top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

Pagkakaisa ng mga Pinoy vs. COVID-19, hindi people power kontra gobyerno

PEOPLE POWER VS. CORONAVIRUS—Dapat mag-people power tayo, pero hindi people power para pabagsakin ang gobyerno, kundi people power na magkaisang labanan ang coronavirus sa pamamagitan nang pagsunod sa panawagan ng pamahalaan na “stay at home” para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Ipakita natin sa buong mundo na may pagkakaisa ang mga Pinoy at kaya nating puksain ang deadly virus ng magkakasama at nagkakaisa.

Kapag nagawa natin ‘yan, hahangaan na naman ng mundo ang Pilipinas, period!

◘◘◘

FAKE NEWS PARA SIRAIN SI SEN. “BONG” GO, NAGDULOT NG PANIC SA PUBLIKO—Itinanggi ng The Medical City na ni-raid ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ospital at kinumpiska ang mga donasyong Personal Protective Equipment (PPE) na ginagamit ng mga health workers at dinala sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) para lagyan ng “Donated by: Sen. Bong Go.”

Kung ganu’n, fake news lang pala ang kumalat sa social media na may ganyang pangyayari sa The Medical City.

Napaka-bad naman ng mga gumawa niyan, sa kagustuhang sirain si Sen. Christopher “Bong” Go, gumawa pa ng pekeng balita na nagdulot tuloy para madagdagan ang panic ng publiko, mga buwisit!

◘◘◘

INILAGAY NG KADAMAY SA PANGANIB ANG BUHAY NG MGA MARALITA—Kung totoo man na ang grupong “Kadamay” ang pasimuno at nagsulsol sa mga mahihirap na residente sa Sitio San Roque, Bgy. Pagasa, Quezon City para magprotesta laban sa gobyerno kaugnay sa kakapusan ng supply ng relief goods sa kanilang lugar ay mali ‘yan!

Inilagay ng Kadamay sa panganib ang buhay ng mga maralita dahil alam naman nilang kasagsagan ngayon ng deadly, tapos hinihikayat pa nilang magprotesta ang kapwa nila.

Kung totoong may malasakit ang Kadamay sa mga maralita, dapat nagtungo sila sa barangay hall o sa city hall at ipinaalam na kulang na sa supply ng tsibog ang mga Sitio San Roque, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page