top of page
Search
  • Imee R. Marcos

Tulong para sa mga jobless na OFWs, dapat tugunan ng ating gobyerno, plis lang!

Ang mga OFWs ang itinuturing na mga bagong bayani ng bansa. Sila ang mga nag-aakyat sa ‘Pinas ng maraming dolyar. Agree?

Ngayong marami sa hanay nila ang nawalan ng trabaho, siguro panahon na para makabawi tayong nasa gobyerno sa kanilang ambag sa ating bansa.

Kumbinsido akong ngayong jobless ang marami sa kanila at nag-uwian sa ‘Pinas dulot ng pananalasa ng COVID-19 pandemic sa maraming panig ng mundo, dapat lang na suklian natin ang kanilang mga kontribusyon. And mind you, mga beshy, malaki ang maiaambag nila para makabangon ang ating bumabagsak na ekonomiya.

Ako nga, eh, humihimok sa ating mga kasamahan sa gobyerno na gamitin natin ang kaalaman at natutunan nilang galing o kahusayan sa ibang bansa para makabangon tayo at kahit paano ay maiangat ang ating pamumuhay na pininsala ng COVID-19.

Marami silang maibibigay na kontribusyon, halimbawa ay ‘yung ating mga seaman, eh, sanay maging lider ng taga-ibang bansa, ‘yung OFWs naman na construction worker alam nila ang bagong pamamaraan sa pagtatayo ng mga gusali habang ang mga OFWs na health workers, eh, pamilyar sa latest na pananaliksik at teknolohiya sa larangan ng medisina.

Hindi rin pahuhuli ang mga OFWs na master electricians na may bagong kaalaman sa fire prevention, ‘yung OFWs na mga urban planner na matalas ang kamalayan sa epekto ng kanilang mga disenyo sa kapaligiran. Bonggatius divah? Dami nilang alam!

Kaya naman hirit ko sa Department of Labor and Employment (DOLE), ‘wag sayangin ang mga tulad nila at sa halip ay magpatulong tayo sa kanila at tulong na rin natin sa kanila ang mabigyan sila ng trabaho dahil sa kanilang mga experties na natutunan overseas!

Dapat simulan na ng DOLE ang imbentaryo sa kakayanan nila para mabatid kung saan sila maaaring gamitin ng gobyerno. Bilisan na ang kilos para agad-agad natin silang matutulungan na magkatrabaho gayundin makakatulong naman ang kanilang kahusayan para lumago ang ating ekonomiya. Now na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page