top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 15, 2026



BIDA - ISABEL, SUPORTADO ANG BALIKANG HEART-JOHN-IG _isabeloliprats & _iamhearte

Photo: IG _isabeloliprats & _iamhearte



Makikita ang red heart emoji comment ni Isabel Oli-Prats bilang reaction sa reels video nina Heart Evangelista at John Prats na nagli-lip sync ng kanta. 

Sinagot siya ni Heart ng “@isabeloliprats colors.”


Tinawag na supportive wife to John si Isabel at dahil dito, love siya ng mga fans nina Heart at John. 


May mga nag-comment ng “We love you, Mrs. Prats,” at “I love you na, Mrs. Prats. We love the three of you.”


Masaya at tuwang-tuwa ang mga fans nina Heart at John sa reels ng dalawa at sa post ni Heart na “Something’s cooking.” Ang tinukoy nito ay ang kinumpirma niyang upcoming project nila ni John. Wala pang ini-announce na detalyadong project, kaya hindi pa alam kung pelikula ba o TV series ito.


Ang nabanggit ni Heart, para ito sa kanilang loyal fans at dedicated supporters ni John na 20 years nang sumusuporta sa kanila. 


Pangako ni Heart, “We shall give you a major fan service! Batang ‘90s, ready!” at nag-agree si John.


Sa photoshoot ng dalawa, si Heart ang nag-makeup kay John at ‘kaaliw ang comment ng huli na “Magiging kamukha ko na si Heart.” 


May nakakatuwa pang comment na, “Isabel at Chiz left the earth, just kidding…” na sina Isabel at Sen. Chiz Escudero ang tinukoy at obvious namang nagbibiro lang.





DONNY, NAMIGAY NG BIGAS SA MGA BINAGYO SA CAVITE



TUMULONG ang aktor na si Donny Pangilinan sa mga naapektuhan ng magkasunod na bagyo, kung saan bumaha sa ilang lugar. 


Hindi naman siya maaakusahan na ginawang publicity stunt ang pagtulong sa Bgy. Acacia, Silang, Cavite dahil residente ng lugar ang nag-post ng mga photos. 


Siyempre, titingin siya sa camera at in fairness, sa isang larawan lang siya makikitang nakatingin.


Sa comment section ng nag-upload ng photos ni Donny, hindi raw planado ang pamamahagi nito ng tulong. Nagulat na lang daw ang mga residente ng barangay nang dumating ang aktor. Tinulungan siya ng mga barangay officials para maging maayos ang lahat. Bag of rice at goodies ang dala ni Donny.


Ang kuwento, nag-ikot pa siya sa ibang barangay sa Cavite para mamigay ng tulong. Kita sa mga larawan na masaya ang mga nabigyan at pinuri ng mga fans ang pagiging consistent nito. 


Bata pa lang daw, matulungin na talaga si Donny.





BAGONG MOVIE NINA JULIA AT JOSHUA, MAPANAKIT NA NAMAN



MAY playdate na ang movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na sa title pa lang, mapanakit na. Ito ang Always Yours, Never Mine (AYNM), sa direksiyon ni Cathy Garcia-Sampana at produced ng Star Cinema.


Sa title pa lang, nasaktan na ang mga fans at nadagdagan ang sakit nang mapanood ang ilang eksena ng dalawa na look test daw. Sa batuhan ng linya nina Julia at Joshua, lalong masasaktan ang mga moviegoers.


Well, may request ang mga fans na magkabalikan sina Julia at Joshua. May umaasa namang magiging totoo ito, kaya lang, parang malabo dahil si Julia lang ang single, habang may girlfriend si Joshua.


May request naman na sana, gumawa ng movie sina Julia at Joshua na hindi masakit sa dibdib ang concept, ‘yung hindi magpapaiyak. Maganda raw kung lalabas ng sinehan na hindi namumugto ang mga mata at sa halip ay nakangiti.


First movie ito ni Julia na wala na siya sa Viva, pero dahil Star Cinema ang producer, alam ng mga fans na itotodo ang promo nito. Malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng international screenings na inire-request ng mga fans na based abroad.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 14, 2026



WINNER - BEA, NASA CLOUD 9 SA SOBRANG LIGAYA NA KATABI NA SI VINCENT SA PAGTULOG-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



After one month ng controversial ‘secret civil wedding’ nila ni Vincent Co, ibinulgar na ni Bea Alonzo ang dahilan nito.


