top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg
Search

by Janiz Navida @Showbiz Special | August 23, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKTANG TAO_Janiz Navida

Photo: FB / Janiz Navida



Present sa ginanap na advance screening-talkback session ng Drug War: A Conspiracy of Silence ang magaling na aktor na si Romnick Sarmenta na gumaganap na tatay ni Harvey Bautista sa istorya.


Natanong namin si Romnick sa Q&A kung paano nabuksan ang isip at puso niya ng kuwento at sa nangyayari ngayong shooting incidents na mga kabataan ang involved, may suggestion ba siya sa gobyerno lalo't may mga naniniwalang may sangkot ding isyu ng droga at hindi lang mga bayolenteng laro online ang dahilan ng pagiging bayolente ng ilang kabataan.


Pahayag ni Romnick, “Madali ring sabihin, kasalanan ng magulang. Puwede nga nating sabihin, kasalanan ng video games. Pero 54-anyos na po ako, nagbi-video game pa rin ako, wala pa akong sinasaktang tao, ‘di ba?” 


Maraming factors daw ang maaaring pag-ugatan ng ganitong mga insidente at mahalagang matukoy muna ang tunay na problemang dapat tugunan.


“I mean, ‘yung context, maraming bagay na puwedeng sabihin. And until ma-figure out natin kung ano ‘yung dapat talaga nating i-address at paano s’ya ia-address nang tama, ‘di ‘yung band-aid solution,” ani Romnick.


Aniya pa, “‘Di ‘yung tataasan natin ng ganito, babawalan natin ng ganito. ‘Di ‘yun ang solusyon. Ang solusyon, tinuruan ba natin sila from the very beginning? At ginagawa ba natin ‘yung tama para sa kanila?” Tinanong nga rin namin siya sa one-on-one interview kung natukso rin ba siyang mag-drugs nu'ng kabataan niya.


Sagot nito, “Hindi, eh, kasi naniniwala akong ikamamatay ko ‘yun, eh.”

Hindi raw siya ganu'n katibay para paglabanan ang tukso sakaling sinubukan niyang gumamit ng illegal drugs kaya okay na raw sa kanya ang nag-iisang bisyo niya – ang yosi.


Oh well, at least may disiplina siya at malinaw sa kanya ang mga puwedeng mangyari kung sumubok siyang magdroga.





Pinalakpakan ng mga press, vloggers, lawyers at mga kabataang nanood sa advance screening ng 4th episode ng Drug War: A Conspiracy of Silence last Wednesday night ang mga pasabog na eksena nina Harvey Bautista at John Arcilla sa 6-part socio-political action-drama series ng Rein Entertainment.


Hooked na hooked talaga ang lahat at sabi nga, bato na lang ang puso mo kung ‘di ka makaka-relate sa pinagdaanan ng mga karakter nila bilang anak na nawalan ng magulang (Harvey) at magulang na nawalan ng anak (John) dahil sa usapin ng droga.


Highlight sa 4th episode ang parehong eksena nina Harvey at John na hindi na namin iispluk, watch n'yo na lang sa Rein Entertainment YouTube Channel para maintindihan n'yo kung bakit dapat panoorin at hindi dapat palagpasin ang kuwento ng Drug War na idinirek ni Shugo Praico at isinulat ni Philip King na writer din ng Bagman.


Napakatapang ng kuwento at hindi na kami magugulat kung may mga authorities at pulitikong magre-react dahil natamaan sa mga eksena. 


Pero sabi nga ni Direk Shugo, ‘yun naman talaga ang purpose nila kung bakit sa

YouTube at hindi sa cinemas o ibang platform nila ipinapalabas ngayon ang Drug War: A Conspiracy of Silence, gusto nilang mag-spark ng conversation at interaction para maging aware ang mga Pinoy hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa sa reyalidad, lalo na sa issue ng drug war nu'ng panahon ni FPRRD.


Every Thursday night ang labas ng new episode ng Drug War sa Rein Entertainment YouTube Channel kaya bukod sa first 4 episodes na puwede pang mabalikan ng mga hindi pa nakakapanood, may 2 upcoming episodes pa na dapat abangan.


