top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Horoscope | Abril 06, 2020 (Lunes)


Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 6, 2020 (Lunes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo kaya magnegosyo ka. Ang ibang aktibidad na pipiliin mo ay maituturing na pagsasayang lang ng oras at panahon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ng pasya ang pagsikapan mong magawa. Kapag ang tao ay mabagal at walang gaanong paggalaw, ang mga karamdaman ay madaling kakapit sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hayaan mo ang iba na nagpapakita ng tapang. Malapit sila sa panganib ng pagkakaroon ng sakit habang ang mga nag-iingat ay mas ligtas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit nasa bahay ka lang, susundan ka ng suwerte kaya piliin mo ang pananatili sa bahay. Ang mga suwerte may kani-kanyang misyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo, lalo na ang isipan mo. Ang mga problema ngayon ay hindi kaya ng iisang tao at hindi rin ito masosolusyunan ng matalinong kaisipan. Masuwerteng kulay-white.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang magaan na trabaho ‘yun lang ang gawin mo sa loob ng bahay mo. Kung mapapagod ka nang husto, maaari kang magkasakit at para ka ring lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-green.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot. Ito ang isabuhay mo ngayon habang ang panahon ay mapanganib. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang makaalala sa iyo, siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Kung may mahal ka pero nakalilimutan ka at abala sa ibang bagay, iwasan mo siya nang tuluyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tulungan mo ang sinumang kakilala mo na nangangailangan. Mas maganda ang tumutulong kaysa tinutulungan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sama-sama, mas malakas at matibay kaysa sa nagsasarili. Gumawa ka ng grupo na magtutulungan ang bawat isa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makisali sa anumang klase ng pagtatalo. Mali o tama man ito, ipatutupad pa rin ng namamahala ang kanyang mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ang tamang panahon ng pagdidiyeta. Lahat ay magugulat sa iyo nang may paghanga kapag sumapit ang panahon na ang mga tao ay puwedeng ng makipagsosyalan. Masuwerteng kulay-black.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sarili mo ang kalaban mo, pero mas mahihirapan kang manalo. Minsan, maganda pa na ibang tao ang kalaban dahil mas madali silang talunin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet.

![endif]--![endif]--

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page