top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | January 21, 2026



Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Love is Never Gone

Photo: Joshua Garcia at Ivana Alawi sa Love is Never Gone



Ay, marami rin ang nagsasabing kakaiba ring mag-confirm ng ‘kiss’ si Ivana Alawi.

Sa latest interview kasi rito ay tahasan nitong kinumpirma na ‘Higop King’ pagdating sa halikan ang mahusay at guwapong aktor na si Joshua Garcia.


May ginagawang project ang dalawa at isa nga ang halikan nila na bahagi ng kanilang mga roles.


Wala raw awareness si Ivana hinggil sa paraan ng pag-kiss ni Joshua na inamin niyang showbiz crush niya. Pero laking-gulat nga raw niya nang kunan na ang eksenang may kissing scenes sila ay napatunayan niyang totoo raw pala ang tsismis. Na ibang klaseng humalik si Joshua dahil higop kung higop daw ang ginagawa nito sa kahalikan.


Ang ending tuloy, hayan at marami na naman ang na-curious sa pagiging ‘hunk’ ni Joshua Garcia lalo’t isang Ivana Algawi na may sexy image ang nagkukuwento.

Kapag inggit, pikit. Hahaha!



Marami ang nagulat kung bakit mukhang nasentro kay dating Senador Bong Revilla ang usapin sa flood control.


Kusang sumuko sa awtoridad si Sen. Bong dahil sa mga naglabasang balita na mayroon na itong ‘warrant of arrest’ na anytime ay handang i-serve.


Ayon sa aming nakausap na malapit sa pamilya, walang balak tumakas o lumabas ng bansa ang aktor-pulitiko kaya’t hindi raw nila papatulan ang mga bashing hinggil sa hold departure order para rito at iba pang nega bashing.


“Binanggit lang ng isang taga-DPWH (Department of Public Works and Highways) ang name niya tungkol sa Bulacan flood control project, wala pang maayos na imbestigasyon, wala pang proseso and everything, pero kung paniniwalaan ninyo ‘yung mga naglalabasang balita, tila ba nahatulan na s’ya? S’ya na talaga ang isinesentro ng mga usapin? 


“Teka lang naman, ganito na ba talaga ang labanan sa gobyerno ngayon?” bahagi pa ng pagtatanong ng mga supporters ni Sen. Bong.


“Wala naman kaming tutol kung may basis at pinanggagalingan na proof at tamang imbestigasyon, pero naman, hello sa mga nasa posisyon at may iba pang mas higit na damay sa kaso, ano ang ginagawa sa kanila at bakit kay Sen. Bong ninyo tila isinisisi, ibinibintang at s’ya lang itong nais ninyong papanagutin?” dagdag pa nila.



Obyus na ‘di nawala ang love sa isa't isa…

MARK ANTHONY, KILIG NA KILIG SA PAGBATI NI CLAUDINE



BUHAY na buhay ang mga fans nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez dahil sa kilig na kanilang na-feel nang dahil sa birthday greetings ni Clau sa first love niya.


Winner na winner naman kasi ang ginawang pagbati nito kung saan inilarawan pa niyang hindi niya makakalimutan si Mark bilang nagbigay ng maraming first sa kanya, including some heartaches…


Pero dahil sa magandang pagkakasalansan ni Clau ng mga salita para sa dating ka-love team at first love, marami ang kinilig at umaasang sana nga raw ay magkaroon ng bagong chapter ang love affair nila.


Sa nabalitaan naman naming reaksiyon ni Mark, tila kilig na kilig pa rin ito sa pagbati ni Claudine. 


Magkasama ang dalawa sa Totoy Bato (TB) series sa TV5 at kung nasusubaybayan nga raw ninyo ang madalas nilang hirit sa mga vlogs at Tiktok, masasabi mo ngang hindi nawala ang pag-ibig nila sa isa’t isa.


First love never dies daw talaga sa kanila.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | January 14, 2026



Vice Ganda at Atty. Topacio - IG

Photo: Vice Ganda at Atty. Topacio - IG



Para kay Borracho Films producer Atty. Ferdie Topacio, mas deserving si Papa Piolo Pascual na tanghaling Best Actor sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikulang Manila’s Finest (MF) kesa kay Vice Ganda para sa Call Me Mother.


