ni Lolet Abania | July 12, 2020
Nasa 5th-month na ang pagbubuntis ni Assunta de Rossi sa unang anak nila ng asawang si Jules Ledesma.
Sa IG post ni Assunta, ipinakita niya ang ultrasound photo ng baby na tinawag niyang, “little miracle from heaven.”
Hindi pa alam ni Assunta kung anong gender ng kanyang baby, pero masayang-masaya siya sa nakita, “feeling a bit emotional because the last time I had a scan, the baby was as small as a jellybean, if not smaller.”
“It’s the fear of not knowing,” sabi niya. But I survived my first and second trimester during a pandemic and lockdown without any complications! Cheers! #5monthspregnant #MiracleBaby,” post ni Assunta sa IG account.
Sa mga unang post sa IG ng aktres, dumanas siya ng matinding laban habang nagsisimula ang pagbubuntis dahil sa kondisyon niya na mayroong myoma (benign tumors na nadebelop sa loob at paligid ng uterus) at endometriosis (matinding kondisyon kung saan ang tissue na katulad ng isang uterine lining ay lumaki sa labas ng uterus).
“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years.
Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking!” kuwento ni Assunta.
“Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!” sabi pa niya.
Ikinasal sina Assunta at Jules noong December 2002 sa isang civil rites at 18 years na ang kanilang pagsasama. Matagal nang naghihintay ang couple na mabigyan ng baby, kaya marahil ito na ang malaking biyaya sa kanilang dalawa.