top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | November 18, 2025



Jean Jordan Abina - IG

Photo: Bea at Vincent - IG



Grabe rin ang mga pagpupuna ng netizen kay Bea Alonzo sa mga recent posts nito kasama ang boyfriend na si Vincent Co.


Ayon pa sa mga pakialamera at mga sawsawerang Marites, tila raw nahahalata na si Bea na higit na nagpapakita ng pagkagusto kay Vincent. 


Base kasi sa mga published photos sa socmed (social media), makikitang ang magandang aktres ang nakayakap o yumayakap sa lalaki, at may iba pang litrato na napaghahalata raw na parang ito diumano ang patay na patay sa guy.


Nakakaloka! Pero hindi na rin namin maunawaan kung saan nanggagaling ang mga ganu’ng hanash at pakikialam. Hahaha!


Kapag walang ganap sina Bea at dyowa nito, kung anu-ano ang itinatanong at hinahanap at mga espekulasyon ng madla. Kapag naman may mga gayang posts ng lambingan o tipong PDA (public display of affection), kung anu-ano rin ang pinupuna?


Hay, saan na ba lulugar ang mga gaya nina Bea Alonzo at Vincent Co na may intensiyon lang naman marahil na pasayahin ang mga fans at supporters nila?

Nakakaloka!!!



PUMIRMA na pala ng artist contract sa GMA-7 Sparkle si Eman Pacquiao.

Ayon sa sumisikat ngayong anak ni Manny, ang Sparkle na ang magha-handle ng kanyang mga offers at projects outside his boxing career.


Ibig sabihin daw nito, posible rin siyang lumabas sa mga TV series o movies ng GMA-7 for as long as nag-conform daw sa kanyang values ang mga projects na iaalok sa kanya.


Kasama na rin dito ang mga possible product o services endorsements na siya naman daw talagang priority reason kung bakit naengganyo siyang pumirma ng kontrata sa Kapuso Network.



SA kaugnay na tsika, pinabulaanan naman ng ating kaibigang si Jessica Soho ang mga naglabasang tsika na diumano’y namimili ito ng iinterbyuhin para sa kanyang programa.


May mga bashing kasi ngayon kay Ma’am Jessica dahil kapag daw hindi ganoon kainteresante o kasikat ang ipi-feature sa kanyang show ay ang crew o staff lang nito ang pinapapunta to interview.


Pero nang si Eman Pacquiao nga raw ang bibigyan nito ng espasyo sa kanyang show, personal pa raw itong pumunta.


Pati nga ‘yung mga feature ng show tungkol sa mga kababalaghan at kagayang kuwento ay pinupuna rin dahil hindi naman daw ito ‘live’ na dinadayo ng award-winning broadcast journalist.


Binara naman ito ng mga defenders niya dahil alangan naman daw na pati ang mga ganoon ay puntahan pa niya, much more interbyuhin ang mga engkanto o multo. Hahaha!


Basta ang alam namin, ngayong November 26 ay ire-release na ng Sony Pictures ang GMA Pictures at GMA Public Affairs debut movie na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) Gabi ng Lagim, the movie. Ito ang magsisilbing 20th anniversary offering ng KMJS kaya tara na, doon na lang tayo sa mga sinehan magsigawan at magtilian.

Isa itong trilogy-horror anthology movie na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Miguel Tanfelix, Sanya Lopez at Elijah Canlas.


Sina Dodo Dayao, King Mark Baco, at Yam Laranas ang mga direktor. 


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | November 16, 2025



Jean Jordan Abina - IG

Photo: Jean Jordan Abina - IG



Magkakaroon ng Christmas show ang mga ‘clones’ ng Eat… Bulaga! (EB!)

Kataka-taka lang na marami ang naghahanap at nagtatanong kung bakit wala sa lineup ng mga artists ang grand winner ng contest na si Jean Jordan Abina.


Si Jordan ang ultimate grand winner na gumagaya sa boses ng pamosong si Karen Carpenter na hinangaan nga ng marami dahil sa linis at sobrang lapit ng boses nito sa yumaong music icon.


Marami ang nagpaabot sa atin ng pagtataka kung bakit hindi na nga raw ito napapanood sa EB! gaya ng mga araw-araw na clones na naging bahagi na ng programa.

At ngayon ngang magkakaroon sila ng Christmas show, kapuna-punang wala ito sa poster at dahil inianunsiyo ni Bossing Vic Sotto na under contract na sa kanilang talent center ang ibang clone artists, marami nga ang naghahanap kay Jordan.

May something kaya na nangyari na hindi ipinaalam ng Dabarkads?



BUKOD kay former Sen. Juan Ponce “Manong Johnny” Enrile, isa pang kilalang personalidad na yumao na rin ay ang mahal ng maraming si Tita Rose, Florence Lansang Danon, o mas kilala bilang si Rosa Rosal. 


Minsan nang napabalita ang kanyang pagyao last month lamang, pero nito ngang November 15 ay kumpirmadong tuluyan na itong ginupo ng kanyang karamdaman.


Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ng itinuturing na reyna ng Red Cross, isang batikang humanitarian at magaling ding aktres. 




Singer, nang mag-artista sa pelikula…

NONOY, UMAMING SI VILMA ANG FIRST SCREEN KISS NIYA


“SANA nga ay mas mabusisi at maproteksiyunan,” ang lahad ni Nonoy Zuñiga tungkol sa mga kontrata ng mga singers o kahit na sinong artist.


Base raw kasi sa kanyang personal na karanasan at sa hinaba-haba ng naging stay niya sa music industry, hindi raw pala siya personal na nakakakuha ng ‘royalty’ sa ilan niyang mga hit and classic songs gaya ng Never Ever Say Goodbye.


