top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | July 2, 2025



Photo: Cristine Reyes - IG


“Live and let live. Love and let love,” ang tugon ng mga supporters at naniniwala kina Mama Renee Salud at Mader Ricky Reyes tungkol sa pananaw nila on LGBTQIA+ plus community’s fight for the approval of the SOGIE bill, among other concerns ng nasabing sector.


Mainit pa rin kasi ang diskusyon sa isyung ito na nataon sa Pride month celebration at mga diskurso tungkol dito.


Naging sentro nga sina Mama Renee at Mader Ricky ng usapin lalo’t may gaya naman ni Meme Vice Ganda, na very vocal din sa kanyang pananaw.


Inakala nga ng iba na nagpaparunggitan sila pero kapag pinakinggan mo namang mabuti ang mga sinasabi nila, maa-appreciate at maa-admire mo ang brilyo ng mga opinion nila.


Galing sa magkaibang panahon, karanasan, pakikisalamuha at school of thought ang magkabilang kampo.


Kapwa makabuluhan at batay sa mga aral at karanasan ang kanilang mga pahayag. No reason to say who’s saying right or wrong dahil nga mga buhay na patotoo sila na ang LGBTQIA+ community ay bahagi ng humanity and are here to stay and enjoy everything that’s being given to any person, be he or she, they or we, or whatever one wants to label themselves.


Makulay ang mundo. Makulay ang buhay, so live and love them!

Happy Pride month, mga Ka-BULGAR!



WHETHER kinakarir ni Carla Abellana ang pagbibigay-pahayag sa mga isyu ng lipunan or simpleng concerned lang siya o sabi ng iba ay papansin lang, the fact remains, nakakatulong ang pag-iingay nito at paggamit ng socmed (social media).


Marami nga ang humanga sa aktres nang i-call out niya ang water company ng mga Villar dahil sa umano’y “unreliable” services nito.


Kahit ang mga taga-Bicol, Bulacan at Las Piñas residents/consumers na sineserbisyuhan ng naturang water company ay nagpapasalamat kay Carla dahil naging boses daw nila ang aktres sa umano’y ‘palpak’ ngang mga serbisyo nito.


Kahit tinatawag ng iba na pakialamera si Carla, kung may mabuti naman daw itong naibibigay sa mga paying consumers, “Kakampi n’ya kami,” ang susog pa ng mga ito.


Hirit pa nila, “Kumpara naman sa ibang influencers or celebrities or even politicians there na puro ngiyaw-ngiyaw lang, mamahalin na namin si Carla dahil sa pagiging vocal at consistent nito sa mga usaping-panlipunan.”


Ibang usapan na raw ang pagiging aktres o artista nito lalo’t tila once a year na lang daw itong magka-project?



MEANWHILE, kontrabida nga ba ang style ni Gladys Reyes both in TV at pati sa mga anak niya in real life? 


Iyan ang ayaw na style ni Gladys Reyes pagdating sa parenting, na ise-share niya sa hearing/vodcast na Your Honor (YH).


Kasama ang mga hosts na sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar, ipapatawag nila ang resource person na si Gladys para sa usaping “In aid of parenting: kontrabida ba ang namamalo?”


Sa hearing na ito, pagkukuwentuhan ang iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa mga anak at alamin kung effective pa ba ngayon ang pamamalo sa bata.


Abangan ang YH sa livestream tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto (PM) sa YouTube (YT) channel. 


Mapapanood din ang episodes sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | July 1, 2025



Photo: Cristine Reyes - IG


Totoo nga kayang may bago nang karelasyon o boyfriend si Cristine Reyes?

Bukod sa kuwento ni Mama Ogie Diaz tungkol dito, may mga kapwa-Uragon tayong Marites from Bicol na uma-agree at na-observe na raw ito since campaign period.


Matatandaang may mga kababayan tayong nagtataka at nagtatanong kung bakit mas naging active umano si Cristine sa kampanya ng ibang kandidato last elections kumpara sa naging laban ni Marco Gumabao?


Naisulat na rin natin dito sa BULGAR ang katanungang iyan lalo’t may mga naka-observe nga na hindi raw yata nagbigay ng full support si Cristine kay Marco bilang GF nito. 


At dahil na-Lotlot (read: talo) nga si Marco sa pulitika, lumabas na rin ang balitang nag-break na umano sila.


Pero ang nakakaintrigang part nga now ay ‘yung tsikang may bago nang BF si Cristine sa katauhan ng isang non-showbiz guy, pero malaki raw ang role sa political career ng ilang government and elected people.