Grabe rin ang naging pag-oopinyon niya sa nasabing festival na ayon nga sa kanya ay dapat na pinatatakbo ng mga taong may alam sa paggawa ng movies.


“Nakapag-produce naman ang MMFF ng mga matatawag nating classics na sa ngayon, pero iba nga ‘yung sistema ngayon, eh. Mas binibigyan nila ng priority ‘yung income o ganansiya kesa sa kalidad. A film festival should showcase work of art na eventually ay dapat maging bahagi at maipagmamalaki ng ating heritage sa arts and culture,” ang bahagi ng litanya ng kontrobersiyal na abogado. 


Dapat daw ay sa mga film agencies gaya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ipamahala ang taunang MMFF at hindi sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ‘kuwarta’ lang ang intensiyon over quality at magandang standard ng local movies.


Samantala, sa latest movie offering nilang Spring in Prague (SIP), ipinagmalaki nitong hindi lang basta love story ang laman ng movie. Nagamit daw nila kahit sa names ng mga characters nina Paolo Gumabao, Sara Sandeva at Elena Kozlova ang mga simbolismo na may kinalaman sa history at struggle ng bansang Czech Republic sa usapin ng sovereignty and politics.


“Hindi naman sa pagyayabang ng storyline (ang story ay isinulat ni Eric Ramos), we made it sure na may mga out of the box situations kaming na-incorporate. Magaling si Paolo at iba ‘yung nuances n’ya. Bright actor,” sey pa ni Atty. Topacio.


Ayon pa sa kanya, hindi sila magsasawang mag-produce ng movies na gusto nilang ihandog sa mga Pinoy kahit hindi ito kumikita. 


“‘Yung pagkita ay sa ibang platform na lang namin aasahan gaya ng sa Netflix, etc. Mas mahalaga ‘yung maipahatid namin ang message na may gaya naming handang sumugal at magbigay ng trabaho dahil may passion kami to contribute sa magandang heritage ng ating sining thru movies.”



HUHUSGAHAN naman ngayong araw, June 14 ang tambalang RabGel dahil first day showing ng kanilang A Werewolf Boy (AWB) under Viva Entertainment.


Sa nakita at naramdaman naming kilig, tilian, at hiyawan during its grand premiere, walang dudang may mararating ang tandem nina Rabin Angeles at Angela Muji.


Adaptation ito ng isang foreign series na ang Pinoy version ay idinirek ng mahusay na si Crisanto Aquino. 


Lagi naming hinahangaan ang mga visuals ni direk. ‘Yung napagsasalita niya ang mga props, background kaya nagiging mas interesting ang movie. 


Maganda ang cinematography at siyempre, given na ‘yung husay ng cast members lalo na si Rabin na marunong mag-interpret ng role niyang ‘boy lobo’.

Kakaiba rin si Candy Pangilinan bilang nanay ni Angela na may sarili ring atake. Of course si LT o Ms. Lorna Tolentino na may special role na sobrang vital sa istorya.


But more than those stuffs, ‘yung chemistry talaga ng RabGel ang nagdala sa pelikula. 


Ito ‘yung first local movie offering na ipalalabas this 2026 after ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magbibigay-hudyat kung mas sisigla ang movie industry this 2026. 



Todo-puri sa host…

BEAUTY, KINILIG KAY MARTIN JAVIER



NAKAKALOKA talaga si Beauty Gonzalez sa media launch ng soon to be watched na House of Lies (HOL) afternoon series sa GMA-7.


Sa naturang launch kasi ay tila kinilig at napaghalatang may crush siya or something (baka naman napagtripan lang, huh?) sa event host na si Martin Javier.


Bukod kasi sa panay ang puri nito sa kaguwapuhan ng host, panay ang pasaring nito kung available pa raw ba ito or something? Hahaha!


Sabi nga ng mga ka-table namin, sa daldal at habang sumagot ni Beauty sa mga tanong ay baka nakalimutan nitong nasa mediacon siya at may mga kasamang co-stars gaya nina Kris Bernal, Martin del Rosario, Mike Tan, Kokoy de Santos at mga veteran actors na sina Snooky Serna, Jackie Lou Blanco at Lito Pimentel with Direk Jerry Lopez Sineneng.


