top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 19, 2026



FRANKLY - BINI, UMIYAK AFTER NG PERFORMANCE SA OSAKA, JAPAN_IG _BINI_ph

Photo: IG _BINI_ph



Ngayong tapos na ang kanilang performance sa Summer Sonic Music Festival sa Japan, nakahinga na nang maluwag ang BINI dahil nalampasan nila ang isa na namang malaking challenge sa kanilang international career.


Sa kanilang interview with ABS-CBN, ibinahagi ng mga miyembro ang kanilang pinagdaanan sa paghahanda para sa kanilang Tokyo performance, lalo na’t kasabay nito ang kanilang busy schedule para sa kanilang ongoing Signals World Tour.

“I’m so happy tapos na itong Tokyo, because we can focus back on our World Tour routines,” ani Aiah.


Pero aminado rin siya na before the performance ay hindi niya maiwasang kabahan, lalo na dahil sa jetlag.


“I was so worried and scared about the jetlag,” kuwento niya.

Nag-worry daw siya na baka hindi siya makatulog nang maayos at makaapekto ito sa kanyang performance. But in the end, nalampasan niya ang challenge.


“I made it. We all made it,” masayang sabi ni Aiah.

Pero hindi lang jetlag ang kanilang kinaharap dahil naging isa sa pinakamalalaking challenges din sa mga BINI members ang matinding init sa Osaka, kung saan nauna silang nagtanghal.


Kaya nga sey ni Colet, naging emotional sila dahil sa kanilang performance.

“Actually, umiyak kami after ng performance namin sa Osaka. Kasi feeling namin, ‘di namin na-give ‘yung best namin, so, kailangan talaga naming bumawi rito sa Tokyo. Thank you, Lord, maganda ang crowd,” sey niya.


Sa Tokyo, mas naging comfortable ang grupo dahil indoor ang venue at hindi kasing-init kumpara sa kanilang Osaka performance. Masaya rin sila sa unti-unting pagdami ng audience.


“Maraming tao. Kinabahan kami kasi nu’ng una, walang masyadong tao but then, unti-unting lumalapit ‘yung mga tao, sobrang nag-enjoy kami, grabe,” sabi ni Colet.

Samantala, isa sa mga naging highlight ng kanilang Tokyo stint ang paggamit nila ng Japanese language sa kanilang stage spiels.


Isa sa mga nag-effort dito si Maloi, na halos buong gabing nag-aral ng Japanese para maging maayos ang kanilang pakikipag-communicate sa Japanese audience.

“‘Yung Japanese spiels ko, inaral ko s’ya kagabi pa, as in kahapon pa, bago ako matulog,” kuwento ni Maloi. 


Nagising pa raw siya ng 3:30 AM para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang Japanese spiels.


At mukhang nagbunga naman ang effort niya dahil naging mainit ang pagtanggap ng mga Japanese fans sa grupo.


“Sobrang na-hype kami kahit alam namin na ang culture ng mga Japanese ay ‘di sila pala-sigaw, ‘di sila pala-cheer. Pero we felt the warmth,” sabi ni Maloi.


Bukod sa Japanese Blooms, ikinatuwa rin ng BINI ang suporta ng mga Filipino fans na bumiyahe pa talaga papuntang Tokyo para mapanood sila.


Hindi rin nakalimutan ni Mikha na purihin ang kanilang dancers na tinatawag na Besties, na todo-perform din kahit challenging ang kanilang costumes at mainit ang panahon.


“I’m so proud of the Besties,” ani Mikha, habang pinuri ang kanilang professionalism at dedication sa performance.


Para kay Aiah, espesyal ang naging experience nila sa Japan dahil bukod sa Filipino Blooms, naramdaman din nila ang suporta ng Japanese fans at mga bagong nakilala nilang supporters.


“Nippon Blooms, I hope you continue to support us! Thank you for accepting us and for your warm welcome!” mensahe ni Aiah.


“We hope to come back here as much as possible,” dagdag niya.


Matapos ang kanilang successful Summer Sonic stint sa Japan, balik-abroad performance mode agad ang BINI dahil lilipad na ang grupo patungong Canada para ipagpatuloy ang second half ng North American leg ng kanilang Signals World Tour.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | August 19, 2026



BULGARY - LEA, PUMAYAG MAG-BOSES MANANANGGAL_IG _msleasalonga

Photo: IG _msleasalonga



Inilabas na ang buong listahan ng mga kanta para sa Forgotten Island (FI) ng DreamWorks Animation.