Bida sa Drug War si Ian Veneracion na gumaganap na pari at bukod kina Harvey at John, kasama rin sa cast sina Jane Oineza, Romnick Sarmenta, Yayo Aguila, Lotlot de Leon, Joem Bascon, Ryan Eigenmann, Gabbi Garcia, Art Acuña at marami pang iba.





Kahit ‘di na lockdown at may trabaho na…

GUWAPONG AKTOR NA ANAK NG AKTOR-PULITIKO, PAHADA SA BADING FOR P30K





BLIND ITEM:


KUNG may “Boy Pickup”, kilala naman ang guwapong aktor na magaling umarte sa pagiging “Boy P30K”.


Nope, hindi dahil ito ang talent fee niya sa serye o movie kundi ito ang asking fee niya sa mga matrona at bading na gusto siyang mahada.


‘Pag may client siyang bading, P30K agad ang hirit niya, mas mataas sa P10-P20 K niyang talent fee per guesting sa mga TV shows.


Well, marami na rin namang nagawang movies ang guwapong aktor, kaya lang, baka nu'ng panahon na lockdown, wala siyang raket kaya ‘yun ang naging source of income niya.


Ang ipinagtataka namin, sa guwapong ‘yan ng aktor na may pangalan na rin naman, bukod sa anak pa siya ng aktor din na minsang naging pulitiko, kahit P100K ay kaya niyang mag-demand, ha?


Hindi kaya bagsak-presyo ang aktor para mas mabilis siyang makakuha ng raket for “emergency situation” na badly in need siya?

Puwede! Gooo!!!


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 23, 2026



SHEET - SIGAW NG BOC- P100M PORSCHE 918 SPYDER NI DEREK, SMUGGLED_IG _ramsayderek07

Photo: IG Derek Ramsay


Ipinagdiinan ng aktor na si Derek Ramsay na pag-aari niya ang Porsche 918 Spyder na ginamit ng kaibigan niyang negosyante na hindi niya pinangalanan at nahuli sa EDSA noong Agosto 14 na may plakang AJV 0918.


Base sa report ng Land Transportation Office (LTO), iba ang nagmamaneho nito, pero kay Derek nakarehistro ang sasakyan.


Nakapanayam ng OOTD (Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon) hosts na sina Direk Chaps Manansala at Morly Alinio nitong Biyernes ng gabi si Derek at inamin nito na ipinahiram niya ang sasakyan niya sa kaibigan, at wala siya sa bansa noong nahuli ito.


“Kaibigan ko, ginamit ‘yung sasakyan ko, registered, may plaka, rehistro at ginamit n’ya. Dahil sa yabang, kinabitan n’ya ng vanity plate na may initials n’ya, so nag-apologize naman s’ya, (at) nagpunta ako sa LTO to cooperate with the LTO (staff), sinabi nila, kailangan kong dalhin ‘yung sasakyan. Dinala ko ang sasakyan the same day and I’m willing to cooperate,” bungad na kuwento ng aktor.


Dagdag pa, “‘Di po suspendido ang lisensiya ko gaya ng sinasabi ng social media, (at) ‘di po ako ang nagmamaneho na may plaka ng initials ng kaibigan ko. Nasa Vietnam po ako nu’n.”

Naka-impound sa LTO compound ang Porsche 918 Spyder habang gumugulong ang imbestigasyon.


Samantala, si Derek na rin ang nagbukas na bukod sa LTO issue ay nakarating din daw sa kanya na may problema rin sa Bureau of Customs (BOC) ang naturang sasakyan dahil dinaya raw ang papeles nito para hindi magbayad ng tamang buwis.


Sey ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, “‘Yung mas mahal na uri ng Porsche, ‘yung tinatawag na Spyder Porsche limited edition, nagkakahalaga noong panahon na ito’y pumasok noong 2021 between P75 to P100 million. Ang Boxster noong panahong ‘yun ay between P6 to P10 million depende sa specs.


