top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 12, 2026



Manny Pacquiao - IG

Photo: Manny Pacquiao - IG



Fake news daw ang lumabas sa isang National Basketball Association (NBA) site na bagong owner si Manny Pacquiao ng Miami Heat dahil bumili ito ng majority stake sa nabanggit na American professional basketball team based in Miami.


Kaya raw fake ang balitang ito ay dahil hindi naibalita sa US at pati rito sa bansa. 

Kaya lang, bakit hindi pa idine-delete at patuloy na nababasa ang balita, at may mga nagko-comment pa nga?


Comment ng isang netizen, “Manny definitely does not have that type of money. It takes billions to be a majority owner.” 


Sinundan pa ito ng comment na, “He is a billionaire but I’m not sure if his billions is really enough to get the majority ownership of Miami Heat.” 


Sey pa, billionaire si Manny sa Philippine peso, hindi sa US (United States) dollar.

Kailangan sigurong pakitaan na ni Manny ng limpak-limpak niyang pera ang mga nagtatanong kung magkano talaga ang kayamanan niya. 


Kung totoo man na majority owner na siya ng Miami Heat, ibig daw sabihin, makikita natin si Manny tuwing may laro ang basketball team.





May poster at may inilabas na behind-the-scenes at teaser ang Prime Video para sa drama series nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza na Honor Thy Mother (HTM). In-announce rin na sa September 11, 2026 ang simula ng streaming ng series na marami na ang nag-aabang.


Sa mga eksena ni Sharon, mukha siyang galit at si Barbie naman ay unmade-up ang mukha, kaya ang paniwala ng mga fans, kontrabida ang role ni Mega. 


Mukhang galit din daw ang tagline ng series na: “How far can you go to claim what is rightfully yours?” at “Two generations. One fight for legacy.”


Masaya ang mga friends ni Barbie na makasama niya si Mega sa isang malaking project. Si Rita Daniela, napa-comment ng “Only @barbaraforteza nakakaiyak, ‘Te! Tinupad mo ang mga pangarap namin,” na sinagot ni Barbie ng “Halaaa! Grabe ka, Mare. Maraming-maraming salamat! Sobrang saya ng puso ko.”


Natutuwa ang mga fans ni Barbie dahil sa magandang billing ng aktres sa series, kasinglaki at same line raw ng name ni Sharon. Narinig namin ang mga songs sa series at isa si Sharon sa mga kumanta.


Kabilang din sa cast ng HTM sina John Estrada, Mercedes Cabral, Khalil Ramos at Tonton Gutierrez. 


Sina Onat Diaz at Jojo Saguin ang mga director ng 14-episode family drama-series produced ng Dreamscape Entertainment at collab ng ABS-CBN at GMA Network.

Si Barbie ang bagong dagdag na anak sa showbiz ni Sharon. Sinabi raw ni Mega na tawagin siyang ‘Mama’ ng aktres na lubos nitong ikinatuwa.





Palaban… NADINE, SINOPLA NG NETIZEN SA IBINEBENTANG PRE-LOVED ITEMS, NANG-BLOCK



  • Nadine Samonte-Chua
    Nadine Samonte - IG


Sinagot at inalmahan ni Nadine Samonte ang pumunta sa ibinenta niyang pre-loved goods. Tinawag kasi ng netizen na sa Anko lang binili ni Nadine ang pre-loved items na ibinebenta niya.


Palaban ang sagot ni Nadine na, “Kung walang pambili, ‘wag na lang tumingin. Gusto pa yata ng libre.”


Sabi kasi ng netizen, “‘Kaloka! Anko, ibinebenta pa ng mahal + shipping fee pa.”


Sagot ni Nadine, “‘Di lang po Anko ‘yan, may Adidas at Gibi. Mag-check po muna bago comment ka r’yan. At kung wala ka naman balak bumili, eh, ‘wag ka na tumingin,” at “‘Di Anko rito, sa Australia pa ‘yan, duh? Obvious na ‘di mo alam.”


Ipinaalam din ni Nadine na ang dalawang nagreklamo ay iba-block niya agad-agad para nga naman hindi na makapag-comment pa. 


Ang Anko pala ay Australian brand at meron nang branch sa Gateway Mall. Na-curious tuloy kaming puntahan ito to check para malaman kung ano ba ang goods nila.

Well, si Nadine ang isa sa mga celebrities na walang filter at kung ano ang gustong sabihin at nasa isip ay sinasabi. 


