top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 16, 2026



FRANKLY - KYLE AT AIAH NG BINI, SPOTTED NA MAGKASAMA SA JAPAN_FB Claus Arceta

Photo: FB Claus Arceta



Kasabay ng pag-trending ng BINI dahil sa matagumpay nilang performance sa Summer Sonic Music Festival 2026 sa Osaka, Japan noong Biyernes, naging usap-usapan naman online ang video nina Kyle Echarri at BINI Aiah na magkasama sa nasabing bansa.



Sa viral video, makikitang nakikihalubilo sa maraming tao ang dalawa habang naglalakad sa Dotonbori, Osaka, Japan. Makikita rin silang kumakain ng street food habang magkasama.


Kapansin-pansin din na bumili si Kyle ng pagkain at dinala ito kay Aiah. Bukod dito, isang netizen ang nagkaroon din ng pagkakataong makapagpa-picture kasama ang dalawa.


Dahil dito, muling umingay ang mga espekulasyon na may namamagitan kina Kyle at Aiah.


Nagsimula ang naturang tsismis noong June nang mamataan ang dalawa na magkasama sa isang beach trip sa Cebu. Pero agad namang nilinaw ni Aiah noon na magkaibigan lamang sila ni Kyle.


“Kyle and I are friends and kapwa-Cebuanos so no malice po,” paglilinaw ng BINI member tungkol sa naturang usapin.


Ngayong muli silang nakitang magkasama sa Japan, hindi maiwasang mapansin ng mga netizens ang pagiging close ng dalawa. May ilan ding naghinala na baka talagang nagpunta ang aktor sa Japan upang suportahan si BINI Aiah sa kanyang international performance.





Para ‘di maapektuhan ng bashers…

MIKA, NAGBUBURA NG APPS ONLINE



Inamin ni Mika Salamanca na nagbura siya ng ilang social media applications upang hindi na niya mabasa ang mga negatibong komento tungkol sa kanya.


Bagama’t marami ang sumusuporta at humahanga sa aktres-singer, hindi rin niya maiwasang makatanggap ng pambabatikos mula sa ilang bashers.


Sa panayam sa kanya sa vlog ng aktor na si Christian Bables, naitanong kay Mika kung paano niya hinaharap ang mga kritisismo at negative comments.


“Ang nagwo-work sa akin is nag-delete ako ng mga apps,” natatawang pahayag niya.

Aniya, iba-iba ang paraan niya ng pagharap sa hate comments noon at hindi rin daw ito naging madali para sa kanya. Ngayon, mas nagbago na raw ang kanyang pananaw pagdating sa mga pambabatikos.


“Ang nagwo-work sa akin talaga ngayon is the art of dedma. The art of pagpili kung kailan mo dapat pakinggan ‘yung sasabihin ng iba,” ani Mika, na itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE).


Aminado rin siya na masarap talagang magbasa ng comments, lalo na kapag puro positibo ang mga ito.


“‘Pag good ang comments, nakakaadik. Parang ‘Wow, they love me!’ May ganu’n talaga, eh,” pagbabahagi niya.


Gayunman, kapag may nababasa siyang masasakit o hindi magandang komento, hindi niya ikinakaila na naaapektuhan pa rin siya dahil tao lamang din siya.


Dahil dito, napagdesisyunan niyang mas mabuting iwasan na lamang ang pagbabasa ng comments upang maprotektahan ang kanyang peace of mind.


May isang direktor din umano na nagbigay sa kanya ng payo na mas piliin niyang pakinggan ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.


“Kasi, maraming puwedeng sabihin ang iba’t ibang tao sa ‘yo, kahit ‘yung mga taong malalapit sa ‘yo, pero iba ‘yung mga taong mahal ka. Kasi ‘yung mga taong mahal ka, ‘di ka i-please n’yan. ‘Yung mga taong mahal ka, sasabihin kung ano ‘yung dapat para sa ‘yo, kung ano ‘yung mabuti at makakatulong sa ‘yo,” saad niya.


Dagdag pa niya, may mga taong sasang-ayon lamang sa lahat ng gusto mong marinig, ngunit hindi ito nangangahulugang makatutulong sila.


“Makakatulong sa ‘yo ‘yung mga bagay na ayaw mong marinig pero kailangan mo,” sey ni Mika.



