB Angel Locsin



Isa kaya si Angel Locsin sa mga inalok sa Incognito 2?

Kaya namin ito naitanong ay dahil kinumusta namin ang aktres sa kaibigan niya at nabanggit na okay na okay si ‘Gel ngayon.


Sabagay, mukhang okay kasi ilang beses nang nagpaparamdam sa social media kumpara noon na ilang taong tahimik. Kahit maraming isyu ay dedma siya kung ikukumpara ngayon.


Anyway, pagkatapos kaming sagutin na okay si Mrs. Arce ay natanong namin kung anong plano niya sa buhay-showbiz niya.


Napangiti ang aming kausap at sabay muwestra ng nakasara ang bibig niya.

“Mas magandang sa kanya na lang manggaling. Wait n’yo na lang,” nakangiting sagot ng kaibigan ni Angel.


At bigla naming naalala ang tsika ng aming source na nagkuwentong kasama si Carlo Aquino sa Incognito 2 bago pa nag-viral ang video na nasa Tawi-Tawi Airport siya kasama ang ibang cast ng programa na sina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings at Ian Veneracion.


Nabanggit din si Judy Ann Santos na ka-join din sa Part 2 pero wala pa kaming nakitang resibo kaya hindi namin ito makumpirma, lalo’t alam naming hindi puwede ang aktres sa matagalang lock-in shoot dahil may pamilya siya at gusto niyang siya pa rin ang nag-aasikaso sa mga anak pagpasok sa school.


Bukod dito, baka hindi rin siya puwede sa mga malayuang location shoot tulad ng Tawi-Tawi. Pero for sure, ‘pag out of the country ay available siya dahil puwede niyang isama ang pamilya.


Kaya sa mga pros and cons na ito ni Juday ay baka isa rin si Angel sa mga inalok? At knowing her, okay sa kanya ang lock-in shoot at kahit ilang linggo pa.


Hmm… baka naman parehong ka-join sina Judy Ann at ‘Gel? If ever, grabe, nagsama-sama na talaga ang malalaking pangalan sa showbiz na feeling namin ay hindi magiging problema ang talent fees (TFs) dahil sa pagkakaalam namin ay payag maging co-producer sina Juday, Ian, at Neil Arce for Angel at DJ.

Abangan na lang ang updates.





SA panayam kay TV5 President at CEO Guido R. Zaballero, ang alam niyang partnership ng ABS-CBN na pag-aari ng Lopezes at ni Ginoong Manny V. Pangilinan, Chairman and CEO of PLDT, Chairman of TV5 Network at iba’t ibang group of companies na pag-aari ni MVP ay ang pagpapalabas ng mga programang Sigabo at Someone, Someday (SS) sa primetime.


Umeere na kasi sa Kapatid Network ang mga nabanggit na programa kasama rin ang My Bespren Emman (MBE) at A Secret in Prague (ASIP) na produced naman ng nasabing network.


Aniya, “Ang masasabi ko lang ay mayroon kaming umiiral na partnership sa ABS-CBN. Ipinapalabas nila ang ilan sa aming mga palabas, at ipinapalabas naman namin ang ilan sa kanila. ‘Yan muna ang partnership namin sa ABS-CBN.”


Aabutin daw ng isang taon o 12 months ang kasunduan ng TV5 at ABS-CBN.

“For now, ang outlook namin is for the next 12 months and then continuous naman ‘yung pag-uusap namin. So there’s an intention, I think, that we should continue to improve ‘yung partnership,” pahayag ng TV5 boss.


Inamin niyang bumubuti ang lagay ng network kung saan binanggit niya ang paglulunsad ng mga orihinal na programa at ang pakikipagtulungan nito sa ABS-CBN.


“I think TV5 is actually performing better now, A Secret in Prague and My Bespren Emman gave TV5 more traction,” sey nito.


At dahil digital platforms na ang uso ngayon, sabi pa nila, “The TV industry has really seen, pati all three major players, have really felt ‘yung shift into digital. Tsaka ‘yung struggle sa traditional free-to-air, very upbeat naman ang approach sa negosyo.”

Samantala, kinlaro ni Ginoong Zaballero na wala siyang alam sa kumalat na tsikang ang mamamahala na sa ABS-CBN ay sina MVP at San Miguel Corporation Chairman and CEO Ramon S. Ang dahil nag-invest daw ang dalawa ng rescue o investment package na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon.


Open to the public naman ang kasalukuyang estado ng Kapamilya Channel pagdating sa budget kaya siguro maraming naniwalang isa sa mga araw na ito ay sina Ang at Pangilinan na ang mamamahala sa ABS-CBN, bagay na inalmahan kaya naglabas ng official statement ang Corporate Communications na wala itong katotohanan.


