THUMBS-UP ang mga anak ng dakilang nobelista and author ng Darna (the late Mars Ravelo) sa choice ng Star Cinema na si Jane de Leon to don the red and yellow gold costume ng unang Pinay superheroine na si Narda a.k.a. Darna.
As we wrote here, kasama sa Deed of Sale ng alinmang obra maestra ni Uncle Mars ang kondisyong kasali sa pagpili ng bida sina Ruby, Rita, Richard, Regina, Rex, Roly at Rizaldy.
“Bagay kay Jane ang Darna. Gandang Pinay siya at ‘di matangkad o mestisahin. Kung buhay sina daddy at mommy, tiyak na they will agree with our choice,” sabi ni Rita nang makausap namin sa phone.
O, ayan, Jane. May blessing na sa ‘yo ang mga Ravelo. Huwag mo nang intindihin ang mga bashers at pintaserong netizens.
Just do your best and God will do the rest. Good luck!