top of page
Search
  • BRT

Lolo tepok sa checkpoint

AGUSAN DEL SUR — Napatay ng mga awtoridad ang 63-anyos na lolo na nag-amok sa police checkpoint kamakalawa sa Bgy. Amontay, Nasipit.

Nakilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Junis Biñas, nakatira sa naturang barangay.

Nabatid na lasing umano nang magwala si Biñas at hinabol ng taga ang mga residente hanggang magawi ang suspek sa police checkpoint.

Nang sabihan ng mga awtoridad si Biñas na sumuko ay bigla nitong sinugod ng taga ang mga pulis na nagmamando sa checkpoint.

Dahil dito napilitan ang mga awtoridad na pagbabarilin ang suspek.

Napag-alaman na nakarekober ang pulisya ng itak sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page