top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 19, 2026



WINNER - SEN. ROBIN, TODO-DIIN NA IPAGBAWAL ANG SOCMED SA MGA BATA_FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Mabigat ang loob at malungkot na nag-live si Sen. Robin Padilla sa Facebook (FB) kahapon. May kinalaman sa naganap na barilan sa Ateneo University sa Zamboanga ang dahilan ng biglaang pagla-live niya.


Namaril umano ang isang Grade 8 student sa loob ng unibersidad. Dalawang estudyante ang namatay, kabilang ang mismong namaril.


“Isa na naman pong napakalungkot na balita ang ating natanggap,” bungad ni Sen. Robin.


Hindi pa raw maipaliwanag ni Sen. Robin ang buong pangyayari kaya hirap siyang magbigay ng komento.


“Mahirap pong magbigay ng komento. Lahat po ngayon ay nababalitaan lang natin sa mga social media, sa breaking news. Ito po kasi ay bumabagsak lahat under ng aking committee. Ito po ay sa public information,” paliwanag ni Sen. Robin.


Napakalaki raw ng epekto ng social media sa kabataan.

“Alam ko pong sobrang daming tao ang nagulat sa akin d’yan,” diin niya.


Ang tinutukoy ni Sen. Robin ay ang pagsusulong niya ng batas na nagbabawal sa mga kabataan na gumamit ng social media, pati na ang pagbaba ng edad sa mga kabataan para maging accountable sa paggawa nila ng krimen.


Kaya nanawagan si Sen. Robin na tulungan siya ng mga Pinoy na maisabatas ang kanyang mga panukala.


“Panahon na para aksiyunan natin ang mga batas na may kinalaman sa ating mga kabataan at may kinalaman sa social media na ginagamit ng ating mga kabataan at nakakaimpluwensiya sa kanila na makagawa ng mga bagay na karumal-dumal,” lahad pa ni Sen. Robin.





Love na love ng marami…

PARTNER NI ANDI NA SI PHILMAR, BIG BROTHER NG MGA TAO SA SIARGAO



BINATI ni Andi Eigenmann ang kanyang partner na si Philmar Alipayo na nagdiwang ng 34th birthday.


Sa kanyang latest Instagram (IG) post, isang matamis na mensahe ang ipinahatid ni Andi para sa kanyang labs.


Pagbati ni Andi kay Philmar sa caption, “HBD (happy birthday), Mahal! Selfies of just you and me for a change, realised it’s been mostly random low quality selfies lately but that just means we’re too busy living and enjoying life to care about that. The real everyday life I get to spend with you is good enough for me!”


Ishinare ni Andi sa kanyang IG Story ang video ng simpleng birthday celebration ni Philmar kasama ang dalawa nilang anak na sina Lilo at Koa sa Siargao.


Binati rin si Philmar ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann at iba pang celebrities gaya nina Dimples Romana at Melai Cantiveros sa comment section ng IG post ng aktres.

Sabi ni Max, “HAPPY HAPPY BIRTHDAY, PHILLY!!! Love you, brother! @chepoxz (heart hand sign emoji).”


Nag-post din ang mga kaibigan at kasamahan ni Philmar sa surfing ng birthday greetings para sa kanya.


“Happy birthday, Phil. More blessings & good health.”


“Happy, happy birthday, Pal. Really good to see na ikaw ang big brother ng mga tao sa isla at ang haligi ng iyong pamilya. Amping kaw permi (Mag-ingat ka palagi)!”

“Happy Birthday, Dong Philmar!”

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 19, 2026



TEKA NGA - P3.49 M KADA TAON, TUITION NI QUEENIE ABROAD_IG _jinkeepacquiao

Photo: IG _jinkeepacquiao



Ang laki pala ng magagastos ni Queenie Pacquiao sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo sa USA. Nag-enroll siya sa Loyola University Chicago sa kursong Forensic Science. Inihatid si Queenie ng kanyang parents na sina Manny at Jinkee Pacquiao.