Kaya ang kantiyaw ng netizen, “Hindi kaya napulitika ang love life ni Marco?”


David, ano ‘to?

BARBIE, KA-HOLDING HANDS SI JAMESON BLAKE


WELCOME to the club nga ang komento ng mga netizens sa tila namumuo umanong something between Barbie Forteza at Jameson Blake. May mga netizens pa ngang tinatawag na ‘Sera’ (for echosera) si Barbie.


Nakakagulat man pero mukha nga raw natutunan na ng aktres ang kalakaran sa showbiz na kapag may show na o project na ipapalabas ang isang artist, sumasakay ito sa mga gimik na anik-anik?


Sa isang event na naman kasing nakitang magkasama sina Barbie at Jameson, may pa-holding hands daw ang dalawa habang nakikipag-photo opp sa mga fans.


“May ipino-promote lang ang mga ‘yan, lalo na si Barbie na may series na parating. Pressured ‘yan dahil baka hindi nito malampasan ang mga nauna n’yang series,” komento ng netizen.


Mapapanood nga ngayong July si Barbie bilang bida sa Beauty Empire (BE) sa GMA-7.


Idinaan sa text votes…

PBB BIG 4, PERA-PERA ANG LABANAN


IBANG klase raw talaga ang ABS-CBN pagdating sa mga reality shows na pinagkakaperahan.


Sa nalalapit ngang pagtatapos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ngayong July 5, nag-umpisa na nga ang ‘pera-pera’ botohan ng mga supporters ng ‘Big 4’ na nasa grand finals.


Nagsimula na nga ang vote to evict at vote to save para sa 4 na tandem na naglalaban-laban — ang CharEs (Charlie at Esnyr), RaWi (Ralph at Will), AzVer (AZ at River) at BreKa (Brent at Mika).


Tila gagastos nga nang malaki ang mga parents ng AzVer dahil nu’ng makita ng mga netizens ang kasosyalan at pagiging mayaman ng mga awra ng mga mommies na pumasok, mukhang hindi raw sila ang klase na susuko na lang sa laban ng mga anak nila. 


‘Yun nga lang, very obvious daw na nagtitipid ang ABS-CBN dahil umaasa raw ito sa sponsor nila. 


Sey pa nga ng mga observers, “Para sa malaking event at collab pang matatawag, sa isang maliit na lugar lang na New Frontier theater gaganapin ang big night? 


“Anyare, ABS-CBN, sa mga pakulo ninyong pinaka-kayo? Nasaan ang ambag ng GMA-7 bukod sa sila ang nagpapahiram sa inyo ng ‘bahay’ para maipalabas sa mainstream TV?”

Aguy!




GANYAN nga rin ang naging observation ng mga nakapanood ng BINI verse world tour kuno abroad, partikular sa Canada.


Halata raw kasing pinagkaperahan lang ang sinasabing hindi naman nag-success na world tour.


Sa Dubai leg pa nga lang ay puro puna na at pintas ang inabot ng girl group na mistulang isang production number lang daw na pang-high school ang ganapan sa walang kuwentang production value. Then, sa Canada nga na marami ang nagpapatunay na aalug-alog ang mga tao sa napakalaking venue. 


Granting daw na sold-out project ito dahil may mga producers na bumili at nag-market ng nasabing world tour, ang pabayaan daw na pumalpak sa maraming production stuff na reflective sa BINI ay isang malaking pintas at flop.


“Nasaan ang laging sinasabi na world-class? Mahusay lang sila sa pag-exaggerate sa promo at pag-market na akala mo ay the best nga sila sa buong mundo? Puwede ba?” hirit pa ng naghahamon na maglabas man lang daw ng kahit isang video clip na nagpapatunay na sumakses nga ang world tour?


“Ilabas na ang video. ‘Wag nang patagalin pa dahil baka ma-edit pa at pagandahin at palabasing world-class,” kantiyaw uli ng netizen na hindi raw nagtataka kung bakit sa New Frontier lang inilagay ang PBB Celebrity Collab big night.

Luh!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 29, 2025



Photo: Marian Rivera - Family Feud Stars On The Floor


‘Yun talaga ang nakilala nating Marian — makulit, tropang-tropa ang galawan, what you see is what you get at tsika nga ng marami sa salitang kalye ay ‘jologs’.


Sobrang nakakaaliw ang pakikipagharutan nito kay Papa Dingdong Dantes, na game na game rin naman sa kanyang mga hirit.