“Ngayon, dahil idineklara itong P6 to P10 million, ang pinagbayarang buwis lang nito ay mababa sa P2 million o P1.8 million, na ang dapat binayaran nito ay mahigit P30 to P35 million. So, naisahan dito ang gobyerno, nadaya.”


Dahil dito, kailangan daw bawiin ng BOC ang Porsche Spyder ng aktor kaya nakikipag-ugnayan sila sa LTO tungkol dito.


“Ang trabaho natin, kahit ikaw ay sikat, ikaw ay makapangyarihan, ikaw ay nasa puwesto, kailangan nating ipatupad ang batas. Sa kaso na ‘to, ito ay kaso ng smuggling, kailangan talaga natin itong hulihin,” diin ng BOC commissioner.


Sey ni Derek kina Morly at Direk Chaps, “And now I’m hearing na may issue sa Bureau of Customs and I’m willing to cooperate and answer anything that they have to ask me.”


Tanong ni Direk Chaps, “Alam ko medyo sensitive ‘yung (issue), nakakasakit na ikaw ang bumili, tapos kailangan mong sagutin ang lahat ng (tanong).”


“Well, responsibility ko po ‘yun as the owner of the car. ‘Di ko po itinatago ang ownership po n’yan, nakarehistro po sa pangalan ko. That car was a dream car, investment kasi it’s a collectible, so, nag-invest po ako sa kotseng ‘yan, nasa pangalan ko. But of course, the LTO and BOC were just doing their job and like I said, I’m willing to cooperate and everything and anything they need, nandito po ako,” katwiran ni Derek.

Sundot ni Morly, totoo ba na nasa P200M ang presyo ng Porsche 918 Spyder na pag-aari ng aktor?


“‘Di naman, medyo na-exxags (exaggerated) na ‘yung presyo nu’n na P200 milyon. Ang kotse is worth a lot of money, yes, and the car is appreciating slowly. Again, sinabi ko, binili ko po ‘yan kasi dream car and investment,” pagtutuwid ni Derek.


Anyway, nu’ng taong 2020, panahon ng pandemya, ay nabalitang ibinebenta ng aktor ang mga luxury cars niyang Aston Martin DB11, Ferrari F12 Berlinetta at Rolls-Royce Ghost. Wala lang kaming update kung naibenta na niya ang mga ‘yun.





KAUGNAY nito, naglabas ng saloobin si Derek Ramsay sa kanyang Instagram (IG) Stories kahapon ng umaga at pinanindigan niyang hindi siya smuggler dahil base sa pahayag ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, kaso ng smuggling ang hindi pagsasabi ng tamang presyo ng Porsche 918 Spyder.


Sey ni Derek, “I’m not a smuggler, nor did I import this vehicle into the country. I have never imported any vehicle into the Philippines.


“I purchased this car four years ago from JHON LEE of JWORKS using my hard earned money. At the time of purchase, I was informed that the vehicle was tax-paid. The vehicle was subsequently registered with the LTO and the registration and plates were issued under my name.


“I have no idea why this issue is now happening. I want to reiterate that I purchased the vehicle in good faith and believed that everything was properly documented and legally registered.


“I have already cooperated with the LTO regarding the issue involving the plates, and I will also fully cooperate with the Bureau of Customs (BOC) regarding this new matter.

“I respectfully maintain that I had no involvement in the importation, taxation, or registration of this vehicle beyond purchasing it in good faith from JWorks. I sincerely hope that JWorks provides an explanation and takes the necessary steps to clarify and resolve this matter.


“I am willing to provide any documents or information in my possession and cooperate with the authorities as necessary to establish the facts.”





Derek, habang may isyu sa LTO at BOC…

ELLEN: PALUSOT PARA MAY IBANG MASISI?



SA gitna ng isyung kinakaharap ni Derek Ramsay, palaisipan naman sa mga netizens kung para kanino ang cryptic post ng estranged wife niyang si Ellen Adarna sa Instagram (IG) Stories nito kahapon ng hapon.


Ani Ellen, “Lack of due diligence? Poor discernment? Or just another excuse to blame someone else? Either way, it’s getting soooo, sooooo old. Maybe accountability would be a refreshing change.”

