ni Beth Gelena @Bulgary | August 14, 2026

Photo: IG _mrandmrsfrancisco
Pinuri ng isang netizen ang pagiging humble ni Melai Cantiveros at hindi nito pagpi-feeling celebrity kahit pa sikat na rin naman siya.
Sey ng netizen sa post ni Melai na kasama ang mga anak sa kanyang social media account, “Na-amaze and humbled ako sa post ni Melai. Artista na, ha, maayo og income pero wala gyud arte (malaki ang kita pero walang arte). Nagsakay og barko, economy class.”
Naka-post kasi ang larawan ng mag-iina na bibiyahe papuntang Oriental Mindoro, sa probinsiya ng mister niyang si Jason Francisco.
Ang caption ng comedienne-actress-host sa mga kuha nilang larawan na may kalakip na dasal: “Currently sailing. Lord, please safe our sailing #mindoro.”
Humanga rin ang ibang netizens sa pagpapakatotoo ni Melai.
Sey nila, “Grabe, napaka-humble kahit nakakaangat na sa buhay, sa RORO pa rin sila sumasakay.”
“Ingat po. Ito talaga ‘yung sikat na walang arte. ‘Di naka-business class. As in super normal lang.”
“As someone from Oriental Mindoro, province ni Jason, kung saan papunta sina Melai kaya nasa barko, wala pong business class ang barko. Yes, may aircon na area pero same price lang lalo kung may dala kang sasakyan. It’s a matter of choice kung saan ka pupuwesto. Paunahan pa minsan kung saan mo gusto lalo sa may higaan. Not against Melai, mabait naman talaga sila at humble, just want to share that fact.”
“Kudos to Melai! But to be fair, ‘di naman necessarily maituturing na kaartehan ang pagsakay sa private or business-class vehicles. Even non-celebrities sometimes choose them for comfort, convenience, or simply because that’s what they’re used to.
“I love her. She’s a rare gem na super-genuine. One of the few people who never fails to make me laugh and feel good about myself afterwards. She’s with her kids so I think part ng parenting n’ya is to let her kids experience the life she had. Maybe that’s also her way of staying grounded.”
KORINA, HUMIRIT SA DAPAT SISIHIN SA MATINDING BAHA, INULAN NG KOMENTO
MAY matapang na tanong ang broadcast journalist na si Korina Sanchez tungkol sa pananagutan sa lumalalang problema ng baha.
Kinuwestiyon niya ang responsibilidad ng mga mamamayan at gobyerno sa pagtugon sa flood control.
Binigyang-diin niya ang napakaraming basurang naiiwan sa mga aluyan ng tubig sa Lungsod ng Parañaque matapos ang malakas na pag-ulan.
Sa Facebook (FB), tinawag ni Korina ang pansin ng kinauukulan sa napakaraming basura na naipon sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa harap ng simbahan ng Baclaran.
Nakita ang mga ito matapos maapektuhan ng pagbaha ang ilang lugar sa gitna ng patuloy na pag-ulan.
“Para medyo sosyal naman. Alam mo ba na ang basura sa Spanish ay basura rin?
“All this garbage from the Manila Bay used to get washed up onto Manila waterways. Now with the reclamation, it seems the garbage now has been diverted to Parañaque waters.
“Wow! So tell me: mas kasalanan ba ng tao ang flooding problem natin? O ng gobyerno? I have an answer. You first. #garbage #pollution #flood #water #problem,” ani ng anchor-TV host sa kanyang FB account.
Dahil dito, nagbigay ng iba’t ibang pananaw ang mga netizens, kung saan marami ang nagsasabing disiplina ng publiko ang kailangan kasabay ng pananagutan ng gobyerno.
Itinuro naman ng iba ang hindi wastong pagtatapon ng basura, hindi sapat na pangongolekta ng basura, ang pangangailangan para sa disiplina sa sambahayan, at ang responsibilidad ng mga lokal na yunit ng pamahalaan na mapanatili ang mga sistema ng drainage at mga nakapalibot na lugar.
Sabi ng isang netizen, “For me, ‘di s’ya simply about people vs. government. Both have a responsibility, pero mas malaking accountability should be placed on those who have the power, resources, and authority to actually solve the problem.
“Yes, kasalanan din ng tao ang pagtatapon ng basura. But proper waste management, drainage systems, flood control, waterways, reclamation planning, and strict enforcement are also government responsibilities.
“So maybe the real question is not ‘Sino ang mas may kasalanan?’ but ‘Sino ang may mas malaking capacity para ayusin ito?’
“Ordinary citizens can choose not to litter, pero ang government ang may resources and authority to create systems that prevent our waterways from becoming garbage collectors.
“At the end of the day, kailangan natin ng discipline from the people and accountability from the government. ‘Di puwedeng isa lang, both have to do their part.”
Agree, mga Ka-Bulgar?!

