top of page
Search
  • Sr. Socrates Magnus II

Bubble gum, epektib na pantanggal ng bakterya sa bibig

Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman tungkol sa COVID-19 na kasalukuyang nananalasa sa buong mundo.

Noong nakaraang araw, ibinahagi natin ang ilang kaalaman kung saan paano napupunta sa lungs o baga ang mikrobyo at ito ay umiistambay muna sa lalamunan o throat. Kapag na-detect ng baga na may mirkobyong gustong pumasok dito, ang tao ay uubo dahil ang pag-ubo ay isang klase ng natural na depensa ng tao para maitapon ang mikrobyo.

Ang isa pang natural na depensa ng tao ay ang kanyang laway o saliva kung saan kapag may ibang bagay sa loob ng bibig ang tao ay magpo-produce ito ng laway at dahil ang laway ay may kakayahang labanan ang mga mikrobyo. Anuman ang dahilan ng paglalaway, mabuti itong panlaban ng virus, bakterya at iba pang mapaminsalang papasok sa katawan ng tao.

Kaya makikita natin na marami ang kumakain ng candy kapag sila ay inuubo dahil ang pagkakaroon ng candy sa bibig ay magreresulta ng paglalaway at dahil dito, ang pag-ubo ay nasosolusyunan.

May isang bagay na maaaring hindi agad mapaniniwalaan at ito ay ang pagnguya ng bubble gum kung saan kapag may bubble gum sa bibig, ang tao ay tiyak na ngunguya at ang pagnguya ay isa ring natural na depensa para talunin ang anumang mikrobyong nasa bibig at lalamunan.

Dahil wala namang mawawala sa tao kung may bubble gum siya sa bibig kapag inuubo o may nararamdamang hindi maganda sa lalamunan, inirerekomenda na kumain nito.

May isang kaalaman na matagal na nating itunuturo sa ating mga tagasubaybay para magkaroon ng malakas na kapangyarihan na angkop din na sa panahon ngayon. Ito ay ang tinatawag ng mga yogi na “paghingang-ganap” kung saan ito ay magreresulta sa paglilinis ng baga at ang paraang ito ay ipinapayo ng ilang mga doktor na isang paunang paraan para malabanan ang hirap na dala-dala ng taong positibo sa COVID-19.

Sa paghingang-ganap o inhale-exhale, kailangang huminga nang papasok o inhale at pananatiliin nang ilang sandali sa baga ang hangin saka gawin ang paghingang palabas o exhale kung saan dahan-dahang ilalabas ang hangin.

Pangkaraniwang ehersisyo lamang ito para sa yogi, pero ito ay ipinapayo ng mga manggagamot sa Hinduism para sa mga mahihina ang baga. Ang totoo nga, ito ay ipinagagawa sa mga taong may sakit sa baga o may madaling dapuan ng pulmonya.

Itutuloy

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page