top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | August 9, 2025



Photo: Manny Pacquiao at Jinkee - IG



Pinag-uusapan sa socmed (social media) ang arrival ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa NAIA kamakailan.


Nag-stay pa nga sa USA ang mag-asawa immediately after ng draw result sa huling laban ni Pacman.


Siyempre nga naman, milyones na dolyar ang kinita nila roon kaya siyempre, isusubi muna ‘yun sa tamang lalagyan kumbaga.


Anyway, naging isyu nga ang tila pandededma raw ni Jinkee sa mga sumalubong sa kanila sa pangunguna ni Dyan Castillejo na may TV coverage pa.


Nakunan nga ng TV camera ang tila pandededma ni Jinkee sa taong sumalubong at nag-abot ng kamay sa asawa para bumati.


“Grabe, ha! Pero ‘yung reaksiyon n’ya na parang hindi masaya, very suplada ang aura,” komento ng netizen.


“Baka naman napagod lang sa biyahe,” depensa ng ilan. 


Ani ng isang netizen, “Eh, bakit naman si Manny, super-ngiti at tawa pa at marespetong inabot pa ang kamay sa mga bumati? May dialogue pa nga ito kay Dyan, ‘Uy, may TV coverage pa talaga?’”


Hello, iba naman si Manny Pacquiao kay Jinkee, ‘noh! Hahahaha!



“HINDI mo talaga maaasahan na makakuha ng respeto kay Vice Ganda. He or she is her own boss at kapag hindi mag-align ang opinyon mo sa saloobin n’ya, basher ka n’ya. 


“Ipagsisigawan pa niyang ‘demonyo ka’ o wala kang silbi sa mundo,” ito ang sigaw ng mga defenders ng Villar family.


Sa isang parte raw kasi ng It’s Showtime (IS) kamakailan ay ginawa nga raw ‘subject’ ng humiliation ang isyu sa mga Villar, lalo na ang usapin sa tubig na isa sa mga negosyo ng naturang pamilya.


“We understand the woes of those that are affected by the operation of the said business. Ginagawan naman ng paraan na ma-address at nasa tamang mga ahensiya na dahil hindi lang naman ang pamilya Villar ang dapat na managot sa mga palpak na serbisyo. 


“Pero ‘yung i-ridicule mo pa on national TV at pagtawanan pa ng mga kasamahan n’ya ay napaghahalata ang malice. Sana ay magkaroon na lang s’ya ng ibang show kung ang hilig-hilig n’yang kumuda sa mga isyu ng bayan. A big part of their variety show is for entertainment at hindi isang public service program. Puwede naman s’yang kumuda o mamintas pero dapat i-present niya ang both sides. 


“Nagmamagaling s’yang matalino at maraming alam sa isyu ng bayan pero ‘yung style n’ya ng pagbibigay ng opinyon ay masyadong bastos na nagtatago sa ngalan ng komedya. Walang respeto.  Remember, ‘yung online sugal na ine-endorse n’ya ay pinagkaperahan din niya, so nasaan ang pagiging righteous niya?” ang litanya pa ng mga nagtatanggol sa pamilyang Villar.


Sa naturang IS portion nga kung saan may trivia question sila sa mga kalahok, ang simpleng salitang ‘BILYAR’ ay pinaglaruan nga at iniugnay na sa mga Villar sa Senado at mga Villar na may negosyo sa tubig na inirereklamo nga ng mga consumers at subscribers nito.


“At ‘yung mga co-hosts n’yang maririnig mong malisyosong tumatawa sa kuda n’ya ay nakakapikon ding makita. Para namang hindi nila pinagkakitaan at one point sa mga raket o shows nila ang pamilya Villar,” hirit pa ng mga defenders.


Aguy, sinu-sino kaya ang mga ‘yun?


Pamilya Villar, pinaglaruan sa It's Showtime…

VICE, FEELING MATALINO AT LAGING NASA TAMA, PINAGKAKITAAN NAMAN ANG SUGAL


MEANWHILE, may mga nakausap din naman kaming nagsasabi na ganu’n talaga ang istilo ni Vice Ganda.


“You either love him or hate her,” sey nila. 


May payo pa ngang hindi raw talaga para sa mga madaling mapikon o mainis ang style ni Vice.


Naturalesa rin daw ni Meme Vice ang magpasimula ng isyu in guise of comedy and humor, pero kapag sa kanya na ibinabalik o ibinabato ang isyu, nagngangalit na nga ito.


Bongga nga ang ginawang analogy ng isang kilalang ehekutibo na nakausap namin na nagsasabing dapat daw kay Vice, kung totoong matapang at matalino ay magkaroon ng isang public service o political show dahil valid naman daw ang mga observation nito sa mga isyu ng bayan. ‘Yung mga pitik niya, totoo naman. ‘Yung delivery nga lang talaga niya ay pang-political show, hindi pang-entertainment.


