top of page
Search
  • Pasaway Spotted

Madam Secretary, ayaw sa pangit at nakasimangot, ipinatatapon sa ibang department

Ms. Dee / Pasaway Spotted

Hindi na umano kinakaya ng kanyang mga kapwa kawani ang umano’y kamal­ditahan ng bagong talagang secretary ng isang sangay ng gobyerno.

Ang tsika sa ating pasaway spotter, ayaw daw ni Madam Secretary na napapa­ligiran siya ng pangit at palaging nakasimangot na mga tao kaya sa unang mga araw na siya ay itinalaga sa puwesto, ipinatapon nito ang dalawang career officers sa mga walang ku­wentang departamento.

“Mga pangit kasi sila at palaging naka­simangot at hindi bumabati sa akin,” ang sabi umano ni Madam Secretary.

Ibang level ang trip ni madam, ‘kaloka! Kasalanan na ba ngayon ang maging pangit? Bawal na rin pala ang sumimangot?

Ibinulong din ng ating spotter na dahil sa umano’y paghahamak at pangha-harass ni Madam Secretary sa iba pang kapwa opisyal, nagkasagutan sila ng director sa loob ng opi­sina nito.

But wait, there’s more! Ku­muha umano ng nagpang­gap na testigo si Madam Sec­retary para makasuhan ang director na bu­mangga sa kanya. Tinawag na “Poison Ivy” na sinasabing tsismosang pagala-gala sa gu­sali ng naturang sangay ng gobyerno ang hinilang testigo ni Madam Secretary.

Pinagawan umano ng affidavit si “Poison Ivy” para durugin nang wagas ang nakaalitang director ni Madam Secretary. Ang hindi na­man alam ni Madam Secretary, ipinakalat na sa ibang empleyado ang kopya ng affidavit laban sa director. ‘Yan, nagkabukuhan pa yata na maraming wrong grammar sa English ang “bata” ni Madam Secretary.

 

May isusumbong ka bang pasaway na opisyal sa gobyerno? Ibulong mo nga sa akin, mag-email sa pasawayspotted@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page