Naalala namin, last holiday season, nag-dialogue siyang huwag bigyan ng solicitation letter ng press na naaalala lang daw siya kapag nagso-solicit.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 11, 2026



WINNER - SHARE NI GABBY LOPEZ SA ABS-CBN, IBINENTA NA KAY RAMON ANG-Wikimedia

Photo: File / Wikimedia



Ibinenta na ni Eugenio ‘Gabby’ Lopez III at ng kanyang pamilya ang kanilang 25.68% stake sa Lopez, Inc. kay Ramon Ang.


Sa pamamagitan ng holding company na Crème Investment Corp. ay nagkaroon ng 25.68% si Ang sa Lopez, Inc., kung saan bahagi ang ABS-CBN, gamit ang kanyang kumpanyang Ilumina Investment Holdings, Inc..


Hindi inihayag ang eksaktong halaga ng bentahan. Pero kung ano ang dahilan ay malinaw na naihayag ni Gabby.


“The first is my family. This dispute has not been good for any of us, or for the people who work in our companies. This allows us to take a step towards the restoration of family peace. The second is that it allows me to channel our family’s resources into businesses aligned with our personal mission. 


“We will announce more on this in due time. Our families have known Ramon a long time. I am confident he will be a good partner to Lopez, Inc.,” sabi ni Gabby.


Sa panig ni Ramon, nilinaw niya na mananatili ang kontrol ng mga Lopez sa kumpanya at binili niya ang kanyang share sa kanyang sariling kapasidad bilang kaibigan ng lahat ng panig.


Pahayag ni Ramon, “I have known the Lopez family for decades. Not one branch of it, but all of them. I am a friend to each, and I intend to stay that way. I came in because I believe in these businesses, and because a steady partner at the table can be good for everyone around it. 


“The family branches that continue to hold the controlling majority of Lopez, Inc., will continue to lead it. My interest is that the group comes out of this stronger.”


Prior to this, may mga naiulat na magsasanib-puwersa umano sina Ramon Ang at Manny Pangilinan sa pag-take over sa ABS-CBN. 


Kaya ang ibang mga netizens ay hinahanap ang partisipasyon ni Pangilinan sa naganap na bentahan between Gabby and Ramon.


“The next question: What is Manny Pangilinan’s actual role in this deal?”

“Parang out of the picture na. Besides, MVP already owns the previously Lopez-held Meralco.”

Ano’ng nangyari?





Bilyonarya na raw siya…

“NAKU, WOW! LORD, THANK YOU!” DIMPLES



BEST friend ng mga famous female celebrities, ito ang isa sa mga naging imahe ni Dimples Romana sa showbiz. Kaya naman, curious ang marami to find out bakit ang most of the well-known actresses sa bansa ay super-love siya.


“Kasi ‘di po ako sumasagot sa mga tanong,” sabay tawa ni Dimples noong makausap namin sa Tara, Kapatid! Midyear Mediacon & Trade Celebration ng TV5.


“At saka, siguro, ang mabuting kaibigan para sa kanila is standing by them and being able to hold forth. Kasi, kahit naman gusto nilang i-share sa atin ang buhay nila, ibigay na natin sa kanila ‘yun. Kasi, tayo naman ay may kani-kanyang pinagdaraanan sa buhay,” lahad ni Dimples.


Reynang-reyna ang peg ni Dimples sa TV5 ngayon. Bukod kasi sa kanyang Gud Morning Kapatid (GMK), napapanood din si Dimples sa serye nina Kathryn Bernardo at James Reid titled Someone, Someday (SS).


May nagsabi nga na bilyonarya na si Dimples.


“Naku, wow! Lord, thank you. Well, I have three kids. So, I have to make sure na lahat ng ginagawa ko ay para sa mga anak ko,” reaksiyon ng aktres-TV host.


Kahit graduate at nagtatrabaho na bilang pilot ang anak na babae ni Dimples, meron pa raw siyang baby boy na palalakihin at pag-aaralin.


“Kaya nga po I’m so happy with TV5. They have given me new ways to practice my craft and to be in the news. I’m so excited that I get to do the news with TV5,” diin pa ni Dimples.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 11, 2026



Payo sa mga kapwa artista… KRIS: ‘WAG MAG-AASAWA ‘PAG WALA PANG IPON

Photo: IG / Kris Bernal



Hindi pinagsisihan ni Kris Bernal kung pinili niyang magpahinga muna sa showbiz nang magdesisyon siyang magpakasal sa Chinese businessman na si Perry Choi. Naging full-time wife at mom siya at nagkaroon ng negosyo.