Nakausap si Zaballero ng media sa nakaraang TARA KAPATID, 2026 Midyear Media and Trade Celebration na ginanap sa MVP Studio ng TV5 nitong Huwebes, August 6.

“That’s something that is, to tell you honestly, beyond my pay grade. So I have no knowledge. ‘Di ko po masasagot. Wala akong knowledge about any transactions,” sagot kaagad ng president at CEO ng Kapatid Network.


Dagdag pa, “I think RSA and MVP have been collaborating beyond even in the past. So we’ve seen that their partnership sa infrastructure, sa iba’t ibang negosyo naman, there really is a relationship between the two.”


Sa tanong kung posibleng magkaroon ng partnership sa industriya ng broadcasting sina RSA at MVP, “It’s not for me to say. It’s not something that is in my purview to be able to answer,” diin ni GRZ (Guido R. Zaballero).


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 9, 2026



BULGARY - PAGKANTA NI SUNSHINE, APEKTADO NA RIN NG SAKIT-IG _sunshinecruz8

Photo: IG _sunshinecruz8



Nagpakatotoo si Sunshine Cruz tungkol sa patuloy niyang pakikipaglaban sa Myasthenia Gravis (MG), isang autoimmune neuromuscular disorder na nagdudulot ng panghihina ng mga boluntaryong kalamnan.


Sa kanyang social media post, sinabi ni Sunshine na malaki ang naging epekto ng kondisyon sa kanyang katawan at pang-araw-araw na gawain.


Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “I’m currently lifting 3-4 times a week and feeling better than I have in a long time. Myasthenia Gravis still presents its hurdles impacting my eyes, neck, breathing and even taking away my ability to sing but I choose gratitude. Having the physical strength to maintain my routine and function every day is a huge blessing.”


Sa kabila ng mga limitasyong dulot ng kanyang kondisyon, pinipili pa rin niyang maging positibo at magpasalamat sa mga bagay na kaya niyang gawin.


Nang tanungin naman kung ano ang nagsisilbing inspirasyon niya sa mga panahong ito, simple lang ang naging sagot ng aktres, pero ito ay makahulugan — ang kanyang mga anak.


Sinabi ng aktres na sinisikap niyang maging pinakamahusay na bersiyon ng kanyang sarili para sa kanyang pamilya, na siyang nagbibigay sa kanya ng lakas at inspirasyon.

Nakatanggap naman ng maraming suporta, panalangin at encouragement mula sa kanyang mga tagahanga si Sunshine matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan.


Para sa kaalaman ng lahat, ang Myasthenia Gravis ay maaaring magdulot ng muscle weakness na nagbabagu-bago sa bawat tao. Bagama’t sinabi ni Sunshine na nakatutulong sa kanya ang kanyang fitness routine, hindi ito nangangahulugang ang ganitong exercise regimen ay angkop para sa lahat ng may MG.





ISA sa mga special guests ni Angeline Quinto para sa kanyang AQuinse concert sa August 22 na gaganapin sa Araneta Coliseum ay si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.


Kinumpirma na ito ng Star Music kamakailan.


Sey nila, “Mas lalong naging kapana-panabik ang espesyal na selebrasyon ng anibersaryo na ito, dahil ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ay kasali na sa line-up ng guest performer!”


Ang show ay ang pagdiriwang ng ika-15 taon ni Angeline sa showbiz industry.

Bukod kay Regine, nauna nang inanunsiyo na sina Martin Nievera, Enchong Dee, Erik Santos, Baby Dolls, at marami pang iba ay kasama sa concert bilang mga special guests.


Ang singer at tinaguriang Reyna ng mga Teleserye Theme Songs ay nauna nang nagsabi na nasasabik siyang gumawa ng mas marami pang kanta at konsiyerto ngayong taon.


Sinimulan ni Angeline ang kanyang professional music career noong 2011 matapos manalo sa reality singing competition na Star Power (SP).


Ani Angeline sa kanyang Instagram (IG) Stories: “Ang concert na ito ay hindi lang pagdiriwang ng aking journey, kundi pasasalamat sa bawat taong naniwala, sabay na umawit at nagmahal sa akin sa loob ng 15 taon.


“15 years later—at patuloy pa rin akong nangangarap, umaawit at nagmamahal kasama kayo. Maraming salamat sa paglalakbay na ito.”


Tamang-tama rin para sa 15th anniversary ng singer ang pagkakaroon niya ng talk show, ang The Angeline Quinto Show.


Isa itong celebrity talk show na may halong kantahan, kuwentuhan, at mga espesyal na panauhin. 


Ayon sa mga teaser, kabilang sa mga unang guests sina Erik Santos at Vice Ganda.