Siyempre, para sa mga bashers, malamang na may bias at pagkampi kay Yan ang asawa dahil ang grupo nga nito ang nanalo at nakapag-uwi pa ng P200,000. Kasama ni Marian sina Pokwang, Rodjun Cruz at Faith da Silva (na isa ring babaeng bakla gaya nina Yan at Pokwang), habang kalaban nila sina Alden Richards, Zeus Collins at dalawa pang kasama nila sa Stars On the Floor (SOTF).


Ang final answer na ‘ticket’ na sinabi ni Marian sa tanong tungkol sa bus ang nagpanalo sa team nila, kaya’t may mga nagsasabi na namang ‘pinaboran’ umano ito ni Papa Dong at ng show.


Hindi nga kami nagkamali na may mga bashers na namang nagduda dahil sinasabi nilang tila napaboran ang team ni Marian.


Nakakaloka, lahat na lang, pinansin, imbes na maging masaya na lang. Hahaha!



SA isang umpukan naman ng mga nakakapanood ng advanced episodes ng Incognito sa Netflix na pinagbibidahan nina Daniel Padilla et al., hindi maiiwasang pag-usapan ang mga dramatic scenes ng mga bida.


Partikular ngang topic ‘yung mga drama scenes ng bawat bida nu’ng namatay na sa eksena ang mga mahal nila sa buhay.


Komento ng ilan, “Ang lalim na talaga ni DJ (Daniel) umarte bilang aktor. ‘Yung bilugan niyang mga mata, very expressive. Feel na feel mo talaga na kapatid niya si Louise (Abuel) na grabe n’yang iniyakan nu’ng mamatay.”


Subalit nang mapag-usapan ang eksena ni Anthony Jennings nang iniyakan naman nito ang mga napatay na karakter nina Bembol Roco at Matt Evans, ito naman ang sinabi ng mga nakapanood, “Ang husay, ibang klaseng artista. ‘Yung tipong walang pakialam kung tumutulo na ang uhog sa pag-iyak at kitang-kita na ang ngala-ngala sa pag-atungal. Naiiba sa kanilang lahat.”


Sumunod nga raw kina DJ at Anthony ang husay ni Maris Racal na kahit walang luha sa kaiiyak ay mararamdaman mo ang pag-iyak nito sa napatay na tatay niyang si Joel Torre.


Then, si Kaila Estrada na ‘mata-mata’ rin ang galing habang pilit na kumakawala sa mga nagpipigil ditong malapitan ang mga nanay niyang sina Ana Abad Santos at Sharmaine Suarez na napatay din.


Maikli man kumpara raw sa mga babad moment ng mga nabanggit ang eksenang iniyakan din ni Richard Gutierrez ang napatay din niyang ama sa series na si Tito Eddie Gutierrez, “May hugot at lalim din. Magaling nang gumamit ng mata si Chard,” sey ng mga nagkumpa-kumpara sa husay ng mga naturang bida sa Incognito.

Oh, ‘di ba, hindi lang sila mahuhusay sa action dahil palaban din silang lahat maging sa drama.



PARA naman sa espesyal na anibersaryo ng I Juander (IJ) ngayong Linggo (Hunyo 29), aalamin nito ang mga dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga Pilipino ang Hong Kong. 


Mula sa mga nakamamanghang natural wonders hanggang sa mga hindi malilimutang food trip at pagbabalik-tanaw sa nakaraan, samahan ang mga hosts ng IJ na sina Susan Enriquez at Empoy Marquez sa kanilang adventure sa Hong Kong.


“Back Garden of Hong Kong” kung tawagin ang Sai Kung District dahil sa mala-paraiso nitong mga isla at dalampasigan. Pero ang isa raw talaga sa mga dinarayo rito, ang mga nakamamanghang rock formation sa mga isla. Kaya naman sina Susan at Empoy mismo ang dumayo para mag-island tour dito.


Pagkatapos bumaybay sa naggagandahang isla, ang next stop naman nila ay food trip. 

At sa bawat biyahe, bawal umuwi nang walang selfie. Kaya ang Tsinoy photographer at architect na si Ace, inililibot ang mga turista sa iba’t ibang IG-worthy spots para sa kanilang inaasam na turista pose.


So, bakit nga ba paboritong dayuhin ng mga Pinoy ang Hong Kong? Samahan sina Susan at Empoy sa anniversary special na ito ng I Juander ngayong Linggo, 8 PM sa GTV.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page