Base sa isang report, aabot ng P3.49 million ang tuition fee ni Queenie sa isang taon. Bukod pa rito ang gastos niya sa boarding house, food at allowance.

Tinulungan din si Queenie ng kanyang parents na mag-ayos ng kanyang mga gamit sa boarding house na kanyang titirhan.


Masuwerte ang mga anak nina Pacman at Jinkee dahil nakakapag-aral sila sa mga sikat na kolehiyo abroad. 


Ang isa pang anak na babae ng mag-asawa na si Princess ay nag-aaral naman sa London at kumukuha ng kursong Biomedical Sciences.


Well, billionaire naman ang boxing champion na si Manny Pacquiao, kaya niyang gastusan ang pag-aaral ng mga anak abroad.





Nawalan man ng Daniel na BF…

KATHRYN, TODO-IPON AT NAG-INVEST SA NEGOSYO KAYA SUPER RICH NA



NANG maghiwalay sila ni Daniel Padilla, ibinuhos ni Kathryn Bernardo ang panahon niya sa kanyang career, kaya mabilis siyang naka-move on. Naging prayoridad niya ang kanyang trabaho at ang pagpupundar ng mga properties.


May dalawa na siyang commercial buildings, may resort sa Batangas, at may bagong negosyo (franchised) na inaasikaso na rin niya. May resthouse rin siya sa Siquijor, at ang Isla Amara naman ay nasa El Nido, Palawan. 


Sa negosyo at pag-iipon ang priority ngayon ni Kathryn. Natuto na siya ng tamang paghawak ng kanyang finances at maayos niya itong na-invest kaya maaga siyang naging milyonarya.


Hindi lang sa luho at shopping niya inuubos ang kanyang kinikita sa showbiz. Wise spender si Kathryn at pinaghahandaan niya ang kanyang future. Ibang level na ang kanyang maturity.


Well, may influence kaya rito ang rumored BF niyang si Lucena Mayor Mark Alcala?




AMINADO si Tirso Cruz III na noong una ay marami ang hindi bilib na magaling siyang aktor. Hindi siya sineseryoso ng mga direktor, at maging ng kanyang mga kasamahang artista.


Pero nang tanggapin niya ang pelikulang Bilangin ang Bituin sa Langit (BABSL) na pinagbidahan nila ni Nora Aunor, nagbago ang lahat. 


Nanalo siyang Best Actor at napansin ang kanyang kakayahan bilang magaling na aktor. 

Dalawa ang naging characters ni Tirso sa movie, kaya naging hamon ito sa kanya.


Ang pelikulang BABSL ay kasama sa aklat na Sine. Film. Pelikula: The 100+ Greatest Movies of Philippine Cinema kaya super-proud si Tirso sa pelikulang ito. Kumita rin ito noon nang malaki sa takilya.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 19, 2026



TALKIES - CHARIZ, PROUD NA NAKA-16 BOYFRIENDS_IG _chariz_solomon

Photo: IG _chariz_solomon



Masayang kuwentuhan ang naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang maging guest ang aktres-TV host na si Chariz Solomon.


Sa panayam, may ilang personal questions si Boy Abunda kay Chariz. Sa bawat tanong, kailangang pumili si Chariz sa pagitan ng “Check!” na nangangahulugang tama, at “Chariz!” na ibig sabihin naman ay mali.


Isa sa mga tanong ni Boy ay “Nagkaroon ka ng 13 boyfriends bago nag-asawa? Check o Chariz?”


“Chariz! Kasi 16 po!” mabilis na sagot ni Chariz, na ikinatawa naman ni Boy.

“‘Di 13? Sixteen?” tanong muli ng King of Talk.


Ipinaliwanag ni Chariz na nagmula sa isang naging usapan sa Your Honor ang bilang na 13.