Nainterbyu kasi si Bea ni Nelson Canlas sa isang event para sa bagong endorsement ng Kapuso actress. Game naman na sinagot ni Bea ang mga tanong ni Nelson patungkol sa kanyang bagong buhay-may-asawa.


Natawa ang aktres nang tawagin siya ni Nelson as “Mrs. Co.” Pagkatapos ay binati nito si Bea sa first monthsary nila ni Vincent as husband and wife.


“Yes, I didn’t realize it. Ang bilis. How time flies, ‘no?” reaksiyon ni Bea.

After a month, walang sinabi si Bea sa major changes sa buhay niya except that iba na ang tirahan niya ngayon.


“Uh, ‘yung tirahan ko. Iba na ang address. S’yempre, nag-move in na kami together, obviously,” nakangiting sabi ni Bea.


Dugtong niya, “Uh, ano ba’ng nagbago? Uhm, right now, I’m on cloud nine. I’m very, very happy. I’m at my happiest. And siguro, ‘yung ano, I mean, s’yempre, we ano, wake up right next to each other everyday in a special way.”


At saka tinumbok na ni Nelson ang tanong kung bakit inilihim niya ang pagpapakasal kay Vincent.


Paliwanag ni Bea, “Honestly, I didn’t think that it’s something that I really, really need to share. So, parang uhm, ‘di naman sa ipinagdadamot but at that point, I felt like I just wanted it to be mine and his. So, I wanted it about us and no one else. So, yeah.


“It wasn’t supposed to be a surprise or wala namang pasabi. It wasn’t supposed to be like that. I felt like it was the right thing to do and you know, parang it was, the moment was us.”

Malay natin, baka after a month ay magka-baby na sina Bea at Vincent. Mauuna na kaya ito kaysa honeymoon, ganoon?


Puwede naman dahil nga may mga natanguan pa na commitments si Bea gaya ng teleserye niya na Whispers From Heaven (WFH).


Four days in a week ang taping ni Bea sa serye and more than half na raw ang nagagawa nila. Baka by the end of the month ay tapos na ang aktres na mag-taping.

So, puwedeng next month na ang honeymoon nila ni Vincent Co.





KAPAMILYA pa rin talaga ang tutulong sa gitna ng mga problema. 

‘Yan ang pinatunayan ng pamilyang Lopez na magbibigay ng P2.2 bilyon investment para sagipin ang ABS-CBN.


Ang ABS-CBN Corporation ay nakalikom ng P6 billion sa bagong equity.

Ang Crème Investment Corporation, Mantes Corporation at Presta Holdings Company, Inc., na kumakatawan sa tatlong sangay ng pamilya Lopez, ay nangako na mag-subscribe sa pinagsama-samang P2.2 bilyon sa pagbabahagi ng ABS-CBN gamit ang mga personal na mapagkukunan.


Ang I&C Holdings Corp., isang 100% Philippine-owned private investment holding company na namumuhunan para sa pangmatagalang turn-around ng kumpanya, ay magsu-subscribe sa P3.5 bilyong halaga ng ABS-CBN shares.


Ayon sa I&C Holdings Corp., “Ang ABS-CBN ay nakabuo ng mahahalagang tatak, intelektuwal na ari-arian, nilalaman at malalim na relasyon sa mga Pilipinong madla sa Pilipinas at sa ibang bansa. Habang patuloy na umuunlad ang industriya ng media, naniniwala kami na ang mga asset na ito ay nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa kumpanya upang umangkop, bumuo ng isang napapanatiling negosyo na pinangungunahan ng nilalaman at lumikha ng pangmatagalang halaga.”


Ang P6-bilyong pagtaas ng kapital ay nilayon upang palakasin ang balanse ng ABS-CBN habang binibigyan ang kumpanya ng karagdagang mapagkukunan. 


Ito ay upang maisakatuparan ang pagbabago nito sa isang mas sustainable, content-led media and entertainment business.


Ang mga pamumuhunan ay napapailalim sa pagpapatupad ng mga hiwalay na tiyak na kasunduan at mga naaangkop na kinakailangan ng korporasyon at regulasyon.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 14, 2026



TEKA NGA - BOSSING VIC, HINATI NA SA MGA NAUNANG ANAK ANG MGA NAIPUNDAR NA PROPERTIES-IG _vicsottoofficial

Photo: IG _vicsottoofficial



Hindi magiging problema kay Vic Sotto ang paghahati-hati sa kanyang mga anak ng mga properties na naipundar niya. 