Inihalimbawa nga ito ng naturang executive sa isang ‘baboy sa kural’.


Pag-analisa nito, “Ang usapin sa pulitika at negosyo ay babuyan talaga. Kung ayaw mong maputikan, ‘wag na ‘wag kang makipagrambulan at makipagkulapulan ng putik at dumi. “Gustung-gusto ‘yun ng baboy dahil ‘yun ang tirahan n’ya at mga tira-tira ang kinakain n’ya.

‘Yun ang mundo n’ya at literal na, ‘Bwak, bwak, bwak,’ ang lagi n’yang isinisigaw.”


Ay, grabeng aguy, uy!!!


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 8, 2025



Photo: Richard at Barbie / Circulated



Speaking of another Gutierrez, hindi na nga maitatanggi ni Richard Gutierrez ang relasyon nito kay Barbie Imperial.


May mga bagong report na muli silang namataan sa UK, London having good time.


May mga sources na nagsasabing para nga raw mga honeymooners ang dalawa na masaya sa kanilang pagbabakasyon sa naturang lugar.


Matatandaang nag-viral ang kanilang Italy sortie last time nang mag-shoot doon si Chard ng Incognito.


Marahil nga raw ay naging espesyal sa dalawa ang mga romantic places sa London kaya nila ito binalikan.


“Alangan naman na nag-picture at kumain lang sila doon, ‘noh? S’yempre, may mga sarili silang private moments, ‘noh?” ang nagkakaisang reaksiyon ng mga netizens na nagtatanong pa rin ng estado ng divorce or annulment ni Richard at ng dati nitong asawang si Sarah Lahbati na balita rin namang may bagong BF na.

Well…



Lovers sila ni Roderick sa movie…

TONTON: MERON NA KAMING NAGAWA NA KAYA KONG IPAGMALAKI SA MGA ANAK KO



Matagal nang panahon na nagkasama sina tugang Roderick Paulate at Tonton Gutierrez sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK). Nanalo pa nga ng acting award si tugang Dick sa nasabing drama anthology.


This time, sa movie naman masusubukan ang tandem nila via Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI).


Sey ni Tonton, “Hindi ako nagdalawang-isip nang alukin ako para sa movie. I always admire Roderick, I am his fan. Iba s’yang katrabaho at very professional.


“At least now, meron na kaming nagawa na kaya kong ipagmalaki sa mga anak ko o mga magiging apo ko,” seryoso pang sambit ni Tonton.


Lovers sila sa movie kung saan namatay ang karakter ni Tonton at pinamanahan niya si Dick sa kondisyon na maging ‘Mudrasta’ ito ng kanyang dalawang anak (Elmo at Arkin Magalona), kasama na ang pagtira sa bahay at pakikisama sa malditang nanay nitong si Celia Rodriguez.


“Wala rin akong masasabi sa pagiging very generous actor ni Tonton. Sa dami na rin ng mga naging leading men ko, s’ya na siguro ang pinakamasarap katrabaho. Sa ngayon talaga, itong Mudrasta ang matatawag kong favorite film ko sa hanay ng mga Ako si Kiko, Ako si Kikay, Petrang Kabayo, Bala at Lipstick, etc..


“Kaya sana po, ma-enjoy ninyong panoorin sa Aug. 20,” paanyaya pa ni Kuya Dick.

Ay, si Tonton nga rin pala ang first guy na nagbigay sa kanya ng isang ‘surprise kiss’ onscreen (MMK episode) kaya raw masasabi din niyang bininyagan siya nito noong 1999 sa utos ng yumaong si Direk Wenn Deramas.




MAGSISILBING third wheel sa tambalang Bela Padilla at JC Santos ang guwapo at bagets actor na si Kyle Echarri.


Sa balik-movie tandem nina Bela at JC sa 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) na sequel ng 100 Tula Para Kay Stella, pumasok ang karakter ni Kyle bilang si Clyde.


“Hanggang ngayon po talaga, nagtatanong ako kung bakit ako ang napili nila. But I can only have good words for Viva for this chance. This is indeed a big thing for me as an actor. To work with Bela and JC is already an honor for me. Sino ba naman ako na basta na lang papasok sa tandem nila?” paliwanag pa ni Kyle na umaming marami ang maiinis sa kanyang role sa movie. 


“Lalo na ‘yung mga fans talaga nila since 8 years ago na lumabas ‘yung 100 Tula Para kay Stella, which I promised to watch talaga,” hirit pa ng batang aktor na blessed na blessed ang parehong acting at singing career.