Kabilang sa mga artistang nangunguna sa soundtrack ang SB19, BINI at si Lea Salonga. 


Gaya ng naunang isiniwalat, tampok din sina H.E.R. at Sophia Laforteza ng KATSEYE.


Ipapalabas ang soundtrack sa Setyembre 18 at ang pelikula ay magsisimula sa Setyembre 25.


Ang animated movie ay pinangungunahan ni Liza Soberano at ng Fil-Am singer na si H.E.R., kung saan boses nila ang ginamit bilang matalik na magkaibigan sa pelikula.


Ang Broadway actress-singer na si Lea Salonga ang gaganap bilang kontrabida sa FI.


Well, paano ba nila nakuha ang aktres na maging villain sa animated movie?

Ayon sa mga direktor na sina Joel Crawford at Januel Mercado, nagpadala sila ng pitch to see if she was interested. 


Sey nila, “We heard from her team right away.”


Pumayag daw si Lea na gampanan ang role ng Manananggal.


Pero naisip daw nila na kahit maganda ang role ni Salonga, baka hindi sapat na ‘meaty’ o malaki ang material para sa kagalang-galang na aktres. At baka hindi rin daw nila mabigyan ng isang role na kasinglaki ng ginampanan noon ng Broadway actress sa Miss Saigon.


Sey ni Mercado, “She was already on the same page as us, understanding that the Manananggal didn’t need to speak a lot to be scary.”


“She elevated the material,” aniya pa. 

Ipinaliwanag ni Lea na nahanap niya ang boses for the character matapos pakinggan sina H.E.R. and Liza.





Nag-collab sa negosyo… BEA AT ANNE, MAGKASAMANG BUMIYAHE PA-CHINA



KASALUKUYANG nasa China sina Bea Alonzo at Anne Curtis.

Sa lumabas na post, may caption na: “Early flight, China bound!” at binanggit ang kanilang trip, kabilang ang Great Wall of China.


Ang biyahe ng dalawang aktres ay mukhang may kaugnayan sa collaboration ng kanilang brands na BASH (ni Bea) at BLK Cosmetics (ni Anne), na inilunsad noong July, at tinawag nila itong Expedition Collection.


May mga posts din tungkol sa work-and-holiday trip ni Bea sa China, kaya mukhang hindi lang purely leisure vacation ang biyahe nila.




Nag-perform sa Summer Sonic sa Japan…

SB19, KARANGALAN NG BAWAT PINOY



PINURI ng Philippine Concerts ang SB19 sa social media kasunod ng performance ng grupo sa Summer Sonic 2026 sa Osaka, Japan. 


Naging bahagi ng makasaysayang pagtatanghal ang grupo sa isa sa mga pinakamalaking music festival.


Sa kanilang post, sinabi ng Philippine Concerts, “@SB19 just made every Filipino heart swell with pride (Philippine flag).


“SB19 from the Philippines officially debuted onto one of Asia’s biggest stages and reminded the world why they are called the Kings of P-pop.”


Binigyang-pugay din sa post ang pinagdaanan ng grupo bago marating ang ganitong kalaking entablado, kabilang ang mga panahong halos walang laman ang kanilang mga venue at ang mahahabang oras ng ensayo.


Pinuri rin ang vocals ng grupo, partikular ang tinig ni Stell, pati na ang kanilang harmonies, high notes, breath control at choreography.


Sey pa ng page, “Mabuhay, @SB19Official. You make us proud every single time.”

Pawang magagandang komento naman ang mababasa…


“Wow! Philippine Concerts, eto na yata ang pinaka-heartfelt na post na nabasa ko for SB19! Slayed ka r’yan.”


“In fairness, ang dami rin talaga ng crowd nila.”

“Ginawang pub ang tahimik na Japan. Hahaha!”

“Lahat talaga, tumalon. Hahaha! I love the Summer Sonic crowd.”



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 18, 2026



WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07

Photo: IG _ramseyderek07



Nagpatutsada nga ba si Derek Ramsay sa isang post sa Instagram (IG) kaugnay ng isang blind item (BI)?


Pilit na ikinonek ng mga inggitera sa social media na may kinalaman sa BI ang naka-post na IG Story ni Derek recently.


Meron kasing blind item na lumabas online na nagsasabing may sports enthusiast na aktor na nagbebenta na raw ng mga gamit niya.


Naghihirap na raw kasi si Derek. At para ma-maintain ang kanyang lifestyle, kailangan niya raw magbenta ng gamit.