“‘Di, Tito. Ganito kasi ‘yan. Sa Your Honor, parang natanong namin ‘yung isang guest kung ilan ang naging dyowa n’ya. So ‘di ba, Tito Boy, naibahagi mo sa amin ‘yan nu’ng kami ay iniupo mo ni Buboy na sometimes sa podcast, magse-share ka rin ng sa ‘yo para ipakita rin nila ‘yung kanila,” kuwento ni Chariz.


Dagdag pa niya, mahilig din siyang magbahagi ng personal na kuwento lalo na kapag kaibigan niya ang kanyang guest.


“‘Di naman sa strategy, pero I love sharing din naman, especially ‘pag kaibigan mo ‘yung guest. So, ‘yung nabilang ko na 13, parang high school pa lang ako nu’n. Hahaha!” ani Chariz.


Natawa naman si Boy at nagtanong “So, nu’ng nag-college na, nadagdagan?”

“Parang oo. Oo, Tito Boy. Oo. Pero eme lang,” sagot ni Chariz.


Hindi naman pinalampas ni Boy ang pagkakataong linawin kung gaano kaseryoso ang mga naging relasyon ni Chariz.


“Pero gaano kaseryoso ‘yung mga boyfriend-boyfriend?” tanong niya.

Ayon kay Chariz, hindi lahat ng kanyang naging ‘boyfriend’ ay seryosong relasyon.


“‘Di, mga ano ‘yun. Alam mo ‘yung mga puppy love? S’yempre, kinount ko na rin du’n, ‘di ba? Kung ayaw nila, siguro, mga 13,” pabirong paliwanag niya.


Muli namang nagtanong si Boy, “Pero halimbawa, kung sa 13 o 16 na ‘yan, mayroon kang iniyakan?”


“Oo, meron din. Meron po. S’yempre, ‘yung ano, ‘yung aking ex-husband,” diretsahang sagot ni Chariz.


Sa panayam, napag-usapan din nina Boy at Chariz ang tungkol sa pagpapakasal ng aktres sa kanyang boyfriend na negosyanteng si Vince Teotico.


“Magpapakasal ka na raw sa iyong fiancé na si Vince Teotico this year. Check o Chariz?” tanong ni Boy.


“Chariz,” pabirong sagot ni Chariz.

“Talaga?” tanong muli ni Boy.


“Nag-propose na s’ya sa ‘kin. ‘Di ko lang suot ‘yung singsing ngayon. Walang issue, ha!

Nakalimutan ko lang talaga,” paglilinaw ni Chariz.


Ibinahagi rin ni Chariz na proud at masaya siya sa ginawang proposal ni Vince.

“Wow! May nag-propose sa akin ulit? Nakakatuwa naman na ibinigay n’ya sa ‘yo ‘yun, na gusto n’yang ibigay sa ‘yo ‘yung buong buhay n’ya, ‘di ba?” ani Chariz.


Gayunman, sinabi niyang hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

“Pero ‘di talaga namin napag-uusapan pa ‘yung kasal,” ani Chariz.


Well, hindi na nakapagtataka na may mag-propose ng kasal kay Chariz dahil sa taglay niyang alindog, ‘di ba, madlang people?





Sobrang blessed daw sa misis…

ZOREN, REYNA ANG TURING KAY CARMINA



FIFTY-ONE years old na si Carmina Villarroel nu’ng August 17.

May sweet message para sa kanya ang mister niyang si Zoren Legaspi na ipinost nito sa Instagram (IG).


Ani Zoren, “Happy Birthday, @mina_villarroel.


“Our queen, and truly the heart of this family. You bring so much love, warmth, and happiness into our lives, and we are so blessed to have you.


“I love you, and we all love you more than words can say.


“@MavyLegaspi @Cassy, thank you for being part of this beautiful family and for making every moment even more meaningful.


“Happy birthday, our queen. We love you always.”


Belated happy birthday, Carmina Villarroel-Legaspi!

‘Yun lang, and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page