top of page
Search
  • Buti Na Lang May SSS

Mali ang name at birthdate sa birth certificate, hindi makakapag-file ng retirement claim

Buti na lang may SSS

Dear SSS, Ako ay 60 years old at first time pensioner. Noong July 30, 2019, ang huling araw ko sa trabaho. Nakakuha ako ng 18-month lump sum para sa aking retirement. May nabasa ako na kapag nakakuha ka ng lump sum, makatatanggap ka rin ng monthly pension? Nais kong malaman kung totoo ba ito? Maraming salamat! — Merly

Sagot Mabuting araw, Ginang Merly! Binabati namin kayo ng happy retirement! Nais naming linawin na ang lump sum amount ay ibinabayad ng SSS sa retiradong miyembro na hindi nakapaghulog ng 120 buwang kontribusyon. Ito ay katumbas ng kabuuang kontribusyon na naibayad ng miyembro at employer nito kasama na ang interest. Ang maaaring makatanggap ng habambuhay na pensiyon ay ang miyembro na nakapaghulog ng hindi bababa sa 120 buwang kontribusyon o higit pa at umabot na sa retirement age na 60 pataas. Batay sa rekord, ang tinanggap ninyo ay ang advanced 18-month pension at hindi lump sum benefit. Ang advanced 18-month pension ay paunang pensiyon na katumbas ng 18 buwanang pensiyon ng pensiyunado o inyong buwanang pensiyon mula Hulyo 2019 hanggang Disyembre 2020. Mula Enero 2021 o sa ika-19 na buwan, matatanggap ninyo ang inyong buwanang pensiyon.

◘◘◘

Dear SSS, Good day! Nais kong malaman kung kailangan ang certified true copy ng birth certificate mula sa PSA sa retirement claim kasi mali ang pangalan at birthdate ko na nasa record ng PSA? Salamat! —Elisa

Sagot Mabuting araw sa’yo, Elisa! Ang certified true copy ng birth certificate na iniisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay isa sa mga pangunahing dokumento na kailangang ipasa sa pag-file ng retirement claim sa SSS. Ito ang isa sa mga pangunahing dokumento na magpapatunay na ikaw ay nasa retirement age na. Ikinalulungkot naming hindi ka muna maaaring mag-file ng retirement claim sa ngayon dahil sa hindi tugma ang iyong pangalan at birthdate sa iyong birth certificate. Iminumungkahi naming makipag-ugnayan ka sa PSA upang maitama ang pangalan at petsa ng iyong kapanganakan na nakatala sa iyong birth certificate.

◘◘◘

Nais nating ipaalam sa mga retiree pensioners na bukas pa rin ang Pension Loan Program ng SSS para sa inyong panandaliang pangangailangang pampinansiyal. Magsadya lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa kanilang lugar para sa mga detalye at aplikasyon.

 

Kung mayroon man kayong mga katanungan tungkol sa SSS o mayroon kayong topic na nais matalakay sa kolum na ito, maaari ninyo kaming i-email sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page