top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Horoscope | Hunyo 21, 2020 (Linggo)


Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 21, 2020 (Linggo): Isinilang ka para mamuno. Mamuno ka nang may dangal at pagmamahal sa iyong mga tauhan. Ito ang bilin ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka at masusunod ka, pero kailangang maunawaan mo na ang totoo sa buhay ng tao ay hindi maganda na ang sumunod ay napilitan lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda-handa ka dahil napakalaking suwerte ang madaraanan mo habang binabagkas mo ang landas ng iyong tagumpay. Huwag mong hayaan na talunin ka ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-pink.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang matukso na magpalit ng kagustuhan. Panatilihin mo ang nakaugalian mong kahit maliit lang ay mas maganda kaysa sa biglang malaki pero mabibigo ka. Masuwerteng kulay-beige.

CANCER (June 21-July 22) - Nakagugulat ang mga pangyayari dahil kung sino ang iyong kinainisan, siya naman ang magiging dahilan kung bakit mahuhulugan ka ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.

LEO (July 23-Aug. 22) - Madarama mo na mas angat ka sa mga pangkaraniwan. Tama ang iyong pandama at para mas maganda, ang mga pangkaraniwan ay iyong gabayan sa pag-asenso sa buhay. Masuwerteng kulay-black.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang masilaw sa magaganda na malaki ang kapalit ng munting bagay na mula sa iyo. Dapat mong maunawaan na sa ganito nagsisimula ang mga pandaraya. Masuwerteng kulay-violet.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon, puwede mong mapatunayan na masusunod ka kesa sa umaasta na siya lagi ang dapat masunod. Mag-utos ka. Oo, ang uutusan ay walang magagawa kundi sumunod. Masuwerteng kulay-peach.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magalit sa araw na ito. Maaaring maraming gamit ang masira, pero ang mas hindi maganda ay maaapektuhan ang iyong kalusugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang hindi mo naman kilala. Ito ang utos na kapag nasunod ay may katumbas na mabilis na katuparan ng mga kahilingang akala mo ay hindi na pagbibigyan. Masuwerteng kulay-brown.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titigas ang ulo mo pero biglang lalambot din dahil mabilis mong makukuha na mali pala ang iyong pinaninindigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinihintay ka. Ang naghihintay sa iyo ay ang magagandang kapalaran. Kailangang umusad ng iyong buhay at ang isa pang kailangan ay huwag kang mabuhay sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamili ka ng makakasama. Hindi lahat ng nagpiprisinta ay kailangan mong tanggapin. Kung sino ang tunay na nakakatulong sa iyo, siya ang payagan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow.

![endif]--![endif]--

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page