top of page
Search
  • Jun R. Guillermo

Nag-aalok ng masahe at extra service sa mall, mandurukot pala

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section MPD-GAIS ang isang biktima na itago natin sa pangalang Ponjap upang ireklamo ang dalawang suspek na nagpanggap at nagdamit-pambabae na nakilalang sina Regie Dagoy y Bahian at Allan dela Cruz y Solis. Hindi sila mga becki, pero ito ang kanilang modus para makapanloko, lalo na ngayong magpa-Pasko na!

Ang istayl ng dalawa, tumatambay sa mga malls at hotels. Target nila ang mga lalaking hitsurang maykaya sa buhay, lalapitan ang mga ito at aalukin ng masahe at extra service kaya tinawag silang “Kapkap-Ch*pa” Gang.

Habang kinukumbinse ang kanilang bibiktimahin, kung anu-anong boladas ang sinasabi rito para mapapayag. Ang hindi alam ng biktima, habang kinukumbinse siya at hinahawakan sa iba’t ibang parte ng katawan para kunwari ay masahihin, dinudukutan na pala siya.

Dahil sa reklamo, agad nagtalaga ng matitikas na operatiba nito si P/Capt. Arnold Echalar, hepe ng MPD-GAIS para mahuli at makamit ang hustisya ng biktima.

Sa follow-up operation sa pangunguna nina PEMS James Poso, PCpl. Vanessa Lapastura at Patrolwoman Ma. Jeremy Baldemor, agad nasakote ang dalawang demonyong suspek sa Malate, Manila na akto pang lalaban sa mga awtoridad ngunit, agad pinosasan nina PSSG. Rhafael Rodriguez at PSSG. Dean Mark Regala kaya napigilan ang dalawang pekeng babae na kapwa pala kawatan at ang target ay nakawin ang cellphone at wallet ng biktima. Pwe!

Positibong kinilala ng biktima ang mga demonyong suspek nang magkita ang mga ito sa himpilan ng MPD-GAIS na ayon kay PSSG. Kaiser Mijares, may hawak ng kaso, kinasuhan ng theft sa ilalim ng Article 308 Of Revised Penal Code ang dalawa dahil sa reklamo.

Kaya sa mga ka-BULGAR natin d’yan na mahilig magpamasahe, aba, mag-ingat kayo. Maging mapagmatyag at pakiramdaman ang mga taong nakadamit-babae na nag-o-offer ng masahe dahil baka kapag nalingat kayo, biglang mawala ang inyong cellphone, alahas at wallet, mga kawatan pala! Pwe ulit!

Ikaw kaibigan, ano ang sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Mas ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page