top of page
Search
  • Pasaway Spotted

Kolektor sa customs, P8 Milyon kada buwan ang kotong mula sa mga importers at smugglers

Jeff Tumbado / Pasaway Spotted

Alam n’yo ba, mga ka-BULGAR na tuwing Biyer­nes ang koleksiyon ni ‘ate opisyal’ sa mismong tangga­pan nito sa Bureau of Kotong, este, Customs sa Freeport Zone sa isang probinsiya sa norte na hindi lang pala P500,000 cold cash ang naibubulsa nito bilang tara kundi tumataginting na P2 milyon, na kung times four, P8 milyon kada buwan! Huwooow!

Ikaw na, madam! Puwe­de ka nang mag-retire in a few years’ time dahil sa milyun-milyong pisong laman ng kahong de-bakal mo sa haybol! Tsk-tsk-tsk!

Alam ba ni Bossing Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero ang kabig mong tara? Aba, kung hindi, eh, ang malas lang niya! He-he-he!

Ang bulong ng haliparot na bubuyog kay Mang Kanor, ang P2 milyon para kay ‘ate opisyal’ ay idine-deliver diumano mula sa mga ipun-ipon ng asosasyon ng mga brokers, importers at smugglers na rin na nagpa­papasok ng second-hand vehicles at heavy equipment sa Freeport Zone.

Inobliga na mag-under the table ang mga ito dahil sa sistemang kahit lehitimo ang papeles ay iniipit at dapat makiisa sa koleksiyon ni ‘ate opisyal’ sa pagiging reyna nito sa ahensiya.

Sa madaling salita, yehey muna si ‘ate opisyal’ at alalay na bag gurl na si “Hanah” sa pagkolekta ng lingguhang tara mula sa mga pobreng brokers kaya palaging bagong nail polished ang dalawa, sabay rampa sa mga malls na pawang mga suki every friyehey, este, Friday na shopping dito, shopping doon, pak!

Mabuti pa ang alalay na bag gurl ni ‘ate opisyal’, na sa kabila ng sinasahod nitong SG-5 kada buwan o nasa P4,000 hanggang P6,000 lang ay nakapagpatayo na raw ito ng kabi-kabilaang apartment building, condominium, kali­wa’t kanan ang pandesalan, bakery, coffee shop at may naipundar na rin daw na ilang bagong kotse at iba pang negosyo sa loob lamang ng 15 taon! Huwow! Iling na lang ang nagawa ni Mang Kanor sa nakalululang ari-arian nito na nakulimbat sa pamamagitan ng ‘tara system.’

Dapat daw, isailalim na sa lifestyle check si “Hanah” na hayahay talaga ang buhay sa labis-labis na kotong. ‘Ika nga ni Mang Kanor sa haliparot na bubuyog na bubulung-bulong, nilalakad na sa Presidential Anti-Corruption Commission o PACC si “Hanah” para hubaran na ng kanyang kayamanan na hindi naman niya pinaghirapan. Kapal­muks!

And wait there’s more! Ano itong naibulong sa atin ng haliparot na bubuyog na kahapon, Oktubre 21, 2019, ipinatawag ni ‘ate opisyal’ sa pamamagitan ng kanyang bag gurl na si “Hanah” ang mga brokers, importers at maging ang mga smugglers para diumano’y papirmahin sa isang bogus na “petition” papers na nagsasabing walang nangyayaring kotongan o paglalagay ng P2 milyon kada linggong tara sa kanyang ahensiya?

Aha? Ginawa pang sinungaling at manloloko ang mga pobre para pagtakpan ang kabulastugan ni ‘ate opisyal’ na ang palayaw ay “em-em”.

Sino ba namang aamin na meron kayong tara riyan, eh, lahat ng tao sa paligid ninyo ay nakikinabang at pinapa­tungan para maging bulag, pipi at bingi?

Kayo, ha? Pasaway kayo, palo ko kayo sa puwet! He-he-he!

Kung hindi tayo nagka­kamali, si ‘ate opisyal’ ay nasibak na noon sa puwesto nito bilang ‘kotong kolektor’ dahil hindi nila naabot ang kanilang assigned collection target.

Paano naman maaabot ang target collection para sa kanilang ahensiya, tila mas inuuna pa ni ‘ate opisyal’ ang target nito, ang kotong o under the table na tara.

At ngayon ay nailipat na si ate opisyal bilang kolek­to­ra sa Freeport Zone, siyempre, tuloy ang hayahay na buhay!

 

Para sa sumbong, i-text o itawag lamang ito sa 09171361211/09982606938 o mag-email sa jefftombado.bulgar@gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page