top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | August 16, 2025



Photo: Sen. Robin Padilla at Nadia Montenegro - FB Circulated



Mukhang hindi pa rin nababasa ni Nadia Montenegro ang aming hinihinging klaripikasyon hinggil sa pagkakadawit ng name niya sa issue ng marijuana sa Senado.


Kilala namin si Nadia dahil bukod sa mga showbiz gathering, naging kaibigan at neighbor namin ito.


Na-witness namin ang kanyang pagiging isang mabuting ina at kaibigan sa mga gaya namin. During the pandemic, talagang hands-on siya sa pagbibigay-ayuda through her small deeds para sa mga noo’y frontliners, at marami pang ibang pagtulong in and out of showbiz.


Medyo nakakawindang lang kasi ang lumalabas na mga balita na of all places na magluluka-lukahan siya — if ever man na gumamit umano ng marijuana — ay sa Senado pa?


Sa lumabas ngang incident report ng Senate, na-mention nga raw na may pag-amin ito na may possession siya ng vape pero itinanggi nitong gumamit o gumagamit siya ng marijuana sa Senado.


Naka-leave raw si Nadia sa ngayon pero patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol dito. 


Kinlaro rin ng office ni Sen. Robin Padilla kung saan ito nagtatrabaho na hindi siya tinanggal.


Sana ay malinis ang name ni Nadia Montenegro at maayos ang imbestigasyon ng Senado ukol dito.



Aktor, sobrang hurt daw… LIZA, UMAMING 3 YRS. NA SILANG HIWALAY NI ENRIQUE



EARLY year 2024 pa kami nabigyan ng konting patikim sa napapabalitang breakup nga nina Enrique Gil at Liza Soberano.


Bilang love namin ang tandem nilang LizQuen (and we want to believe na kaibigan kami ni Quen), isa kami marahil sa mga kaibigan nila sa media na napakiusapan din noon na hayaan na lang na sila ang mag-anunsiyo sa publiko ng kanilang paghihiwalay.


That was between 2023-2024 kung kailan sa aming pagkakaalam ay ipinroseso pa nila ang posible nilang pagbabalikan.


At dahil si Liza na ang nagsalita ngayon, hindi na kami nagugulat sa mga details na naikuwento niya like her family background, mga traumatic experiences nila ng kanyang kapatid, hanggang sa involvement niya kay Jeffrey Oh.


Naririnig na namin ito during that time kaya may shade of awa at simpatya kami sa noo’y mga iskandalo sa kanyang personal na buhay, plus mahal na mahal talaga siya ni Quen.


Alam naming masakit na masakit ito para kay Quen at sana naman ay nakapag-usap talaga sila bago pa man ang rebelasyon na ito ni Liza na 3 yrs. na nga silang hiwalay.

Well, we still wish Liza well at naniniwala kaming mahi-hit din niya talaga ang big time sa pinili niyang career path sa ngayon.


And to Quen, alam mo naman, friend, na nandito lang ang mga gaya namin na laging nakasuporta at nagdarasal din for you.



WINNER talaga ang GMA Network dahil sa pagkilalang nakamtan nito mula sa prestihiyosong 16th Cannes Corporate Media & TV Awards.


Nagkamit ng Finalist Certificate sa Social Media Videos category ang GMA Integrated News #Eleksyonaryo: The Dapat Totoo Digital Exclusives habang nakakuha naman ng Finalist Certificate sa Human Concerns and Social Issues category ang I Witness: Kapalit ng Katahimikan ng GMA Public Affairs.


Gaganapin ang awarding ceremony ng 16th Cannes Corporate Media & TV Awards sa September 24-25, 2025.

Congratulations, GMA!



TALAGANG kinagiliwan ng mga netizens ang bagong Station ID ng GMA Network na inilunsad para sa 75th anniversary nito, ang Forever One With the Filipino.


Makikita sa video ang mga bigating Kapuso stars tulad nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera, Asia’s Multimedia Star Alden Richards, multi-awarded broadcast journalist Jessica Soho, Kapuso Comedy Genius Michael V., GMA Integrated News pillar Mel Tiangco, Global Fashion Icon Heart Evangelista, Kapuso Drama King Dennis Trillo, and Ultimate Star Jennylyn Mercado. 


Kasama ang iba pang Kapuso artists, nagbigay sila ng pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng kanilang mga fans.


Lubos ang pagbati at tuwa ng mga Kapuso audience sa bagong station ID ng GMA.  


“Happy 75th Anniversary, GMA Network! Isa kayo sa mga standard na matatawag mula noon hanggang ngayon. Mananatiling Kapuso para sa Filipino,” sabi ng isang fan.


Dagdag naman ng isa, “Hindi ko talaga ma-explain bakit everytime makita ko mga Station ID ng GMA, naiiyak ako. Baka kasi dahil sa ramdam ko ang pagka-sincere nila. Kahit nga ‘yung opening ng Station ID bago ang Unang Hirit, naiiyak ako. Forever Kapuso.”


Tara na’t panoorin ang Forever One with the Filipino, ang 75th Anniversary Station ID ng GMA Network. Pumunta lamang sa official YouTube (YT) channel (@gmanetwork) at Facebook (FB) page ng GMA, o bisitahin ang GMANetwork website.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page