Taong 2022 pa ay inayos na niya ang lahat, at may nakalaan na sa mga anak nila ni Dina Bonnevie na sina Oyo at Danica Sotto. May share rin si Paulina na anak niya kay Angela Luz.


Hinati ni Bossing Vic nang parehas ang mga naipundar niyang properties, at ang natira ay ang magiging pundar nila ni Pauleen para sa dalawa nilang anak na sina Tali at Mochi.


Sa ginawang ito ni Bossing Vic, secure na secure na ang future ng kanyang mga anak.


Si Oyo Sotto ay nahihilig sa TV at movie production. Marami siyang natutunan sa kanyang Daddy Vic. Naisasama siya noon ng ama sa mga sitcoms at pelikula, kaya kumikita na rin siya. Maayos din na naitataguyod ni Oyo ang kanyang pamilya. 


Well, maging si Dina ay may nakalaan din para kina Oyo at Danica. Masaya si Bonnevie na nagkasama-sama silang mag-iina sa House of D (HOD) sa YouTube (YT) dahil pinaka-bonding na nila ito.





Wala na ngang magagawa pa ang mga bashers ni Heart Evangelista dahil lalong sumisikat ang Kapuso actress habang siya ay nilalait. Walang makakahadlang sa kanyang popularidad bilang Global Fashion Icon.


Kilalang-kilala ang kanyang pangalan sa Paris at New York fashion circle. Paborito pa si Heart ng mga sikat na fashion designers kaya naman siya ang kinukuhang endorser ng mga sikat na makeup, pabango, bags, alahas, atbp..


May sariling style at tatak ang pagiging fashionista ni Heart. Kahit na galing pa sa ukay-ukay ang kanyang suot, nagkakaroon ito ng class at bumabagay sa kanyang personalidad.


Malaki rin ang tiwala ng GMA Network sa kanya kaya muli siyang pinapirma ng kontrata. 


Super happy and proud si Heart sa muling pagtanggap at pagtitiwala sa kanya ng GMA Network. At pangako niyang mananatili siyang Kapuso forever.


Well, anu-ano kayang shows ang inihanda ng GMA para kay Heart Evangelista?! May mga fans din ang nagtatanong kung may serye siyang gagawin bago matapos ang taong 2026?


So far, maganda naman ang naging feedback sa Heart’s World (HW) at sa reality game show na The People Have Spoken (TPHS). Kaya naman ni Heart na mag-host kung bibigyan ng lifestyle show.





Parehong jologs at palaban…

SUGAR AT HIIPON, SWAK MAGSAMA SA SHOW



SWAK ang tandem nina Sugar Mercado at Herlene Budol a.k.a. (also known as) Hipon Girl kapag pinagsama. Pareho kasi silang jologs at palaban, at handa kahit ano’ng ipagawa sa kanila.


Maraming viewers ang naaliw kina Sugar at Herlene sa ginawa nilang showdown sa programang TikToClock. Pareho silang kalog at walang kaarte-arte.


Sana ay magkaroon ng show na magkasama sina Sugar at Herlene. Tiyak, riot ang mga eksena dahil may chemistry ang tandem nila. Pareho silang hyper at talented.


Well, lamang man si Sugar dahil sa husay niyang sumayaw, natural naman ang pagiging komedyante ni Herlene at may talent sa pagkanta.


Pansin lang ng madlang pipol kay Sugar ay marami siyang gustong gawin at patunayan. Hindi lang sa kasikatan ng Sexbomb Girls siya dumedepende, gusto niyang magkaroon ng sariling image kaya game siya kung ano ang show o role na ibigay sa kanya.





BONGGA ang handog na mga shows ng TV5 sa second half ng taong 2026. Mas malaki, mas diverse at mas maraming kuwento ang ihahatid nila sa mga viewers.


Bukod sa naunang seryeng A Secret in Prague (ASIP) at My Bespren Emman (MBE), hahataw din sa second season ang Face to Face with Ateng Korina Sanchez. Mas malawak na ang scope ng show at mas maraming matutulungan.


Maging ang dating magazine show na Rated K (RK) ni Korina ay sa TV5 na rin mapapanood sa pagbabalik nito sa ere.


At para sa mga fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, mapapanood na simula sa Setyembre ang Mommy Guard (MG) na tiyak magpapakilig sa mga viewers.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page