Ganunpaman, hinahanap pa rin niya ang masayang mundo ng showbiz at ang muling makaarte. Masuwerte rin siya na very supportive ang kanyang mister at pinagbigyan siyang bumalik sa showbiz.


Muling naramdaman ni Kris ang pagiging celebrity. Marami siyang naging guestings sa mga TV shows ng GMA-7. Naging matatag at stable ang kanyang kita at nabibili niya ang lahat ng kanyang gusto.


Kaya payo ni Kris sa mga single girls ngayon sa showbiz, huwag sumubo agad sa pag-aasawa kung hindi pa financially stable. Huwag magmadali na basta i-give-up ang career kung hindi pa handa.


Sa kanyang kaso, na iniwan ang career dahil sa pag-ibig, masuwerte siyang muling nakabalik sa showbiz. 


Tama rin ang pinili niyang maging life partner, mahal na mahal siya at nasusunod ang lahat ng kanyang gusto.


Ngayon, kahit na hindi siya ang bida sa serye, maganda ang exposure niya sa telebisyon. Uso na naman siya.





Bukod kina Marian at Dingdong…

BEA AT VINCENT, INAABANGANG MAG-GUEST SA GGV NI VICE



MULING pumirma ng kontrata si Vice Ganda sa Kapamilya Network, kaya tuluy-tuloy pa rin siya sa noontime show na It’s Showtime (IS) matapos mapabalitang na-suspend siya rito.


Well, hula ng mga netizens ay ibabalik ang Gandang Gabi Vice (GGV) show niya, pero sa GMA-7 ito mapapanood. 


Wala pang kumpirmasyon mula sa mga bossing, pero ito rin ang naririnig naming gagawin ni Vice para sa Kapuso Network.


Posibleng sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mga unang guests ng show. Posible rin na pumayag na mag-guest si Bossing Vic Sotto dahil may movie sila na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026. 


At bongga kung maiimbita ni Vice Ganda ang bagong kasal na sina Bea Alonzo at Vincent Co.




BFF, uninvited… 

DIMPLES, ‘DI NAPIGA SA NAGING SECRET WEDDING NINA BEA AT VINCENT



ISA si Dimples Romana sa mga dinumog ng entertainment press sa Tara Kapatid! 2026 Midyear Media and Trade Celebration ng TV5. 


Mag-best friend sina Dimples at Bea Alonzo, kaya marami ang nagtataka o nagtatanong kung bakit hindi siya naimbita at nasabihan tungkol sa magaganap na civil wedding nina Bea at Vincent Co. Hindi ba siya na-offend at nagtampo?


Well, sey ni Dimples, wala siyang tampo at hindi rin na-offend kung hindi man naimbita sa kasal. Magkaibigan sila ni Bea kaya nagkakaintindihan sila sa maraming bagay.


Basta happy siya para kay Bea na natagpuan na nito ang kanyang ‘the one’. Alam ni Dimples na kakayanin nito ang bagong yugto at journey sa kanyang buhay-may-asawa.


Bilang isang matapat na kaibigan, ayaw nang magdetalye ni Dimples sa inside story ng civil wedding, kaya hindi siya napilit ng media na magsalita tungkol sa buhay ngayon ni Bea bilang Mrs. Co.


Samantala, may bagong morning news show si Dimples Romana sa TV5, ang Frontline sa Umaga, na ini-relaunch ng network ngayong Agosto 10. Kasama niya rito sina Ed Lingao, Chiqui Roa-Puno, Angela Lagunzad-Castro at Andrei Felix.


Kasama rin si Dimples sa bagong series na Someone, Someday (SS) na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at James Reid, with Maja Salvador.

Bukod diyan, nasa Gud Morning Kapatid din si Dimples, kaya sa tatlong shows siya napapanood sa Kapatid Network. 





MAY magaganap na crossover sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at sa afternoon soap na Born to Shine (BTS)


Magiging bahagi si Abunda ng serye dahil sa pagge-guest ni Zephanie sa Fast Talk bilang si Jennie, na humiwalay na sa kanyang grupo at nagdesisyon na mag-solo.


Pipirma na siya ng kontrata sa isang malaking recording company. Nagpasalamat si Zephanie kay Boy Abunda dahil bukod sa mabait at matulungin, niregaluhan pa nito ang grupo niya sa BTS ng damit na isusuot nila sa taping.


Thankful din si Zephanie sa mga lead stars ng serye na sina Manilyn Reynes, Vina Morales, Sheryl Cruz, Tina Paner, Smokey Manaloto, Michael Sager at iba pa sa suportang ibinibigay sa mga baguhang tulad niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page