Sa kanyang paliwanag, dati raw kasi ay hindi ito naisasama o napag-uusapan sa mga kontrata dahil ang pagkanta lang ang mas binibigyan nila ng pokus noon.


Kaya nga raw mas masuwerte ang mga singers ngayon dahil sa pag-evolve ng social media, mas nabibigyan na sila ng proteksiyon sa mga kontrata nila.


Subalit nag-agree rin naman ang hitmaker at music icon na unlike before, tila sa number lang daw marami ang mga singers ngayon. 


During their time kasi, ang isang gaya niya ay posible at kering magkaroon ng sunud-sunod na hit songs na magiging ‘tatak’ nila sa industry.


“‘Yung mga song na talagang after a decade or so, nand’yan pa rin at kinakanta ng marami,” sey pa nito.


Kaya naman sa darating na December 9, inaasahang muli niyang mapupuno ang Newport Performing Arts Theater para sa repeat ng kanyang Beyond Gold: Songs of a Lifetime concert


At 71, umaasa si Nonoy na maka-relate pa rin sa mga younger audiences na kilala pa rin ang mga songs niya gaya ng Doon Lang, Kumusta Ka, Live for Love, Love Without Time, Init sa Magdamag at marami pang ibang classic na rin.


Sasamahan siya on Dec. 9 nina Pops Fernandez, Nina, Dulce, Rey Valera, Marco Sison at Lani Misalucha, with new artists Isha Ponti at Andrea Gutierrez.


Ay may trivia pala si Nonoy na nai-share during the presscon ng kanyang repeat concert.

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos pala raw ang first screen kiss niya sa movie na Never Ever Say Goodbye (1982). 


“Hindi ko talaga alam kung ano ‘yung screen kiss. Pero sobrang proud ako na isang Vilma Santos ang nag-guide sa akin at nagbigay-kumpiyansa sa pagiging leading man at aktor ko kahit sandali,” pagbabahagi nito.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | November 15, 2025



 IG CocoJul

Photo: IG CocoJul



Ngayong naging open na sa publiko ang pagkakaroon ng mga anak ni Aljur Abrenica kay AJ Raval at masaya itong tinanggap ni Kylie Padilla, nagtatanong ang mga netizens kung may dapat na rin daw bang aminin sina Coco Martin at Julia Montes?


Matatandaang nauna nang nag-ala-Jeric Raval si Willie Revillame noon nang madulas ito sa pagbati kina Coco at Julia sa umano’y mga anak nila.


That was years ago hanggang sa unti-unti na ngang nagkaroon ng pagpapakilala si Coco kay Julia bilang kanyang partner.


At dahil mabilis din namang tinatanggap ng publiko ang mga ganitong bagay ngayon sa showbiz, marami nga ang nagtatanong kung kailan naman magsasalita ang dalawa at kung ilang anak na raw ba meron ang mga ito?


Kapwa abala sa kanilang mga respective career at business sina Coco at Julia at tila naghihintay lang sila ng perfect timing kung kailan nga nila aaminin sa publiko ang bunga o mga bunga ng kanilang love-partnership.


Though may nakapagbulong sa amin na baka raw naghihintay lang si Direk Coco Martin na maging final ang pakikipag-negotiate umano nito para sa kanyang bagong talent management?

May ganu’n?



MAY mga fans si Rabin Angeles na nagtatanong sa amin kung bakit walang celebration ang batang aktor last November 14, ang kanyang ika-21st birthday.

Mga fans ni Rabin mula sa Eat… Bulaga! (EB!) ang nagpaalala sa amin dahil sobrang kengkoy at kyut na kyut ang mga ito sa Viva artist na sumikat sa mga series ng Viva One.


Sila rin ang grupong laging nanonood sa aming mga vlogs at readers dito sa BULGAR na laging nagbibigay ng update tungkol sa mga ganap ng aktor.


Hindi namin nasilip kung present sa EB! si Rabin kahapon pero ayon nga sa mga fans niya ay wala silang nabalitaan na nag-celebrate ito ng kanyang ‘debut’ kumbaga.


“Baka mag-organize na lang kami ng isang fan day para sa kanya. Alam naman naming busy siya ngayon sa ginagawa niyang movie na A Werewolf Boy,” sey pa ng mga fans nito.

Well, happy birthday, Rabin Angeles!



SAMANTALA, mismong si Angel Locsin ang nag-explain na may diperensiya nga ang kanang tenga ng anak-anakan niyang si Joaquin Arce, isa sa mga Pinoy Big Brother (PBB) housemates ngayon. 


Mukhang seryoso nga ang ngayo’y muling paggamit ni Angel ng kanyang socmed (social media) account para sa anak ng asawa niyang si Neil Arce. Support kung support talaga ang dating sikat na aktres, mereseng may mga bashers din siya na nagtatanong kung bakit need niya itong gawin.


May ilan pang nag-comment na kering-keri naman daw ng mga nagpapatakbo ng PBB na ilahad ang totoong kondisyon ni Joaquin lalo’t may mga kaparaanan si Kuya para gawin ito.


But then again, sino ba naman tayo para kuwestiyunin ang intensiyon at pagpapel ni Angel bilang ‘nanay’ ng bagets na housemate?


Pahabol pa ng mga nakasubaybay pa rin kay Angel, “Lumalabas lang si Angel para gamitin ang social media ‘pag may mga lindol, baha at bagyo, mga rallies laban sa gobyerno, ‘pag may mga bashers at para kay Joaquin.”


Marami tuloy ang nagtatanong kung ngayon daw bang inilalaglag na ni dating Ako Bicol Congressman Zaldy Co sina Pangulong Bongbong Marcos at Cong. Martin Romualdez ay maging active kaya uli si Angel Locsin?

Let’s see… 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page