top of page
Search
  • Ka Ambo

Ekstensiyon ng EQC, namumuro dahil sa patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19

Walang nagrerekomenda na tanggalin ang lockdown.

Trabaho o buhay?

◘◘◘

UMAASA ng tulong mula sa gobyerno ang milyun-milyung Pinoy.

Isang suntok sa buwan!

◘◘◘

TINALO ng China ang U.S. sa pagkontra sa COVID-19.

Maging ang Europa ay lumabas na inutil laban sa pandemic!

◘◘◘

NANINIWALA tayong nagaganap na ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Ang modernong digmaan ay nasa kakaibang dimensiyon!

◘◘◘

MALINAW na masusukat ngayon kung sino ang pinakamakapangyarihang bansa sa balat ng lupa.

Hindi nuclear arms ang panukat sa world power, bagkus ay kung paano makaliligtas sa pandemic!

◘◘◘

NAKAIISKOR ang China laban sa COVID-19.

Ito ay sa ngayon pero, ikinatatakot nila ang “relapse” o binat.

Ito ay ang “second wave” ng virus—kung saan posibleng magkaroon ng mutation!

◘◘◘

WALA pang natutuklasang vaccine laban sa COVID-19.

Bago makatuklas ng gamot at vaccine, maaaring may bago nang “strain” kung saan hindi na tatalab ang matutuklasan bakuna at gamot!

◘◘◘

NAMUMURO ang extension sa lockdown.

Patuloy ang pagdami ng kumpirmadong may virus.

Kahit alisin ang lockdown, wala pa ring maglalakas ng loob na lumabas ng bahay!

◘◘◘

NAKAHANDA ang China na saklolohan ang Pilipinas.

Hetong U.S., paralisado ang gobyerno—nagmamakaawa sila ng tulong mula sa ibang bansa!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page