top of page
Search
  • Isko Moreno

Mahuhuling nagbabandalismo, padidilaan ang pader!


Nakakalungkot ang ginawang bandalismo ng ilan sa ating mga kababayan. Bagama’t kinikilala natin ang karapatan nilang ilabas ang kanilang saloobin o paniniwala, sana naman ay ilagay ito sa lugar at hindi ‘yung bababuyin ang mga pampublikong lugar na pinipilit nating ayusin, linisin at pagandahin para na rin sa kapakanan ng nakararami.

Inuulit natin, wala tayong problema sa paggamit ninyo ng “freedom of speech” pero sana ay ilugar natin ito. Hindi lingid sa inyo na galing sa lugmok ang lungsod at pinipilit nating maibalik ito sa dati sa maliit nating kaparaanan.

Binabalaan natin ang mga militante, “padidilaan” namin sa inyo ang bandalismong ginawa ninyo sa Lagusnilad Underpass kung sakaling mahuli kayo ng mga awtoridad.

Ang ganda-ganda, maayos at malinis na ‘yun! It took 15 years for that underpass to be attended. Nobody attended to that underpass, tapos bababuyin n’yo lang? Hindi na makatwiran ‘yan!

Ang pagbabandalismo ay ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinance No. 7971 o ang tinatawag na Anti-Vandalism Law of 1999.

Muli tayong nananawagan at nakikisuyo, hindi natin kayang mag-isa ito, samahan n’yo ako. Tulungan n’yo ang inyong lingkod na maibalik ang sigla at asenso sa kapitolyo ng bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page