top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 14, 2026



FRANKLY - SB19, PROUD NA MAGPE-PERFORM SILA NG BINI SA SUMMER SONIC-IG _officialsb19 & _BINI_ph

Photo: IG _officialsb19 & _BINI_ph



Handang-handa na ang SB19 for their very first Summer Sonic Music Festival performance na gaganapin sa Osaka, Japan ngayong August 14, 6:05 PM Japan time (5:05 PM Philippine time).


Excited na ang grupo sa nasabing musical event at lalo pa silang natuwa na kasama nila ang BINI bilang performers, although magkaiba sila ng stage.

BINI will be performing on the Mountain Stage habang ang SB19 naman ay sa Massive Stage.


“Nakaka-proud po, we’re gonna represent the country… first time namin both na mag-Summer Sonic so it’s a big thing also sa Japan, and again, inire-represent namin ‘yung country namin and we make the Filipinos proud na we can do it too,” sabi ng isa sa mga miyembro ng SB19 na si Ken sa panayam ng ABS-CBN.


Biro naman ni Justin, “Unang-una sa lahat, ‘di na po kami magle-leather jacket. We’re pretty sure na mainit po ‘yung stage, pero mas paiinitin pa po namin s’ya sa aming performance.”

Dagdag pa niya, “Pinaghandaan po namin ‘yun, we have more rest right now. Japan is one of our favorite countries, so we’ll make it special for them.”


Sey naman ni Pablo, “Extra special po s’ya for the Filipino industry, kasi kasama rin natin ang BINI. Nakakatuwa lang na full force ba, ang saya-saya.”


Wish ni Ken na, “In the future, marami pang mga Filipino artists ang makapunta rin internationally and maka-penetrate ‘yung Filipino music, OPM, internationally. And that’s our dream and that’s our goal ever since the beginning.”


Samantala, ginulat ng P-pop Kings at Nation’s Girl Group BINI ang kanilang mga fans nang magsama ang dalawang grupo sa Rohnert Park, Northern California kamakailan.

Nag-viral nga kaagad online ang larawan nila na magkakasama in one frame.


“‘Yung ganitong klaseng pagkakataon po na pagkikita namin is our breather din po sa mga nakakapagod na tour, nakaka-drain na show, at ‘yung makakita kami ng mga friends sa industry is something na refreshing at mas nakaka-excite pa po na tumuloy sa mga next stops pa po namin,” sabi ni SB19 Stell.


Bago ito ay gumawa rin ng history ang Kings of P-pop as the first all-Filipino act to perform at the Lollapalooza Music Festival in Grant Park, Chicago, held last July 30, 2026.


“Super-amazing po kasi s’yempre, for Lollapalooza, kami lang po ‘yung all-Filipino group doon and parang nakakatuwa po na as of now, nararating na po ng OPM at ng P-pop lahat ng ganitong estado,” sey ni Josh.





NOMINADO sa 39th Awit Awards bilang Best Novelty Recording ang More Tawa, More Saya na campaign song ng Kapuso comedy channel na YoüLOL.


Ang nasabing jingle ay pinerform nina Michael V., Manilyn Reynes, Boobay, Matt Lozano, at Buboy Villar.


Sakto naman ang nominasyon na ito dahil in the mood for celebration pa rin ang YoüLOL kasunod ng kanilang 6th anniversary nitong Hunyo. 


Promise ng comedy show ng GMA, patuloy silang maghahatid ng More Tawa, More Saya!


Gaganapin ang Awit Awards sa September 15 sa SM Mall of Asia (MOA). Available na rin ang tickets para sa much-awaited event. 





HEART, GAME NANG RUMESBAK SA MGA BASHERS 



READY to clap back na sa kanyang mga bashers si Heart Evangelista na haharap sa vodcast hearing ng Your Honor (YH) this Saturday, August 15.


For sure, interesting ang usapan dahil si Heart ang resource person nina Madam Chair Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar. 


