top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Horoscope | Abril 04, 2020 (Sabado)


Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 4, 2020 (Sabado): Pataas nang pataas ang kalagayan mo sa buhay kaya huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa langit. Ito ang iyong obligasyon kaya kailangan mo itong sundin.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka. Ibig sabihin, pahalagahan mo ang mga kapus-palad, pero hindi sumusuko sa pagsisikap dahil tulad mo rin sila noong nagsisikap ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palakasin mo ang loob ng mga mahal mo sa buhay na tila nawawalan na ng pag-asa. Hindi nila dapat makita na ikaw din ay nag-aalala sa mga nangyayari. Masuwerteng kulay-violet.

GEMINI (May 21-June 20) - Kumuha ka ng tapang sa mga pagsubok na iyo nang nalagpasan. Kumuha ka rin ng tapang mula sa mga mahal mo sa buhay na hindi umaatras sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.

CANCER (June 21-July 22) - Pahalagahan mo ang kalinisan sa personal na buhay at sa mismong kapaligiran dahil ang totoo, maraming puwedeng maging sakit ang tao kung ang paligid niya ay hindi malinis. Masuwerteng kulay-red.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa matitigas ang ulo, ayaw sumunod sa patakaran at sa mga akala mong mas marunong pa sa mga tunay na nakakaalam. Masuwerteng kulay-brown.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi kinikilala ng mikrobyo ang pera at estado ng mayayaman. Walang kuwenta ang yaman dahil sa sakit kung saan ang lahat ay pantay-pantay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, iwasan mong magalit dahil ito ay nagpapahina ng natural na depensa ng tao. Samantala, ang pagiging kalmado ay nagbibigay ng lakas ng katawan at talino ng kaisipan. Masuwerteng kulay-green.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nawawala ang mga bituin sa langit dahil may pagkakataon lang na sila ay natatakpan ng mga ulap. ‘Wag mong isipin na ang mga hindi magagandang nagaganap ay walang katapusan. Masuwerteng kulay-yellow.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipahiram mo ang tapang mo sa mga naduduwag. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagiging huwaran kung saan hinaharap mo ang kaganapan nang may magandang pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-purple.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi dapat mahalata ng mga mahal mo sa buhay na ikaw ay pinanghihinaan ng loob. Mas magandang ilihim mo lang ang iyong matinding pag-aalala at pangamba. Masuwerteng kulay-pink.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Ang mahalaga ay sumunod ka sa utos na dumistansiya muna sa mga kapwa at ang mas maganda pa ay manatili ka lang sa iyong bahay. Masuwerteng kulay-beige.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw na mismo ang mag-utos sa sarili mo na huwag lumapit kahit kanino at iwasan mo ring humawak sa kanila, kahit sa damit lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue.

![endif]--![endif]--

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page