top of page
Search
  • Ka Ambo

VP Leni, todo-banat pa kuno, join na rin sa war on drugs

Usap-usapan ang pag-akto ni VP Leni bilang anti-illegal drugs czar.

Ano ang ibig sabihin nito?

Positibong indikasyon ito na bilib din siya sa war on drugs.

At nais niyang ipagpatuloy ito!

◘◘◘

HINDI bigo ang war on drugs, bakit siya makikisawsaw?

Ibig sabihin, nais niyang maging bahagi ng “tagumpay” ng giyera kontra droga.

At ngayon ay tinanggap niya ito!

◘◘◘

‘YAN din mismo ang paniniwala ni dating NCRPO chief at ngayon ay hepe ng PNP directorial staff na si Gen. Guillermo Eleazar — nagwawagi ang PNP kontra sa illegal drugs.

Milyun-milyon ang mga adik o users na sumuko at nais magpa-rehab.

Kung walang war on drugs, saan pupulutin ang mga ito?

◘◘◘

LIBU-LIBO rin ang naaresto at kinasuhan sa war on drugs kasama mismo ang ilang iskalawag na miyembro at opisyal ng PNP.

Kinumpirma ni Gen. Eleazar at mismong batay sa kongkretong datos — nabawasan nang malaki ang bilang ng krimen ngayong panahon ng “war on drugs”!

◘◘◘

SA unang 39 buwan ng Duterte administration, bumaba nang 60 porsiyento ang bilang ng krimen sa buong bansa.

Walang ganyang accomplishment ang ibang mga naunang naupo sa Malacañang!

◘◘◘

MAS nakararamdam ang mamamayan at maging ang mga foreign investors ng kaligtasan o pagiging kalmante laban sa krimen ngayong panahon ng war on drugs.

Nagpapasigla ito sa pagkilos ng tao at paglago ng ekonomiya!

◘◘◘

NILINAW ni Gen. Eleazar sa panayam ng media na nagrehistro nang “very to excellent” ang grado ni P-Digong dahil sa gumanda ang sitwasyon ng peace and order.

Malinaw na hindi kinunsinti ng pangulo ang mga tiwaling pulis, partikular ang kanyang binabanggit na “Ninja Cops” na siya mismo ang nag-expose!

◘◘◘

NAPARALISA na rin ang mga kriminal at drug lords na nakabase mismo sa loob ng Bilibid nang magtuwang ang NCRPO at bagong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagbaklas at pag-bulldozer sa mga kubol ng mga bilanggo.

Malinaw na epektibo ang sistema ng PNP sa pagsugpo ng kriminalidad.

Sa gitna nito, inirerekomenda ni Gen. Eleazar na paigtingin pa rin ang proseso sa pagsalakay sa mga kriminal.

Ito ay upang manatili ang momentum ng pagwawagi laban sa illegal drugs!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page