Kaya naman, humanda na sa mga banat at eksenang siguradong magpapa-“objection” sa mga viewers.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 14, 2026



BULGARY - MELAI, KAHIT ARTISTA NA, NAG-RORO SA BARKO-IG _mrandmrsfrancisco

Photo: IG _mrandmrsfrancisco



Pinuri ng isang netizen ang pagiging humble ni Melai Cantiveros at hindi nito pagpi-feeling celebrity kahit pa sikat na rin naman siya.


Sey ng netizen sa post ni Melai na kasama ang mga anak sa kanyang social media account, “Na-amaze and humbled ako sa post ni Melai. Artista na, ha, maayo og income pero wala gyud arte (malaki ang kita pero walang arte). Nagsakay og barko, economy class.”

Naka-post kasi ang larawan ng mag-iina na bibiyahe papuntang Oriental Mindoro, sa probinsiya ng mister niyang si Jason Francisco.


Ang caption ng comedienne-actress-host sa mga kuha nilang larawan na may kalakip na dasal: “Currently sailing. Lord, please safe our sailing #mindoro.”


Humanga rin ang ibang netizens sa pagpapakatotoo ni Melai.

Sey nila, “Grabe, napaka-humble kahit nakakaangat na sa buhay, sa RORO pa rin sila sumasakay.”


“Ingat po. Ito talaga ‘yung sikat na walang arte. ‘Di naka-business class. As in super normal lang.”


“As someone from Oriental Mindoro, province ni Jason, kung saan papunta sina Melai kaya nasa barko, wala pong business class ang barko. Yes, may aircon na area pero same price lang lalo kung may dala kang sasakyan. It’s a matter of choice kung saan ka pupuwesto. Paunahan pa minsan kung saan mo gusto lalo sa may higaan. Not against Melai, mabait naman talaga sila at humble, just want to share that fact.”


“Kudos to Melai! But to be fair, ‘di naman necessarily maituturing na kaartehan ang pagsakay sa private or business-class vehicles. Even non-celebrities sometimes choose them for comfort, convenience, or simply because that’s what they’re used to.


“I love her. She’s a rare gem na super-genuine. One of the few people who never fails to make me laugh and feel good about myself afterwards. She’s with her kids so I think part ng parenting n’ya is to let her kids experience the life she had. Maybe that’s also her way of staying grounded.”





KORINA, HUMIRIT SA DAPAT SISIHIN SA MATINDING BAHA, INULAN NG KOMENTO



MAY matapang na tanong ang broadcast journalist na si Korina Sanchez tungkol sa pananagutan sa lumalalang problema ng baha. 


Kinuwestiyon niya ang responsibilidad ng mga mamamayan at gobyerno sa pagtugon sa flood control.


Binigyang-diin niya ang napakaraming basurang naiiwan sa mga aluyan ng tubig sa Lungsod ng Parañaque matapos ang malakas na pag-ulan. 


Sa Facebook (FB), tinawag ni Korina ang pansin ng kinauukulan sa napakaraming basura na naipon sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa harap ng simbahan ng Baclaran. 


Nakita ang mga ito matapos maapektuhan ng pagbaha ang ilang lugar sa gitna ng patuloy na pag-ulan.


“Para medyo sosyal naman. Alam mo ba na ang basura sa Spanish ay basura rin?

“All this garbage from the Manila Bay used to get washed up onto Manila waterways. Now with the reclamation, it seems the garbage now has been diverted to Parañaque waters.


“Wow! So tell me: mas kasalanan ba ng tao ang flooding problem natin? O ng gobyerno? I have an answer. You first. #garbage #pollution #flood #water #problem,” ani ng anchor-TV host sa kanyang FB account.


Dahil dito, nagbigay ng iba’t ibang pananaw ang mga netizens, kung saan marami ang nagsasabing disiplina ng publiko ang kailangan kasabay ng pananagutan ng gobyerno.


Itinuro naman ng iba ang hindi wastong pagtatapon ng basura, hindi sapat na pangongolekta ng basura, ang pangangailangan para sa disiplina sa sambahayan, at ang responsibilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan na mapanatili ang mga sistema ng drainage at mga nakapalibot na lugar.