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 16, 2026



BULGARY - ZOREN AT MGA KAPAMILYA, DINALAW SA BAHAY ANG PAMANGKING SI DANI_IG _danibarretto

Photo: IG _danibarretto



Ikinuwento ni Zoren Legaspi ang pagbisita ng kanyang pamilya sa bahay ni Dani Barretto kamakailan. 


Si Dani ay anak ng utol niyang si Kier Legaspi kay Marjorie Barretto.

Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin ng aktor na nakunsensiya siya dahil matagal niyang hindi napagbigyan ang mga imbitasyon ng pamangkin hanggang sa natuloy na nga finally. 


Aniya, “Yeah. Matagal na kaming ini-invite ni Dani sa place n’ya. And for some reason, na-neglect ko ‘yung invitation na ‘yun. It’s really my fault. And then one day, sabi ko, ‘Hon (Carmina Villarroel), punta na nga tayo,’ kasi si Mavy, makulit din. 


“And then, one day, sabi ko, ‘Let’s just go.’ So, eh, ‘yung kambal, mabilis ‘yan, eh, ‘Sige, i-text ko si Dani.’ ‘Yun, itinext n’ya na.”


Tinanong ni Kuya Boy kung sinu-sino ang mga kasama niyang bumisita at aniya, “Ang nanay ko, ang hipag ko, si Brando, at ang asawa n’ya. Opo.”


Hindi naman nakasama ang kapatid niyang si Kier.


Nang makita raw ni Zoren ang mga larawang ipinost ni Dani tungkol sa kanilang family gathering, saka niya napagtanto kung gaano kahalaga para sa kanyang pamangkin ang kanilang pagbisita.


Sey ng aktor, “Yeah, but alam mo, Tito Boy, nagulat ako sa post n’ya. Because I didn’t know it would mean that much to her. Ganu’n pala ka-deep ‘yung meaning ng pagpunta namin. I didn’t know.”


Sa appreciation post naman ni Dani, sinabi niyang ang pagtanggap niya sa Legaspi family sa sarili niyang tahanan ay bahagi ng kanyang ‘healing process’ at nagpasalamat siya sa mga ito sa patuloy na pagmamahal at suporta.





Spiderman, after maka-P800M… 

DIREK JOEY, KINALAMPAG ANG MGA KAPWA DIREKTOR PARA ‘DI LANGAWIN ANG MGA LOCAL FILMS



DAHIL sa kinita ng Spider-Man at The Odyssey (TO), naghayag ng prangkang saloobin si Direk Jose ‘Joey’ Javier Reyes, chairman at direktor ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa kalagayan ng industriya.


Aniya, “It's a fallacy to say na buhay na buhay ang pelikulang Pilipino, buhay na buhay ang Cinemalaya. Ang pelikulang Pilipino ay naghihikahos. At bakit naghihikahos ang pelikulang Pilipino? Dahil almost P800 million ang kinita ng Spider-Man at almost P500 million ang kinita ng The Odyssey.”


“Ito ay sa aking pakiwari lang, ‘di presyo ng ticket ang problema. Ang problema ay ang attitude ng Pilipino sa pelikulang Pilipino,” dagdag pa niya.


Binigyang-diin din ng FDCP chairman na may responsibilidad ang mga prodyuser na bigyan ang mga manonood ng mga pelikulang karapat-dapat panoorin.


“‘Di lang ang mga manonood ang may problema, nasa mga prodyuser din ang problema. Kailangan nilang mapagtanto na anuman ang presyo, kung gusto nilang (mga manonood) manood ng pelikula, papanoorin nila ito anuman ang presyo gaya ng napatunayan sa Spider-Man at The Odyssey.”


Hinimok niya ang mga filmmakers na tumuklas ng mga bagong kuwento para maitaas ang kalidad ng kanilang mga pelikula.


“Kailangan nating pagbutihin ang kalidad ng mga pelikulang ginagawa natin at kailangan nating magsimulang gumawa ng mga bagong kuwento. ‘Di natin maaaring ulit-ulitin ang mga bagay na ginagawa na natin simula nu’ng may buhok pa ako. Kailangan, magbago tayo.


“Ang aking pakiwari, kailangan nating mag-isip nang pandaigdigan. ‘Di tayo maaaring umasa lamang sa lokal na merkado at sa mga plataporma. Walang pag-unlad o kinabukasan para sa mga sinehan sa Pilipinas,” sey pa niya.


