Horoscope | Hunyo 22, 2020 (Lunes)

June 22, 2020

Maestro Honorio Ong

  

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 22, 2020 (Lunes): Gamitin mo ang kakayahan mong paramihin ang isang bagay. Sa ganitong paraan, tiyak ang pagyaman mo. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang nakagugulo sa iyong buhay. Wala ka namang mapapala sa kanila kundi ang mainis. Muli, huwag mong pansinin ang mga nakagugulo lang sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang nakatulong na sa iyo, siya rin ang maaasahan mo sa panahon ng pangangailangan. Ang mga nagsasabing tutulong pa lang ay huwag mo gaanong seryosohin ngayon. Masuwerteng kulay-beige.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ingat lang. May mga biglaang sagabal sa nilalandas mong buhay. Kung hindi ka mag-iingat, maaaring makaranas ka ng panandaliang kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.

 

CANCER (June 21-July 22) - Maglilitawan ang mga kontrabida sa buhay mo pero kapag nakitang gumaganda ang iyong kalagayan, mauuna pa silang magpresinta na sila ay iyong mga tapat na kaibigan. Masuwerteng kulay-black.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Makakaharap mo ang iyong anino dahil taglay niya ang iyong mga kahinaan. Siya ay tao na sobrang kaiinisan mo, pero huwag mo siyang aawayin dahil siya at ikaw ay iisa lang. Masuwerteng kulay-violet.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalabas ang itinatago mong galing at husay. Simula ngayon, huwag mo na hayaang maitago pa ito. Sa halip, gamitin mo nang sa gayun ay bumilis ang pag-unalad ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Obserbahan mo ang iyong paligid. Kapag may nakita kang hindi maganda, lumayo ka agad. Ang isa sa hindi maganda ay may sumusunod sa iyo na hindi mo kalilala. Masuwerteng kulay-red.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka sa mga awtoridad hindi dahil sila ay tama kundi dahil sa pagsalungat sa kanila, iinit lang ang iyong ulo at wala ka ring magagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tulungan mo ang mahihina. Bakit mo tutulungan ang malalakas? Gayundin, turuan mo ang mga kapos ang kaalaman. Bakit mo tuturuan ang mga likas na matatalino? Masuwerteng kulay-white.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Mamahinga ka at magsaya dahil sa ganitong paraan, manunumbalik ang lakas mo at ang mga pagsubok sa buhay ay tiyak na makakayanan mo. Masuwerteng kulay-green.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humihina ang lahat ng bagay sa mundo, kumbaga, kumukupas ang lakas. Kahit ang pag-ibig ay nananamlay din tulad ng nadarama mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay sa makikita mong nararanasan ng kapwa mo. Sa ganitong paraan, ang masaklap niyang karanasan ay hindi mo matitikman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.