Hmmm…


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 23, 2026



BULGARY - BELA, NA-LATE SA TAPING, NASABON, NATAKOT NANG MAGPAKITA ULI_IG _bela

Photo: IG _bela



Nagbahagi si Bela Padilla ng kanyang pinagdaanan matapos ang sunud-sunod na pagsubok na nakakaapekto sa kanyang pisikal at emosyonal na kalusugan at naging dahilan ng ilang beses na pagkakaospital.


Ibinahagi niya ang mga detalye ng kontrobersiya sa isang panayam, kabilang ang isang insidente nang ma-late siya dahil sa emergency ngunit naging malaking isyu sa production.


Gayunman, nakatulong kay Bela ang pelikulang ginagawa niya kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanilang pag-uusap, muli niyang natuklasan ang pagmamahal niya sa acting at storytelling.


Ayon kay Bela, may mga bagay siyang muling naunawaan tungkol sa kanyang propesyon habang kasama ang beteranang aktres.


Deklara ni Bela, “She made me realize it is not always sunshine and rainbows in our profession. My whole life I treated this profession and job that way. And then it got challenging for a bit.


“But she made me realize why acting is important to us, why we love it so much, and why being a storyteller is important. She brought that back to me.”


Marami rin daw siyang natutunan tungkol sa sarili at sa mga taong nakatrabaho dahil sa naging karanasan.


Aniya, “It helped me learn a lot about myself and the people I worked with. I am not gonna lie, napaso talaga ako.”


Umabot pa raw siya sa puntong natakot siyang muling magtrabaho.

Sey niya, “I felt scared to be on set again. I did not want to do anything. I lost my fight. I felt this was so unfair. I did not want to say anything. Everything was easily refutable, even as simple as being late.”

Madalas nga ngayong nasasangkot ang aktres sa mga usapin na may kaugnayan sa kanyang mga katrabaho at kaibigan, kabilang ang mga alegasyon ng hindi pagkakaunawaan sa trabaho at mga espekulasyon tungkol sa relasyon niya kina Angelica Panganiban at Kim Chiu. 





Sinita na, ipinost pa sa socmed… ZSA ZSA, NAINGAYAN SA 2 AIRPORT EMPLOYEES, NAIMBIYERNA



IMBIYERNA si Zsa Zsa Padilla matapos ma-bad trip sa isang insidenteng naranasan niya sa airport. 


Habang naghihintay siya ng flight, may dalawang airport employees na nag-uusap nang medyo malakas sa kanyang tabi. Kahit daw naka-noise-reduction headphones na siya, naririnig pa rin niya ang usapan.


Dahil dito, sinabi ni Zsa Zsa sa dalawang empleyado na naririnig niya sila. Agad naman daw humingi ng sorry ang mga ito.


Ginamit niya ang insidente para magpaalala tungkol sa work ethics, at aminado rin siyang minsan ay nagiging guilty siya sa pakikipag-usap nang malakas sa trabaho.


Pero hindi pare-pareho ang naging reaksiyon ng mga netizens. May mga sumang-ayon sa kanya, habang ang iba naman ay nagsabing normal lang na mag-usap ang mga empleyado habang nagtatrabaho. May nagkomento rin na baka kailangang ayusin ang noise-cancellation setting ng kanyang headphones.


Ang post ng Divine Diva, “I’m seated getting ready to board for my flight and two airport employees are talking beside each other. I can hear them talking even though I’m wearing my noise reduction headsets. I kept checking if they were on or off. Anyway, while typing this I had to tell them I could hear them. Nag-sorry naman. 

“Sana matuto din tayong mga Pinoy na may ethics sa work. Ako rin, guilty sa ganyan and I catch myself talking too loud sa katabi ko.”


Um-agree naman ang isang commenter, “May mga nagsasabing OA (overacting) daw. ‘Di po OA ‘yun, dapat talaga, may proper work ethics. Nasa tamang lugar at tamang oras para mag-ingay ka kasama ang mga colleagues mo. Maintain professionalism pa rin.”


Agree rin naman kami. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page