Samantala, pinuri ni Direk Joey ang lineup ng Cinemalaya ngayong taon, na inilarawan niya bilang isa sa pinakamalakas na curation ng festival.


Sey ni Derek, “(This year) It’s one of the best curations of Cinemalaya. Saan ka makakakita ng festival na magugulat ka kay Pokwang, kay Joey Marquez, kay Ruby

Ruiz?


“Nakabili na kami ng mga pelikulang walang love team pero may mga tema na may kaugnayan at nakatutugon sa mga manonood.”


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 15, 2026



WINNER - FANS, SI LIZA PA RIN ANG GUSTO PARA KAY ENRIQUE-IG _lizasoberano & _enriquegil17

Photo: IG _beaalonzo



Binubuyo si Enrique Gil ng mga fans nila ni Liza Soberano na i-guest ang kanyang dating on and off screen partner sa A Secret in Prague (ASIP) ng TV5.


Binaha ng mga requests ang latest Instagram (IG) post ng aktor na magsama ulit sila ni Liza. Marami kasing nag-flashback sa mga fans dahil sa latest post ni Enrique na mga series of pictures sa iba’t ibang mga lugar sa Rome. May mga eksena kasi na kukunan para sa serye nila ni Andrea Brillantes.


Caption ni Enrique, “La dolce vita (sarap ng buhay or sweet life).”


Ilan sa mga lugar na piniktyuran ni Enrique ay nagbalik sa alaala ng mga fans nila ni Liza noong ginawa nila ang Dolce Amore (DA) in 2016.

Sey ng mga fans…


“Naalala ko ang Dolce Amore dito sa mga picture na ito @enriquegil17 nakaka-miss kayong dalawa ni Liza, Quen.”


“Imposibleng walang naalala.”

“Imposibleng ‘di na-miss.”


“Fave (favorite ko) ang DOLCE AMORE. Repeat. Again and again. Malaysia here.”

“Takes one back to the DOLCE AMORE series.”


Sey ng isang fan, “Oo nga po, sana and hoping talaga ako. Ahhh! My LizQuen and ‘yung ASIP, alam ko na ‘yan din ‘yung gustong genre ni Liza, ‘yung may action.”


“Naalala ko na naman tuloy ‘yung Dolce Amore. What if mag-guest si Liza sa A Secret in Prague? @enriquegil17 @lizasoberano.”


“Malay natin magkatotoo. Hehehe! Isa kasi si Enrique sa producer ng A Secret in Prague, baka isingit n’ya si Liza sa last part, ‘yung magkabungguan sila gaya ng last ng Bagani.

Puwede!





Next week na raw… CARMI, DUROG ANG PUSO NA GIGIBAIN NA ANG ABS-CBN BUILDING



NAG-TRIP DOWN memory lane si Carmi Martin sa kanyang pagpunta sa ABS-CBN para mag-promote ng Kapamilya serye ni Coco Martin, ang Sigabo.


Ibinahagi ni Carmi ang kanyang saloobin sa muli niyang pagtapak sa ABS-CBN sa pamamagitan ng isang video sa Instagram (IG). At doon ay na-shock siya sa balitang nasagap niya. 


Next week daw kasi ay gigibain na ang istruktura ng ABS-CBN sa Mother Ignacia

Ave., Diliman, Quezon City.


Sa caption ay may heartfelt message siya para sa istudyong nagbigay sa kanya ng mga shows noon at ngayon.


Say ni Carmi, “To my beloved ABS-CBN, my Mother Studio, so many beautiful memories come flooding back. When ABS-CBN returned in the 80s, I was blessed to be one of the first actresses to come back and be part of its new chapter—with shows like Chicks to Chicks, Tonight with Dick & Carmi, Abangan ang Susunod na Kabanata, and many more unforgettable programs that became such a meaningful part of my life and career.


“It’s bittersweet and heartbreaking to know that starting next week, another chapter will close. Today, I am here with a joyful heart, but also with tears, to say goodbye to my beloved Mother Studio.


“But I know, this is not the end. I believe the Lord has many beautiful plans for ABS-CBN and for everyone who has been part of this incredible family.


“They say, ‘When one door closes, many more opportunities will open.’


“Thank you, ABS-CBN, for the memories, the opportunities, the friendships, the lessons, and for being such a huge part of my journey for so many years.

“This is not goodbye forever. This is simply ‘see you in the next chapter.’”

Agree.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page