Sa kanyang IG Story, ipinost ni Derek ang picture ng isang gamit niya para sa kanyang favorite sports na golf.


“For sale! Selling my prized possessions. Buy 1 get 1 free. Please, Gcash me (laughing emoji),” sabi ng aktor.


Idinaan ni Derek sa joke ang kunwari’y pagbebenta niya ng kanyang gamit. Kaya inisip tuloy ng mga intrigero’t intrigera sa socmed (social media) na may kinalaman sa BI ang post ni Derek.


Sa kabilang banda, may mga nagtanggol kay Derek sa isyung ito.

“Mayaman ang magulang ni Derek so no, ‘di ‘yan maghihirap. Even connections, relatives, ‘di basta-basta.”


“Mas may pera si Derek kaysa sa parents n’ya. That’s how he projects na rich ang parents. They are middle-class growing up.”


“Recently, Derek is taking jobs in showbiz again and even endorsing an online gambling website now. Matagal na rin s’ya na walang work sa showbiz, may 2 kids na s’ya, he lives in Ayala Alabang and expensive ang kanyang hobby, sports car and golf.”


“Wala namang masama kung magbenta s’ya ng ibang assets niya. Kesa naman manloko, magnakaw at mag-corrupt para magmukhang mayaman at ‘di naghihirap.”

What do you think?





Puwedeng-puwede raw magloko kung gusto niya… DOUG, PROUD NA 23 YRS. NA LOYAL KAY CHESKA



TUMALAK ang mag-asawang Doug at Cheska Kramer sa kanilang mga bashers. Marami kasing iniisyu sa mag-asawa kaya hindi na sila nakapagpigil pa.


Mga isyu ng infidelity at paraan ng pagpapalaki sa mga anak ang ibinabato kina Cheska at Doug. May pinakawalan kasi na statement si Doug about cheating.


Kung gugustuhin daw niya, puwede siyang mag-cheat kay Cheska not just once but many times.


Pahayag niya, “Let’s light a fire under this. There are a few things that need to be pointed out.





“This shows the toxicity of a culture that thrives on splicing quotes, taking things out of context, and bashing. Everyone is subject to temptation. Everyone.


“That’s the devil’s job—to get you. At the moment, it might feel right and good.

“Temptation is human, but we’re given a choice every single time. Being tempted isn’t a crime or a secret, it’s reality. Every man faces those choices daily, whether in the workplace, at gatherings, or even on social media.


“The real strength isn’t pretending temptation doesn't exist, or that you’ve never been tempted; it's looking it in the eye, turning your back on it, and choosing your wife and kids every single time!


“Loyalty is an active, deliberate choice you make every single day. Reddit user (erreef) said, ‘So does that mean he’s (Doug) had many opportunities to cheat yet he chose not to, therefore he should be praised? Aba! Puch*, kung asawa ko magsabi ng ganito, baka matunaw ako sa hiya. Get this man and his whole family off social media.’


“My reply, ‘I absolutely don’t care about praise from anyone, nor am I seeking validation from others’ opinions. I only care about loving and taking care of my wife, my kids, and being accountable to the Lord.’ Narcissist. Controlling. Selfish. I’ve heard them all.


“I'll be the first to say I’m not perfect; I have so many flaws. That is why I need Jesus Christ in my life as an example of how to live a Christ-filled life.


“Btw (by the way), you’re referring to a family man who has been happily married for 18 years this year.


“23 years loyal and faithful to Chesca. We have 3 beautiful, loving, hardworking, God-fearing children, yet you guys still choose to make up something negative?

“Damn if you do, damn if you don’t.”


Samantala, kinukuwestiyon naman si Cheska ng mga bashers nila tungkol sa kinikita ng mga anak nila.


“Grabe—it is unbelievable how these people take things out of context and make them look so bad. I’ve read all sorts of things: that we’re snobs, that we're ‘using’ our kids, that I have a ‘bad husband,’ or that I’m a bad person. It’s simply too much to keep silent while allowing people to make up these stories!”


Naka-invest, insured and kept secured sa bangko ang pera ng mga anak nila. Pero dahil 17 na raw si Kendra kaya siya na ang humahawak, kasama ang mga resibo. Igina-guide at nire-remind na lang daw nila si Kendra na mag-invest wisely.


“We don’t handle her money. For the younger ones, because they are still minors, we deposit their earnings into their accounts, and they are fully aware of it because we explain everything to them,” diin ni Cheska.

‘Yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page