Nang i-segue namin ang tanong na ayon sa aming nakalap, siya talaga ang kinuhang ka-triangle ng dalawa dahil may hatak siya sa Gen Z at Alpha Gen audience, “I can only be grateful po. Sana po talaga ay magustuhan nila ang ginawa ko sa movie at pumasa ako bilang third wheel nila,” susog pa ni Kyle na may bagong kulay ang hair dahil sa bagong project na siya uli ang bida.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 5, 2025



Photo: Bea Alonzo - IG


“Chinese na ako,” at hindi ‘chenez’ lang ang tinuran ni Bea Alonzo during the red carpet ng GMA Gala 2025 event.


Pagpapatunay nga na ‘yung mga sighting sa kanila ni Vincent Co ay more than being friends or business partners lang.


Dahil nga sa kinumpirma rin ni Bea na BF na niya ang pamosong negosyante at sinabi pang nais niyang gawing ‘private’ ang mga detalye sa relasyon nila, mabilis mag-wan plus wan ang mga netizens sa umano’y plano rin nilang pagpapakasal soon.


Although solo ngang rumampa si Bea sa naturang gala event, isa pa rin siya sa mga pinag-usapan dahil sa naturang pag-amin.


At gaya ng hangad ng marami, sana nga ay natagpuan na ng magandang aktres ang sinasabing ‘the one’ niya.


Abangers tayong lahat sa mga susunod na kabanata! Congratulations!


Patungkol daw kay Cristy Fermin…

VICE, TODO-MURA NG “DEMONYO KA!” AT NANDURO PA SA HARAP NG CAMERA


NAPANOOD namin ang sinasabing video ni Meme Vice Ganda na diumano’y patungkol kay ‘Nay Cristy Fermin.


Grabeng pagmumura ng ‘demonyo ka’ na paulit-ulit na sinasabi ni Vice na nakaturo pa sa camera.


Halatang sobra ang galit nito sa pinatutungkulang tao, na ang sabi nga ng marami ay si ‘Nay Cristy.


Ayaw man naming isiping si ‘Nay Cristy nga ‘yun, pero sobrang timing din kasi sa pangyayaring naisyuhan ng warrant of arrest ang kaibigan natin, kasama pa sina Romel Chika at Wendell Alvarez.


Si Romel ay dating kasamahan ni Vice sa mga comedy bars at madalas din itong bumabangka sa mga usaping Vice sa mga programa nila.


Sa normal na kalakaran sa showbiz, kung pinipitik man nina ‘Nay Cristy at Romel si Meme, may mga insidente rin namang pinupuri nila ang magaganda nitong nagagawa.


Medyo turned-off lang talaga sa amin ‘yung sobrang pagiging self-righteous ni Meme na kahit sa mga usaping pulitikal ay minsan siyang maraming nakukuda. 

Classic example nga ‘yung kontrobersiyal na isyu ng promotion ng online sugal kung saan may pa-emote siyang ‘precaution’ na hindi ‘yun dapat gawing hanapbuhay at pantawid-ekonomiya. 


Pero the fact na pinagkakitaan niya ‘yun bilang endorser, ano nga kaya ang “right” niya na mag-lecture on it’s advantage/disadvantage?


For sure, mas marami pang ibang usapin na taliwas sa madalas niyang pini-preach kasama na ang LGBTQ issues.


And yes, ano’ng klaseng example nga ‘yung ipinapakita niya sa panggagalaiti at pagmumura? 

Just asking?



WOW, at this early nga ay pinag-uusapan na ang mga names na posibleng rumampa come awards season.


Nangunguna na d’yan si Maris Racal na tunay namang napakahusay daw sa Sunshine movie. Ang gaganda ng mga reviews sa movie at performance ni Maris. Kung pagbabasehan namin ang mga previous projects niya sa TV man o movies, we can only agree na isa nga siya sa mga young actresses natin ngayon na masasabing ‘thinking actress’ sa molde ng mga gaya nina Ate Vi, Hilda Koronel at mga yumaong sina Ate Guy at Jaclyn Jose.


Ang husay-husay pang mag-aral ng mga lengguwahe at dialect ni Maris na para bang second tongue niya ang mga gaya ng Italian, American o kahit Ilonggo pa.


No wonder ang dali-dali niyang nakarekober sa mga iskandalong kanyang naranasan at agad din siyang tinanggap uli ng madla.


Bongga rin ang mga reviews sa husay nina Zanjoe Marudo, Susan Africa at Richard Quan sa ipinrodyus na movie ni Mama Ogie Diaz tungkol sa ‘toxic family’, ang How To Get Away From My Toxic Family.


Kahit si Janice de Belen na markadong aktres ay napanganga at nairita sa husay daw ng pagka-deliver ng mga roles nina Susan at Richard sa movie. 


Marami rin ang pumupuri sa galing ni Barbie Forteza sa kanyang horror movie na P77.

Kahit ang movie itself ay sinasabing hindi pipitsugin gaya ng ibang horror flicks na makapanakot lang.


Well, if all of those observations are indicators of an exciting genres and movies na sinasabing nagpapasigla sa takilya, then mabuhay ang showbiz!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page