ni Ambet Nabus @Let's See | November 14, 2025

Photo: IG _kylienicolepadilla & _ajravss
May tatlo na palang anak kay AJ Raval ang dating mister ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica, plus previously ay may dalawang anak din si AJ (though naging ‘angel’ na ‘yung isa).
Sa naging positibong reaksiyon ni Kylie, marami ang naniwala na may masaya nga silang separate family situation ngayon. Pero nang dahil sa mga bata, ‘Para na rin silang may blended family.’
Marami rin ang pumuri sa pagiging sexy at younger looking ni AJ kahit naka-limang beses na pala itong nanganak.
Pinag-uusapan na nga ang pagbabalik-showbiz niya.
Meanwhile, marami naman ang nag-uudyok kay Aljur na mas lalong maging masipag sa pagtatrabaho at huwag na itong maging choosy sa mga roles niya lalo’t lima na rin pala ang mga anak na dapat niyang itaguyod — tatlo kay AJ Raval at dalawa kay Kylie Padilla.
Unless, mayroon daw biglang lumabas at sumigaw na may anak din sa kanila si Aljur Abrenica?
Aguy!
NCCA, pinagpapaliwanag… LEAKAGE SA PAGPILI NG NATIONAL ARTIST, BUKING!
Nag-react ang mga kapwa-Vilmanians sa inilabas na blind item ng PEP tungkol sa umano’y ‘well-loved personality’ sa showbiz na naligwak sa second round of deliberation para sa National Artist (NA).
Ayaw na rin sana naming patulan pa ang isyu, pero nakikiisa kami sa kanilang matalinong opinyon na ang naturang ‘showbiz item’ ay nangangailangan ng paliwanag o reaksiyon mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na siyang dapat na nangangalaga sa integridad ng kanilang proseso.
Lumalabas kasing mayroong ‘koneksiyon, insider o source’ ang naturang naglabas ng blind item sa loob ng NCCA o mga taong may kaugnayan sa proseso ng pagpili ng hihiranging NA.
“This is not about Ate Vi anymore. This is more on the credibility, integrity and the supposed code of conduct and confidentiality of the process. Kahit kailan naman ay hindi inilalabas ang komposisyon ng mga taong (jury o panel members) nagde-deliberate, bumoboto at nagdedesisyon kung sino ang mga pasok at hindi.
“Sa ginawa ng PEP, napaglaruan o pinaglaruan nila ang dapat na sagradong proseso ng pilian. Dapat na may ipaliwanag ang NCCA at mga namumuno rito sa kung bakit tila may access sa proseso nila ang inilabas ng PEP,” pahayag pa ng mga kapwa-Vilmates.
“Maliwanag na nagkaroon ng breach of confidentiality if ever mang may member o mga taong kasali sa naging proseso upang mailabas ang ganu’ng ‘blind item’. Hindi basta-basta ginagawang usapin sa showbiz news ang ganitong mga bagay lalo’t pinagkakatiwalaan ang mga namumuno sa ahensiyang ito na suriin ang mga taong hihirangin bilang Pambansang Alagad ng Sining base sa mga credentials, qualifications at rules ng ahensiya.
“Si Ate Vi man ‘yan o kung sino pa mang taga-showbiz na umano’y naligwak sa proseso, klarung-klaro na may paglabag na nangyari,” hirit pa nila.
Well, personally speaking, at dahil na-involve ang inyong lingkod sa proseso ng pagsumite ng nominasyon ng Star for All Seasons para isulong bilang NA for Broadcast and Film, naniniwala kaming may dapat na rebisahin at repasuhin ang NCCA pagdating sa kagayang usapin.
Ni hindi nga nalalaman ng sambayanan kung sino ang mga taong involved sa first and second level of deliberation (maliban sa third level na binubuo ng mga past NA), and yet, posible palang nali-leak ang ganoong info?
Malay ba namin kung sinu-sino lang ang kinukuhang nagtatalu-talo sa naturang mga level at may posibilidad na kumpara sa pinagtatalunan nilang nominee ay hindi man lang nagkaroon ng anumang karangalan o achievement o kuwestiyonable rin ang expertise?
Ayaw din naming maniwala na si Ate Vi ang tinutukoy ng naturang blind item dahil kaydaling sabihin ng mga nagsulat na, “Kaya nga blind item at puwedeng kahit sino ‘yun lalo’t posibleng may ibang taga-showbiz na nag-submit din ng nomination.”
Pero sa naging aksiyon ng PEP, maliwanag na hindi responsableng peryodismo ang nais nilang isulong, kundi sensasyonalismo. Isang bagay at napakahalagang salik o factor na ipinagmamalaking dapat labanan-kontrahin ng NCCA sa lahat ng kategorya sa sining at kultura na may nahihirang silang NA.