Ang HOL ang papalit sa top rating series na Cruz vs. Cruz (CVC) sa afternoon slot ng GMA-7 at base sa mga earlier comments at trailers na ipinalalabas, taglay ng serye ang mga elemento kung bakit pinaghaharian ng Kapuso Network ang afternoon timeslot.

Sey nga ni Direk Jerry, “Kung bardagulan at bardagulan ng arte ang hanap, kumpleto r’yan ang House of Lies. Abangan ninyo sina Kris at Beauty dito, iba rin ang hatawan nila.”

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | January 4, 2026



LET’S SEE - ELISSE, NAGPARETOKE, KAMUKHA NA NINA NATHALIE HART, SARAH AT ARCI_IG _elissejosonn

Photo: IG _elissejosonn



Nang dahil sa pag-deny ni Elisse Joson hinggil sa pagiging third party umano ng naghiwalay na showbiz couple, hayan at ang ‘bagong mukha’ nga niya ang napagdiskitahan ng netizen.


Kahit kami ay grabe ring nagulat sa laki ng ‘enhancement’ ng hitsura ngayon ni Elisse. Nawala iyong maamong aura at ang simpleng ganda na kahit hindi mo na lagyan ng make-up ay napakanatural ng appeal.


Sa mga naglabasan niyang photos, halos aakalain mong siya si Nathalie Hart o si Sarah Lahbati. May mga nagsasabi pang kahawig na niya si Kyline Alcantara at may iba namang nagsasabi na tila papunta na siya sa Arci Muñoz kind of beauty.


Hindi namin tuloy malaman kung complement ba ang mga iyon dahil pawang magaganda rin namang talaga ang mga binanggit na celebrities. ‘Yun nga lang, lahat sila ngayon ay may imaheng pangkontrabida ang awra.


Pinipilit naming balikan at i-recall ang ganda ni Elisse Joson noong nasa Ang Probinsyano at Batang Quiapo shows siya, pero nahihirapan din kami.



Ka-bonding na ng pamilya nu’ng New Year…

YUKII, IPINALIT NI MARCO KAY CRISTINE



AT dahil binalikan nga namin ang Batang Quiapo (BQ), doon din namin naalala na naging parte pala ng show si Yukii Takahashi. 


Siya nga ‘yung naging ‘asawa’ roon ng karakter ni McCoy de Leon na nabuntis at pinatay.


Ngayon ay ‘in’ uli ang ganda ni Yukii nang dahil sa pagkaka-link niya kay Marco Gumabao.


Sila nga ang bumulaga sa bagong taon na tila love team na pala sa totoong buhay. Matagal-tagal din kasing nanahimik si Marco after ng breakup nila ni Cristine Reyes, na nauna ngang nagkaroon ng bagong karelasyon.


Well, positive naman ang reception ng madla kina Marco at Yukii. Marami ang bumabati sa magandang aktres lalo’t sa naturang pictures na na-upload at pinag-usapan noong New Year ay ang pamilya ng aktor ang kasama nito.


Ang nanay at mga kapatid ni Marco Gumabao ang masayang ka-bonding ni Yukii Takahashi sa naturang mga pictures.



Aktres, todo-proud sa pagyakap… 

PAMILYA NG BAGONG BF NI ANDREA, SUPER RICH, HOTEL ANG NEGOSYO



DITTO with Andrea Brillantes na pamilya naman ng napapabalitang athlete boyfriend nitong si Pankie Capistrano ang kasama last New Year. 


Dating basketball player sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at tubong Lucban, Quezon si Pankie at galing sa mayamang angkan (Franchesco Juan) na nasa hotel business. 


Mukhang nauuso sa mga celebrities ngayon ang ini-introduce at isinasama sa mahahalagang okasyon ng karelasyon nila.


Gaya nina Marco at Yukii na nag-aakbayan sa photos, sina Andrea at Pankie naman ay masaya ring magkayakap, to prove na may emotional attachment na nga sila.


Maganda ang takbo ng career ni Andrea. Calendar girl at model siya ng isang nakakalasing na inumin, plus may upcoming series siya with Enrique Gil na mukhang action series ang awrahan.


Abangan na lang natin sa mga susunod na panahon kung hanggang saan aabot ang estado ng dalawang couples na sina Marco Gumabao-Yukii Takahashi at Andrea Brillantes-Pankie Capistrano.


Sana naman ay ma-celebrate nila ang Valentine’s Day.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page