Anj Cabilla / PAK ANG GANAP
Photo : @jose_liwanag
SA unang pagkakataon, nag-post na ang aktor na si Carlo Aquino ng litrato nilang magkasama ng rumored GF niyang si Trina Candaza na isang modelo.
Kasabay ng 34th birthday ng aktor noong Martes (September 3), ibinahagi niya sa lahat ang sweet na sweet na picture nila ni Trina sa kanyang Instagram Stories.
Makikitang tila nakahiga sila sa kama at nakayakap ang aktor kay Trina at nilagyan ng caption na: “Thank you sa gift. @trinacandaza”
Mainit na pinag-usapan ang love life nina Carlo at Trina dahil akala ng marami ay nagkakamabutihan na uli sila ng leading lady at ex-GF niyang si Angelica Panganiban. Ilang beses ding namataang magkasama sina Carlo at rumored GF that time kaya ang akala ng mga fans ay niloloko ng aktor ang ex-GF niyang si Angelica.
Hanggang nitong July 30, sa isang interview ay inamin ni Carlo na masaya siya sa piling ni Trina.
Hindi man diretsahang inamin ni Carlo ang totoong relasyon niya kay Trina, pero hindi raw siya naiilang kapag nakikita silang nagde-date o magkasama.
Ayon pa kay Carlo, pinipili na lang niyang maging masaya kesa magpaapekto sa mga pambabatikos na ibinabato sa kanila ni Trina.