Tiyak na riot ito, knowing Angge, napaka-bubbly nitong tao.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 9, 2026



BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8

Photo: IG _rurumadrid8



Ang daming nag-react sa inamin ni Ruru Madrid on national TV na nag-cheat siya sa girlfriend niyang si Bianca Umali. Pinatawad siya at muling tinanggap and in fact, going strong pa rin ang kanilang relasyon at walong taon na silang in a relationship.


Ang daming nagalit sa aktor at tanong nila, kailangan pa bang i-announce ‘yun? Hindi raw ba naisip ni Ruru na masasaktan si Bianca sa kanyang pag-amin at makakatanggap ng not-so-nice comments?


Sample ng comments para kay Bianca:

“Paano n’yo napatawad ‘yung ganito? S**t, ako, ‘di ko kaya mag-stay kasi feel ko, uulitin.”


“And Bianca you stayed? Girl, you’re more than this. What if kayo ang endgame, ikinasal, nagkaanak—chances are mararanasan din ito ng anak mo, s’ya ang magsa-suffer sa kalokohan ng tatay n’ya. Run, until you still can.”


“Bianca, iwan mo na ‘yan. Independent ka namang babae, alam mo ‘yan... you don’t need a ‘man’ na ganyan ang reasoning, nakakabobo. Statement is so dumb. Meaning in-appreciate ka lang after gaguhin? Run, girl.”


“Believe me Bianca, there are a few men out there that have never done this ever.”

“Bianca, you’re still young, so free yourself from that ugly thing.”


May nagalit sa binanggit ni Ruru na nakita niya ang kahalagahan ni Bianca after niyang mag-cheat. Maling reasoning daw ito at pasalamat si Ruru na tinanggap pa rin siya ng GF.

Sey pa ng ibang netizens:


“Kaya naman puro s’ya sweet words sa mga post n’ya at sa post ni Bianca. Ano’ng klaseng logic ‘yan, Ruru? Whatever the reason he has cheating is always a choice. Defend mo pa sarili mo. Nagkamali ka na in single time, magiging marami pa ‘yan for sure.”


“Character development kuno pero serial cheater pala.”


May sarcastic comment pa na, “‘Wag mo na pakawalan ‘yan, Bianca, baka mapunta pa sa iba,” at ang nakakaaliw na, “Na para bang ang pogi-pogi n’ya,” at “Umamin kasi? May ginawa ba ulit? Pinangunahan n’ya ba ‘yung takot n’ya?”


In fairness, walang balita na nag-away sina Ruru at Bianca after umamin na nag-cheat siya. Ang ibig sabihin nito, solid talaga ang relasyon ng dalawa, mas nanaig ang pagmamahal ng aktres sa boyfriend.





Nagbabalik-host, walang reklamo…

SHOOTING NI KRIS, INABOT NG MADALING-ARAW



May mga nai-share ang mga close kay Kris Aquino during the shoot ng collab nina Kris Aquino at Netflix.


Sabi ni Atty. Gideon V. Peña, “We all celebrate the comeback. But few get to witness the courage it took to get there. The best is yet to come, @krisaquino.” 

May ipinost din itong behind-the-scenes.


Sey naman ni Michael Leyva, “I specifically prayed to God for this day to come. I have always hoped for you to stay healthy and be able to come back to doing what you love the most. 





“People will come and go, but I will always stay by your side, forever. My heart is crying with joy to see the one and only Queen of All Media, Kris Aquino again in Michael Leyva. I love you so much, Ate (Kris).”


Sambit ni Mama Loi, “I NEVER LOST FAITH THAT THIS DAY WILL COME... when THE Queen, Ms. Kristina Bernadette Cojuangco-Aquino will face the cameras again and do what she does best.”


Nabanggit ni Mama Loi na nahirapan si Kris during the shoot dahil sa kanyang rheumatoid arthritis.


Aniya, “During the shoot, I saw how hard it was for her because ‘yung rheumatoid arthritis, talagang namamaga. Earlier during the shoot, it was okay, pero ganu’n pala talaga ang autoimmune, nakakagulat ‘pag nakaramdam ng pagod, nagrerebelde.”


Si Atty. Gideon ay lawyer na close kay Kris at sa mga anak nito. Si Michael ang fashion designer na very close rin kay Kris. Si Mama Loi ay content creator na part din ng Team Kris.


Kuwento pa ni Mama Loi, ang cut-off time ni Kris ay 12 midnight, pero inabot ng 1:30 AM ang shoot at wala siyang reklamo.


Aniya pa, “Sobrang saya namin na mapanood kang muli @krisaquino. Praying your continued healing and we are earnestly looking forward to see more of you. Our Queen.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page