top of page
Search
  • Julie Bonifacio

Bangs, 5 months buntis sa second baby

Paulo, ‘di lang aktor, movie producer na rin

Positibo ang Kapamilya star na si Paulo Avelino na magugustuhan ng mga manonood ang latest film niya na Ngayon Kaya na idinirehe ni Prime Cruz under T-Rex Entertainment.

Tinanggap niya ang proyektong Ngayon Kaya dahil relate much siya sa kuwento nito. He plays the role of Harold na isang shy college student na galing sa probinsiya.

"Very unique kasi 'yung role ko sa movie. It’s my first time playing a guy who is hoping for love,” pahayag ni Paulo.

Habang nag-aaral sa Manila, nagkaroon siya ng close bond hanggang mauwi sa secret love sa kanyang kaibigan na si AM, isang rich city girl na passionate sa kanyang dream portrayed by Janine Gutierrez.

Aniya, “What Harold went through is something very similar to something I experienced in the past.”

Pero, dahil sa magkaibang personalidad nina Harold at AM, plus ang iba pang komplikasyon sa kanilang personal lives, hindi sila umabot sa "more than friends but less than lovers" stage. At pagkatapos, nagkahiwalay din sila.

And after five years, muli silang nagkita at nagkasama. Sa pagkakataong 'to, naisip nina Harold at AM na ituloy ang naunsiyaming relasyon nila.

Bukod sa pagiging bida ng Ngayon Kaya, isa rin si Paulo sa mga producers ng pelikula.

Paulo’s own production outfit, WASD Films, is a co-executive producer of the movie with T-Rex Entertainment, businessman Rex Tiri's film outfit.

Si Paulo rin daw ang nakaisip ng pamagat ng latest movie niya with Janine.

“Nasa set kami nu'n at nag-iisip kami ng title. Naisip ko lang, bilang miyembro ng cast at isa sa mga nagtatrabaho sa pelikula, paano kung Ngayon Kaya? Ang dami kasing puwedeng ipahiwatig sa dalawang salitang ‘yun. At lahat ng mga ibig sabihin, makikita mo sa istorya ng pelikula. Ang tagal kong inilaban ang title. 'Yung suggestion ko rin ang final choice," aniya.

Ang Ngayon Kaya ay isinulat ni Jen Chuaunsu. Ang tandem nina Direk Prime at Jen ang naghatid sa atin ng mga pelikulang Sleepless, Ang Manananggal sa Unit 23B at Isa Pa with Feelings.

Kabilang din ang Ngayon Kaya sa walong official entries sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival na pansamantalang nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.

Parte rin ng Ngayon Kaya cast sina Alwyn Uytingco, John James Uy, Donna Cariaga, Shara Dizon and Ms. Rio Locsin.

For updates, follow the social media accounts of T-Rex Entertainment on Facebook, Twitter and Instagram.

***

BANGS, 5 MONTHS BUNTIS SA SECOND BABY

Due to give birth in a couple of months ang Kapamilya star na si Bangs Garcia. Kaya pala matagal nag-lie-low sa limelight si Bangs for the past months ay dahil sa pagbubuntis niya for her second child.

Ginulat ni Bangs ang mga netizens sa ipinost niyang picture sa kanyang Instagram account.

Nakasuot lang kasi ng floral na two-piece swimwear si Bangs habang nakasandal sa pader kung saan lutang ang maumbok niyang tiyan.

Caption ni Bangs sa kanyang piktyur, "It's this time of my life again. My first four months hadn't been as smooth as my first pregnancy in 2017.... So, let me begin my first #pregnantselfie this time at five months #21weeks #5monthspregnant."

Komento naman ng mga netizens: "If the baby is boy, I'm sure it's super pogi!"

"Lalaki na 'yan."

May mga nakapansin naman sa batang nakasama sa selfie picture ni Bangs habang nakasuot ng two-piece swimwear. At sa bandang huli ng caption niya ay nabanggit din niya ang "photo bomber".

Aniya, "P.S. ... So adorable to have a frequent photo bomber in my life now."

Ang tinutukoy ni Bangs ay ang first child niya na si Amella na ayon sa follower niya ay napaka-cute raw.

In fairness, sexy pa rin si Bangs kahit buntis.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page