ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 14, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin
Tiyak na feeling ang haba-haba ng hair ni Unkabogable Star Vice Ganda (kahit pa naka-wig lang naman siya. Chos! Haha!) dahil sa sinabi ng kanyang ‘asawa’ na si Ion Perez kung bakit naka-tattoo sa binti nito ang date of birth ni Meme Vice.
Sa isang episode ng It’s Showtime, itinaas ni Ion ang laylayan ng suot na pantalon para ipakita ang isang binti kung saan naka-tattoo ang mga petsa na birthdate pala ng mga taong espesyal sa kanyang buhay.
Pag-amin ni Ion, “Si Tatay, si Nanay, tapos ikaw (Vice),” bilang sagot sa tanong ni Meme Vice kung kaninong mga birthdate ang naka-tattoo sa kanyang binti.
Marami ang humanga kay Ion dahil mukhang mas super in love raw ito kay Vice.
Biniro naman ni Vice si Ion na puwede namang ipaputol ang binti kung hindi na siguro sila.
But for sure, joke lang talaga ni Meme ‘yun dahil ang totoo, tiyak na kilig to the max talaga siya sa loyalty sa kanya ng mister.
Well, sorry na lang sa iba kung ganyan kahaba ang hair ni Vice Ganda!
Sana all!!!
ANG ika-9 na Entertainment Editors' Choice na inihandog ng PlayTime Entertainment ay nagbigay-ningning sa mga manonood noong Hulyo 5 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at sa taunang seremonya ng paggawad ng parangal na The EDDYS, buong-pagmamalaking kinikilala ng PlayTime Entertainment ang mga pinakamahusay na pelikula ng bansa — mula sa mga aktor at direktor hanggang sa mga kuwentong tumatatak sa ating lahat.
Bilang opisyal na tagapaghandog ng ika-9 na EDDYS, buong-pagmamalaking iginawad ng PlayTime Entertainment ang mga premyong cash at tropeo ng pagkilala sa mga nagwagi sa mga pangunahing kategorya: Best Supporting Actor, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Director, at Best Picture.
Binibigyang-diin ng mga parangal na ito ang dedikasyon ng PlayTime na itaguyod ang kahusayang Pilipino at parangalan ang mga natatanging talento na humuhubog sa pelikulang Pilipino.
Ang mga parangal ay iniabot nina Adela Mae Marshall, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment, at Alexandra Krishna Oriño, ang Miss PlayTime Universe 2026.
"Bilang opisyal na presenter ng EDDYS ngayong taon, ipinagmamalaki ng PlayTime Entertainment na ipagdiwang ang mga natatanging isipan at kahanga-hangang talento ng industriya ng pelikulang Pilipino," pahayag ni Adela Mae Marshall,
tagapagsalita ng PlayTime Entertainment.
"Isang karangalan para sa amin na mag-abot ng mga parangal at premyong cash sa mga nagwagi sa anim na pangunahing kategorya. Kinikilala ng PlayTime Entertainment ang dedikasyon at sining na nagbibigay-daan upang maging tunay na world-class ang pelikulang Pilipino."
Sinang-ayunan ito ni Tessa Mauricio-Arriola, pangulo ng SPEEd, "Labis kaming natutuwa na makatuwang ang PlayTime Entertainment bilang aming opisyal na presenter. Ang kanilang bisyon ay tumutugma sa misyon ng SPEEd na itaguyod ang mahusay na paggawa ng pelikulang Pilipino."
Ang ika-9 na Entertainment Editors' Choice katuwang ang PlayTime Entertainment ay isang malaking tagumpay.