Sabi ng isang netizen, “For me, ‘di s’ya simply about people vs. government. Both have a responsibility, pero mas malaking accountability should be placed on those who have the power, resources, and authority to actually solve the problem.


“Yes, kasalanan din ng tao ang pagtatapon ng basura. But proper waste management, drainage systems, flood control, waterways, reclamation planning, and strict enforcement are also government responsibilities.


“So maybe the real question is not ‘Sino ang mas may kasalanan?’ but ‘Sino ang may mas malaking capacity para ayusin ito?’


“Ordinary citizens can choose not to litter, pero ang government ang may resources and authority to create systems that prevent our waterways from becoming garbage collectors.


“At the end of the day, kailangan natin ng discipline from the people and accountability from the government. ‘Di puwedeng isa lang, both have to do their part.”


Agree, mga Ka-Bulgar?!


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 13, 2026



WINNER - MARIS, MAY KASAMANG AFAM SA AIRPORT-FB Maris Racal

Photo: FB Maris Racal



Spotted si Maris Racal na dumating sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Tawi-Tawi. Galing ang aktres sa shoot ng aksyon-serye nilang Incognito 2 sa may Mindanao area.


Solo lang si Maris among the cast na makikita sa picture na naka-post online habang papasok sa kotse paglabas ng airport.


Hindi niya kasama na umalis ang naugnay sa kanya at kasama rin niya sa cast na si Anthony Jennings. Although, may mga larawan din ang ibang aktor/aktres ng Incognito na lumabas online na kasabay ni Maris na dumating sa airport, gaya ng magkasintahang Daniel Padilla at Kaila Estrada, at sina Anthony Jennings at Ian Veneracion.


Pero may lalaking mukhang foreigner ang umalalay kay Maris papasok ng sasakyan.

Hindi artista rito ang hitsura ng guy. Kaya hindi pa namin knows kung sino ‘yun na kasama ni Maris sa airport.


Kamakailan ay may nakakaintrigang post si Maris sa kanyang social media. Marami ang nakapansin na may AFAM na siyang kasama. At duda ng mga netizens, iyon na ang bagong karelasyon niya.


Well, sooner or later naman, tiyak na ire-reveal ‘yan ni Maris. Wait lang.





Kahit mahal ang tiket, box office hit…

DIREK JOEY: PELIKULANG PILIPINO, NAGHIHIKAHOS DAHIL SA SPIDERMAN



MAHIGIT bilyong piso na ang kinita ng Spider-Man: Brand New Day (SBND) sa takilya na pinagbibidahan ni Tom Holland.


Ang latest total figure na kinita nito sa takilya ay P1,055,450,903B sa ikalawang linggo nito sa mga sinehan.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanonood sa pelikula ni Tom sa kabila ng masamang panahon na nararanasan sa bansa. Opening day pa lang kasi ng SBND ay kumita na agad ng P95.9 million.





Siyempre, wish ng mga taga-industriya na sana, hindi man pumantay ay kahit paano, marami ang manood sa mga sinehan ng local films. 


Pero ‘yun na nga, sadsad pa rin ang local films sa mga sinehan kahit anong pursige ng taga-‘rah-rah’ (support) ng local movies sa bansa.

Mismong ang direktor na si Joey Reyes ay inaming naghihikahos ang local movie industry.


Talak ni Direk Joey, “Ang pelikulang Pilipino ay naghihikahos, okay. At bakit naghihikahos ang pelikulang Pilipino?


“Dahil almost P800M ang kinita ng Spiderman. At almost P500M ang kinita ng l.’

“Ito ay sa aking pakiwari lang, ha? ‘Di ang presyo ng ticket ang problema. Ang problema ay ang attitude ng Pilipino sa pelikulang Pilipino.”


Handa raw gumastos ang mga tao sa malalaking banyagang palabas, kaya’t hindi sapat na dahilan ang mahal na tiket sa sinehan.


Kaya hamon niya sa mga filmmakers at producer na itaas ang kalidad ng kuwento at iwasan ang pagiging kampante o paulit-ulit na lang sa mga pormula.

Oh, well!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page